*Foreshadowing*
"Chelsea..."
"Ano?---" Napaharap ako sa kanya at agad naman na tinapat sa'kin ang phone niya. Medyo naduduling na nga ako. Two inches lang yata yun layo nung phone niya sa mga mata ko.
"Anong sagot dito?" Naglalaro pala siya ng 4pics 1word. Four-letter word. At tiningnan ko kung ano-ano ang mga pictures na naroon.
May regalo.
Couple na parang nangangarap magkaroon ng baby.
Isang businessman na nakatingin sa taas.
At isang pamilya kung saan may hawak na isang dandelion ang bata.
In fairness, matalino man ang matsing, sa pagong pa rin kumakapit. Haha. Saan kubeta ko namang napulot ang words of wisdom ko?
"Ano na nga sagot dito?"
Tinry kong i-analyze ang mga pictures na nakadisplay bilang mga clues sa 4 letter word na yun. Para syempre hindi ako mapahiya. Minsan lang siyang humingi ng tulong sakin no. Sayang naman ang opportunity, hindi ko maipapakitang may hidden intelligence din ako. Yabang lang no?
Ang kaso hindi ako makapag-concentrate.
Eh kase...
Ang lapit din niya sakin...
Nakakainis!
Nakakaasar!
Gulong-gulo na nga sa kakaisip ng sagot ang utak ko.
Ginugulo pa niya pati ang puso ko.
Pigil ko din ang paghinga ko. Sobrang lapit niya sa'kin. Baka maamoy ko lang ang pabango niya at maapektuhan pa ako ng pasimpleng kamandag ng lalaking 'to.
"Patingin nga!" Hinawakan ko ang phone niya kaso pati kamay niya nahawakan ko tuloy. *Thump-thump~* Asar!
Nararamdaman kong nakatingin siya sakin kaya tinutok ko ang mga mata ko sa mga pictures.
"Chelsea..."
"Oh?"
"Sa SCU na ako magaaral..."
Hindi ko alam kung ano ang magiging reaction ko sa sinabi niya. Basta napatingin lang din ako sa kanya.
Natigilan ako sa sinabi niya. Ewan ko, pero parang kakaiba ang naramdaman ko sa mga oras na yun.
Nawala ang nakakaasar na boses ng barker ng jeep para makatawag pansin ng pasahero.
Tumigil sa pagbusina ang mg jeep at iba pang mga sasakyang nagmamadaling makadaan sa kalsada.
Bigla na lang nawala ang mga tao sa terminal ng jeep na kinatatayuan namin.
Ay?! Ang OA ko na yata.
Pero...
Parang ayaw ko...
Hay... Ayokong aminin...
...Na mamimiss ko ang taong nagparamdam sa'kin ang ganitong ka-weird na feeling. Kasing weird ng lalaking nakatingin sa'kin.
Kalbuhin ko kaya siya?
-------------------------------------------------------------------------------
Kumiko the Witch's CURSE:
Hello! After 123456789 months, na-update ko na din itong story na ito. Kahit na hindi ko pa tapos ang mga naka-pending na stories ko. Hahaha. Eh wala, mas sinipag ako gawin 'to at matagal nang nabubulok sa utak ko ang story na 'to. Sayang naman kung hindi ko isusulat.
By the way! Hihihi! Wala lang. Natatawa ako. :)
-------------------------------------------------------------------------------
BINABASA MO ANG
I Wish [On-Hiatus]
Teen FictionChelsea is a typical average girl who never knew that her last year in high school will turn into twisted, complicated and unexpected flow of events. One of the highlights is her unknown feeling towards to her genius-slash-weirdo classmate Kenzo, wh...