Cry 1

760 15 3
                                    

Chapter One:

Hawak hawak niya ang buhok ko—sa katunayan nga sinasabunutan na niya ako. Wala akong magawang iba kundi ang Umiyak.

Nahuli niya kasi akong nakikipagtawanan sa ka trabaho sa hotel. Receptionist ako sa hotel. Kinausap ako ng kapwa ko receptionist na papalit sakin dahil mag o-off na ako at nagpatawa siya. Syempre tumawa ako sa patawa niya. Saktong dumating si Luke—at hinila ako Papasok ng kotse niya.

Walang nag salita sa byahe. Hanggang sa nakarating kami sa bahay. Akala ko nawala na ang galit niya pero, nung pinagbuksan niya ako ng pintuan ng koste, hinila niya agad ang buhok ko.

“Araaay! Luke ano ba Nasasaktan ako!” Saad ko habang kinakaladkad niya ako papasok ng bahay namin. Lagi nalang ganito. Lagi nalang.

Heto ako ngayon. hawak padin ng asawa ko ang buhok ko. At umiiyak ako habang hirap na hirap na nagpapaliwanag.

“L-Luke, *sob* wala nga kasi yun, nagpapatawa lang yung tao. Luke naman eh *sob*” Sinabi ko habang umiiyak.

“Eh bakit ka tumatawa? Sinabi ko na ngang huwag kang kakausap ng lalake diba? Gusto mo talagang masaktan?” Sigaw niya habang namumula.

“Luke.. trabaho yun, Syempre may makakausap at makakausap ako na lalake.” Sabi ko. nangingilid nanaman ang luha ko.

“Trabaho?! HAH! Trabaho ba talaga Vanessa? O baka naman nakikipaglandian ka lang doon? Kung gusto mo ng trabaho BIBIGYAN kita ng trabaho! Mayaman tayo Vanessa! Kahit hindi ka magtrabaho okay lang. ganun at ganun padin ang kakainin natin!” Sigaw niya. Mabibingi na ata ako.

“Oo na Luke.. Ako na may kasalanan. *Huk* sorry” Talo nanaman ako. Naiyak na ako ng tuluyan. Nanlambot na ang tuhod ko at napaluhod na ako.

“Tss.” Binitawan niya ang buhok ko at iniwan ako sa sala. Umakyat siya ng kwarto namin at binalabog ang pinto.

Napahagulgol nanaman ako. Ganito ba ang parusa ng kalokohan mo Vanessa?

Iniisip niyo ba kung asawa niya ba talaga ako o mahal man lang kaya bakit niya ako ginaganito?

Actually hindi. Asawa niya lang ako. Pinilit siya ng mga magulang niya dahil gusto ko. Makapangyarihan ang angkan namin. At naghihirap na yung kompanya nila. Mahal na mahal ko si Luke. Ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako. para Mahalin niya ako. Pero may mahal siyang iba. At Iyon si Angel. Ang mortal kong kaaway sa lahat ng bagay. Inaagawan niya ako sa Academics, sa kaibigan, pati si Luke inagaw niya na din. Pero parehas lang sila ni Luke na naghihirap na ang angkan. So it became my Idea na magpa-arranged marriage sa kanya. Syempre nagustuhan ng parents ni Luke iyon dahil makakabangon ang kumpanya niya. But Luke wasn’t. Galit na galit siya sakin. He even threatened my life na once na ikasal kami, He’ll make my life a living hell. Hindi ko yun pinansin dahil mahal ko siya at iniisip ko na once na ikasal kami, mamahalin din niya ako. But that was just a thought. Kinasal kami na hindi niya man lang ako hinahalikan. Hindi man lang siya ngumiti the whole time na kinakasal kami. Nagsasalita lang siya if necessary. Ni wala ngang nangyari samin sa honeymoon eh! Diba?! Napaka imposible. Kung si Angel siguro ang pinakasalan niya, wala pang engagement ceremony, nabuntis na niya yon!

