*Exposition*
Oh no! Patay na naman ako kay Sir neto!
Ano na lang gagawin ko nito?
Heto ako ngayon at nag-wa-walkathon ako papunta sa building namin dito sa university.
As usual, tulad ng mga nababasa niyong stories, na-le-late ang bida niyo sa klase niya. Ang kaso nga lang, hindi ako nerd, hindi rin ako sikat at hopeless romantic tulad ng mga typical love stories niyo.
Average school girl lang ako, at kung minsan 'pag tinatamad ako sa pag-aaral ko. Well, kung ineexpect niyong may stock knowledge ako.
Well again, nagkakamali kayo. Dahil laging out-of-stock ang brain cells ko. Sumasabit lang.
Pero 'pag nagaaral naman, ok lang ang kalagayan ng mga grades ko at wala pa namang palakol at dinudugong mark.
Hindi ako masyadong kagandahan. Cute naman ako kaso hindi talaga pansinin ang beauty ko.
Kumbaga, ito ang kwentong minadali lang. Reject, as in with the capital R!
Yes. Inaamin ko, ang harsh ko sa sarili ko. Eh ano bang magagawa ko? Kumakapit lang naman kami sa mga lucky numbers na lumalabas sa lotto at mga napapanginipan namin para itaya sa jueteng. Pero wala din. Pa-minsan-minsan lang kami tumatama, mga 2 years ang mga agwat bago kami manalo. In short, hindi kami mayaman pero kumakain pa naman kami ng limang beses sa isang araw. Middle-class kuno.
"Chelsea!"
Yes! Yes! Yes! May kasama akong late din sa klase!
Nakita ko siyang naka-tambay lang sa canteen kung saan malapit lang sa room kung saan kami magkaklase. May nakasubong lollipop sa bibig niya. Parang bata.
Pero teka, oras na para sa klase pero bakit naka-tambay siya dun?
OMG! Baka wala si Sir! Yehey!
"Hoy, Ken! Wala bang klase?"
Inadjust niya ang eye glasses niya, in front of his hooded-eyes, "Meron."
"Eh ba't ka pa nandyan? Lagpas 20 minutes late na tapos nakatambay ka pa diyan."
"Nagpaalam akong lumabas muna."
Aba. Himala, pinayagan ni Sir na lumabas siya ng classroom.
"Ba't pinayagan kang kumain dyan? Unfair."
Nilabas niya muna sa bibig niya ang sinusubong lollipop at tumitig sa'kin. "Nauna kase akong nagpass ng test paper."
Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya, "Anong sinabi mo? May test tayo!?"
"Oo, at late ka na." Sabay subo ulit nung lollipop.
"Ba't ngayon mo lang sinabi?!"
"Sasabihin ko na sana kaso inunahan mo akong nagsalita." Tumayo na siya at nilagpasan ako. Kaasar! Dapat agad niyang sinabi para hindi ako nag-aksayang kausapin pa siya! Haist!
Tinulak ko siya at nasubsob siya sa mesa malapit sa pinto palabas ng canteen, "Aray!"
Dali-dali akong lumabas sa canteen at pumasok sa building namin, at tumapat ako sa pintuan at huminga muna ng malalim at nag-sign of the cross bago ako pumasok sa room.
"Good Morning, Sir! I'm sorry I'm late." Nakayuko ako at nakapikit. Hindi ako ready mapagalitan eh.
Teka...

BINABASA MO ANG
I Wish [On-Hiatus]
Teen FictionChelsea is a typical average girl who never knew that her last year in high school will turn into twisted, complicated and unexpected flow of events. One of the highlights is her unknown feeling towards to her genius-slash-weirdo classmate Kenzo, wh...