Pagitan ng Pag-ibig at Pag-aalinlangan
Nakatayo si Zephyr malapit sa tubig, ang mga mata'y tila nakatingin sa kawalan.
Pinagmamasdan naman siya ni Belle at hindi niya alam na matagal na siyang pinapanood ni Diego. "Kung titigan mo pa siya ng ganyan, baka magkaroon ka na ng pagtingin sa kamahalan," bulong ni Diego kay Belle, ang pilyong ngiti ay tumama sa kanyang mga mata.
Nagulat si Belle at nagmamadaling iniiwas ang tingin kay Zephyr. "Ano bang sinasabi mo, Diego?" mariing sabi ni Belle, pero kahit anong pilit niyang gawing natural ang kanyang tono, may bahid ng pagka-pinkish na dulot ng kahihiyan. "Imposible ang iniisip mo. Hindi ko type ang kamahalan mo. Baka nga, kung kami ang magkatuluyan, maging ganyan din ang anak namin—parang takot ngumiti."
Diego, na hindi napigilan ang pagtawa, tumingin kay Belle na may malisya. "Baka ikaw pa ang magturo sa kamahalan kung paano ngumiti, binibini."
Nag-aalangan si Belle, habang ang mga mata ni Zephyr ay nakatutok sa kanila. Tumalikod si Belle at pilit tinatago ang kanyang pamumula. "Diego, tigilan mo na," mariing sabi niya, sabay tapik sa braso ni Diego.
Hindi nakaligtas sa paningin ni Zephyr ang ginawa ni Belle. Napansin niyang kumikislap ang mata ni Belle habang nakikipagkwentuhan kay Diego, ang kanyang mga labi bahagyang naka-curve sa isang ngiti. Sa hindi kalayuan, narinig niya ang masayang tawanan nilang dalawa.
Tahimik na naglakad si Zephyr papalapit, hindi nila siya namamalayan. Lumingon siya sandali at narinig ang bahagi ng kanilang pag-uusap.
"Isipin mo na lang," sabi ni Belle, ang boses nito may kasamang tawa, "kung isa pang katulad niya ang paglilingkuran mo. Baka magtago ka na lang sa isang sulok."
Nagpatuloy siya, ang kanyang tinig medyo malakas. "Atsaka sigurado naman ako na hindi rin niya ako magugustuhan kaya quits lang kami. Sabihin mo nga, bakit ba takot ngumiti ang kamahalan mo? Wala naman akong natatandaan na nabroken hearted siya o kaya naman sobrang nagdalamhati. Lalo naman, wala siyang childhood trauma para—"
Dahil sa biglaang katahimikan, napansin ni Belle ang presensya ni Zephyr sa kanilang likuran. Ang kanyang tingin ay agad na nagtama sa mga mata ng prinsipe, at ilang saglit ng pagkailang ang nagdaan bago siya nakapagsalita.
"Hindi ko alam na interesado ka pala sa buhay ko, binibini."
Nagkatinginan sina Belle at Diego. Ang mga mata ni Belle ay dumaan sa direksyon ni Diego, pagkatapos ay dahan-dahan silang bumaling sa prinsipe. Nararamdaman ni Belle ang bigat ng kahulugan ng mga salitang iyon. Nanatili silang nakatayo, tila nag-uusap ang kanilang mga mata, bago tuluyang humarap kay Zephyr.
Mabilis na ipinikit ni Belle ang kanyang mga mata, subukang kalmahin ang sarili.
"Alam mo ba ang ibig sabihin ng ginagawa mo—" dagdag pa ni Zephyr ngunit pinatigil siya ni Belle gamit ang hintuturo na inilapat sa labi niya.
"Huwag mo na ituloy," sagot ni Belle, ang boses ay malutong ngunit may halong matinding pagnanais na putulin ang tensyon. "Hindi ako magkakagusto sa'yo, okay? Baka ikaw pa ang magkagusto sa akin kaya please, huwag ka ng magsalita pa."
Sa kabila ng bigat ng sinabing iyon, may nakatagong saya sa tinig ni Belle, isang uri ng kapayapaan na sumang-ayon sa kanyang mga salita. Halata ang pagnanasa ni Belle na manatiling kalmado, upang hindi magmukhang tinatablan ng mga pang-aalipusta.
Lumingon siya kay Diego, na parang naghintay ng tamang oras upang magkomento o magsalita, ngunit napansin niyang abala ito sa pag-aayos ng mga gamit.
Ilang saglit ng katahimikan ang sumunod bago humakbang si Zephyr papalapit. Maingat niyang hinawakan ang kamay ni Belle, hindi malakas ngunit tiyak, upang alisin ito mula sa kanyang labi.
BINABASA MO ANG
Pahina
Fantasy𝘞𝘩𝘢𝘵 𝘪𝘧 𝘵𝘩𝘦 𝘴𝘵𝘰𝘳𝘺 𝘺𝘰𝘶 𝘸𝘳𝘰𝘵𝘦 𝘸𝘢𝘴𝘯'𝘵 𝘫𝘶𝘴𝘵 𝘸𝘰𝘳𝘥𝘴 𝘰𝘯 𝘢 𝘱𝘢𝘨𝘦-𝘣𝘶𝘵 𝘢 𝘱𝘰𝘳𝘵𝘢𝘭 𝘵𝘰 𝘢 𝘸𝘰𝘳𝘭𝘥 𝘺𝘰𝘶 𝘯𝘦𝘷𝘦𝘳 𝘬𝘯𝘦𝘸 𝘵𝘳𝘶𝘭𝘺 𝘦𝘹𝘪𝘴𝘵𝘦𝘥? An aspiring author, Belle swept up in the magical land...