Vanessa's POV:
At dahil hindi parin ako pinapansin ni Luke at patuloy padin niyang kinakalikot ang cellphone nya, napag desisyunan ko na pumunta sa kwarto namin para makaligo. Pagpasok ko ng kwarto nakita kong basag yung salamin. Nainis ako ng onti dahil pang apat na beses nang binasag ni luke yung salamin sa kwarto. Bibili nanaman kami ng bago.
Kumuha ako ng damit sa walk-in closet at naligo. Nag sha shampoo ako ng narinig ko si Luke. "Vanessa! Bilisan mo maligo may pupuntahan tayo!" Nagtaka ako kung saan kami pupunta. Nakita ko na may onting nalagas sa buhok ko nung hinugasan ko yung ulo ko para maalis yung shampoo. Baka masyadong matapang to. Mapalitan nga.
Syempre dahil pinagmamadali ako ni Luke nagmadali ako. Nag ayos lang ako ng onti at nag suot ng simpleng dress. Pagkatapos ko mag ayos nakita ko si Luke na naka amerikano. Napaka gwapo ng asawa ko. Hayy.
"Tara na, ambagal mo mag ayos." Sabi ni Luke at nauna saking maglakad. Sumakay sya sa kotse ng hindi man lang ako pinagbubuksan ng pinto. Hindi naman sya ganto dati :(
Nakarating kami sa isang sikat na restaurant sa Taguig. Lalabas na sana ako sa kotse pero naunahan ako ng salita ni Luke.
"Wag ka muna bumaba"
Syempre sinunod ko utos ng asawa ko baka masampal nanaman ako ng di oras. Lumabas si Luke ng kotse at pinagbuksan ako ng pinto. Nagulantang ako sa ginawa nya. In-extend nya pa yung kamay nya na parang inaalalayan ako.
"Ano mag iinarte ka pa. Baba na!" Sigaw ni Luke na nakapagpagising ng diwa ko. Inabot ko agad yung kamay nya at lumabas ng pinto. Nagpahawak sya sa braso at kami papasok sa pinto ng restaurant.Saktong sakto nakita ko sila Mom and Dad sa pinaka gitnang table.
Kaya naman pala eh.
![](https://img.wattpad.com/cover/27363940-288-k75443.jpg)
BINABASA MO ANG
The Wife's Cry
RomanceKailan? Hanggang kailan ko mararamdaman ang kalayaan?Kailan niya ako titigilang ituring bagay, o hayop? Sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Parang bawat pag-alala ko sa mga ginagawa niya nabibiyak at nabibiyak ang puso ko. Alam kong may kasalanan a...