Nang kinasal kami, finorce kami ng mga magulang namin na tumira sa i-isang bahay na di na kinagusto pero kung tatanungin mo ako, tuwang tuwa ako! Niregaluhan kami ng parents ko ng bahay at lupa. Pati Kotse meron din! Kaya nung unang araw na natulog kami doon, maaga akong nagising. Pinagluto ko siya ng breakfast. Diba ganun naman ang ginagawa ng mga misis sa mga asawa nila? Gusto ko maging mabait na asawa kaya ganun. Pinagluto ko siya ng mga paborito niyang pagkain na pinagaralan ko pa. at nang magising siya, nawindang siya sa mga pagkain na nakahain sa hapag-kainan.

“Anong meron? Bat andaming pagkain? Pupunta ba sila Mama?” Tanong niya agad. Hindi man lang nag Good morning.

“Good Morning. Mag breakfast na tayo. Alam kong paborito mo ang mga yan.” Sabi ko at ngumiti sa kanya.

“Wala akong gana.” Sabi niya at nanlumo ako. Naglakad siya papuntang pinto. San siya pupunta?

“San ka pupunta Luke?” Tanong ko.

“Kakain sa Fast food. Ayoko ng ambiance dito.” Sabi niya at umalis na nga.

Teary-eyed akong kumakain mag-isa. Ang sakit kapag binabale-wala ang efforts mo.

Nalaman nila mama ang mga ginagawang cold-therapy sakin ni Luke at kinausap siya. Mula noon nag iba na ang ugali niya which is ikinatuwa ko. Naging mas sweet siya, mas caring, mas responsible na asawa. Wala na akong hihilingin pa. Kung iniisip mo kung may nangyari na samin, wala pa. Ewan ko ba dito, ayaw pa ata mag alaga ng bata. Hihi.

3 years. 3 years siyang naging ganoon. Sobra ko pa siyang minahal at feel ko ganun din siya.

Hanggang sa nagkaroon ng plane crash. Kasama doon ang parents ni Luke.

Nag iba siya. nag iba siya ng todo todo.

Hindi na siya yung sweet at Caring. Hindi na siya yung responsible. Nag iba na siya.

Naging Sadista na siya. Wala na ata siyang pakialam sakin pero parang napaka possessive niya sakin pagdating sa mga lalake. Hindi ko alam kung nagseselos siya o naiirita lang. Nawalan na din ako ng right para ipagtanggol ang sarili ko dahil nasa ibang bansa sila Mama. Minsanan lang sila tumtawag at sinasabi kong okay lang kami ni Luke. Kahit umaabot na ng sakitan ang bangayan namin.

May isang araw pa nga noon ng isinugod ako sa Ospital kasi hindi ako makahinga sa pambubugbog sakin. Walang nakaalam non. Dahil mayaman kami ni Luke. Ayoko naman siyang Makulong, mahal na mahal ko kasi siya. Call me Martyr na asawa pero Mahal ko lang talaga siya.

Years have passed at ganito padin ang treatment niya sakin. Na immune na nga ako sa pananakit niya. Kung dati every week may pasa ako sa mukha ko sa katawan, ngayon hindi na ako pinapasa. Nasanay na ata ang katawan ko. and yet, hindi padin ako natutong lumaban, kasi baka pag lumaban pa ako, ako na ang mapatay niya mismo. Kaya pagpapasyensyahan mo na ah, isipan nalang natin na seloso ang asawa ko.

Natulog ako sa sofa dahil naka lock ang kwarto namin. Pinag lockan niya ako. alam kong galit siya. Hindi na ako pumasok sa trabaho kinabukasan dahil baka kung ano nanaman ang isipin nun knowing na napaka possessive pa naman niya.

“VANESSA!” Sigaw niya nang paglabas niya ng pinto.

“Luke? Bakit?” Sabi ko habang nagpapalipat-lipat ng channel sa tv.

“Hindi ka pumasok?” Saad niya na parang nagulat sa nakikita.

“Hindi. Sabi mo diba?” Sabi ko at nanonood padin.

“Tss.” Sabi niya at kinalikot ang cellphone niya. Parang may itetext ata. Hayaan mo siya. kapag hindi niya ako aawayin, mag kakalikot siya sa cellphone niya. Hobby na niya yun.

Hindi ko namalayan nakatulog na ako kakanood.

***

First chapter done!

Time check, 12:39  am. Good night fellas!

<3 <3 <3

The Wife's CryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon