Sa Lilim ng Liwanag
Madilim na nang lumabas ng kwartel si Belle, hindi mapakali sa natuklasang anim na araw na ang lumipas mula nang matapos ang bagyo. Matagal pala siyang tulog, at iyon ang dahilan kung bakit ipinatawag ni Zephyr ang prinsesa ng Liria, na kilala sa kanilang kaugnayan sa mahika ng liwanag at pagpapagaling—isang karunungang malalim ang ugat sa sinaunang tradisyon at tinuturing silang tagapamayapa, mahal ng mga tao.
Nagpunta siya sa kwadra, kung saan madalas niyang makita si Diego. Nang dumating, napangiti siya nang makita ang binata, abala sa paglilinis ng kwadra at hindi alintana ang alikabok na kumapit sa kanyang kasuotan.
"Ano ba talaga ang trabaho mo, Diego?" tanong niya habang lumalapit. "Sundalo o tagapaglinis ng kwadra?"
Napalingon si Diego sa kanya at ngumiti. "Ikaw pala, binibini. Kamusta ang iyong pakiramdam?"
"Okay na ako," sagot niya, sabay hagod sa mane ng kabayong si Thunder, ang sinasakyan ni Diego. Napansin niyang wala si Astra, ang kabayo ni Zephyr, sa kabilang kulungan.
"Ah, umalis ang kamahalan," paliwanag ni Diego, na halata ang kaswal na tono. "Inihatid niya sa Liria ang Prinsesa Sapphira."
Biglang nakaramdam ng pagkapahiya si Belle, kaya agad siyang tumawa nang bahagya. "Hindi naman ako nagtatanong," sagot niya, pilit na iniiwas ang sarili sa anumang malisya.
"Napansin ko kasi—" nagsimula si Diego, ngunit mabilis siyang pinutol ni Belle.
"Anong nangyari matapos kong makatulog?" tanong niya, binago ang usapan.
Bahagyang nag-alinlangan si Diego. Tila iniisip niya kung paano sasagutin ang tanong bago tumingin muli sa kanya.
"Ang tinutukoy mo ba ay noong gabi ng bagyo, binibini?"
Tumango si Belle, sabik na malaman ang mga nangyari habang wala siyang malay.
"Habang naglalakbay tayo, sinabi ng kamahalan na mataas ang temperatura mo, mas mataas kaysa normal," panimula ni Diego. "Nagmadali kaming makarating sa palasyo upang mabigyan ka ng paunang lunas. Ngunit kahit anong gamot ang ipainom sa'yo, hindi bumaba ang iyong temperatura. Labis na nag-alala ang kamahalan sa kalagayan mo."
Nagulat si Belle. "Nag-alala ang prinsipe para sa akin?"
Bahagya siyang tumawa, pilit itinatago ang nerbyos. "Bakit naman siya mag-aalala sa isang estranghero?"
"Sinabi ko sa kamahalan ang tungkol sa marka sa leeg mo."
Kumunot ang noo ni Belle. "A-anong marka?" Napahawak siya sa kanyang leeg, nag-aalala. "May libag ba ako sa leeg? Shit, kinuskos ko naman ito ng lufa nung naligo ako!"
Mabilis niyang kinuskos ng tela ang leeg, na para bang matanggal ang kung anumang dumi ang tinutukoy ni Diego.
"Binibini, marahil ay hindi mo alam dahil wala kang malay noong gabing iyon," paliwanag ni Diego. "May lumabas na marka sa leeg mo matapos kang hawakan ni Prinsipe Elysian."
Natigil si Belle sa ginagawa. "Anong marka?"
"I-isang lotus," sagot ni Diego, tila nahihiya.
"Lotus? Bakit naman magkakaroon ng marking lotus ang leeg ko?" Tanong niya, halatang litung-lito.
Umiling si Diego. "Paumanhin, binibini, ngunit hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng marka sa leeg mo. Ngunit... parang pamilyar ito sa akin. Hindi ko lang maalala kung saan ko ito nakita o narinig."
'Marka ng lotus? Wala naman sa kwento ng Arandia ang ganitong detalye,' isip niya. 'Ano ba talagang nangyayari?'
"Sinabi mo na alam ni Zephyr ang tungkol sa marka," biglang naalala niya. "Anong sinabi niya sa'yo? Anong reaksyon niya?"
BINABASA MO ANG
Pahina
Fantasy𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘳𝘰𝘵𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘸𝘰𝘳𝘥𝘴 𝘰𝘯 𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘦-𝘣𝘶𝘵 𝘢 𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘭 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘬𝘯𝘦𝘸 𝘵𝘳𝘶𝘭𝘺 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥? An aspiring author, Belle swept up in the magical land...