Chapter 19: The Unknown Girl

360 17 3
                                    

Author's Note:
Yan! Eto na update ko. Sorry kasi din ako halos nakaka
update. Busy kasi sa studies eh. Well here's the ud na. Hahah. Thankyouu!

===================
Darren's P.O.V.

Well tatlong linggo agad ang nakalipas ang bilis no? Hahah. Nandito kami ngayon sa auditorium may free movie kasi dito tuwing lunch pero medyo mga luma din yung mga movies mga around 2012-2014 nirelease yung movie.

At ang palabas ay She's Dating the Gangster. Dito na kami sa part na patapos na.

Denise:"Nakakaiyak talaga. Waaahh! Bakit ganon? Darreenn, Jkk :'("

Tapos inakap niya ko ng mahigpit.

Ako:"Shhh, wag kana umiyak" hinigpitan ko pa lalo yung yakap ko sa kanya. Galawang Breezy bruh. Hahah.

Jk:"Okay lang yan, Denise" Tapos tinap ni Jk yung balikat ni Denise kasi medyo malayo siya kay Denise eh.

Denise:"Salamat sainyo ah! Hahah. Dapat di ko naman talaga to iniiyakan eh kaso ang ganda talaga at tsaka KathNiel fan ako eh. Buti di nyo ko pinagtatawanan. Haha"

Ako:"Okay lang yun naiintindihan kaya kita. Nakakaiyak naman talaga. Tsaka ganyan din kami nila Mommy, Daddy at Lynelle sa One More Chance. Hahah"

Denise:"Tara na! Punta tayong canteen"

Papunta na kaming canteen. Bibili na sana si Denise ng makakain kaso may nagtapon sa kanya ng gulaman sa damit at yung isa pang kabarkada nung babae ay tinapunan si Denise sa ulo.

Girl 1:"Loser! Hahaha. Ang landi mo ah. Pati si Darren at Jk nilalandi mo. Tandaan mo ako lang ang gusto ni Darren. Diba babe?" Tapos tinignan niya ko.

Ako:"Hoy babae. Wag mo nga akong matawag-tawag na babe! Ni hindi nga kita kilala eh!"

Girl 1:" Well you didn't know me now but I'm your bestfriend slash crush when you were in Canada, Gusto na kita ngayon Darren. Dati kasi hindi eh. Hahahaha. Let me introduce myself, I'm Sophia. Tandaan nyong dalawa ako ang sisira sa paiibigan nyong dalawa dahil napakalaki ng atraso mo sakin Darren Espanto. Humanda ka. Babalikan kita." (Author's Note: Aba etchosera pala to eh! Di daw niya gusto si Darren dati? Aba! Pinanganak atang gwapo si Derren namin. Hahaha) Tapos hinawakan niya ko sa balikat pero inalis ko yun. Bestfriend at Crush ko siya? Impossible.

Ako:"Wag mo nga akong hawakan! Hindi kita bestfiend at mas lalong di kita crush! Kung ano man yang balak mo. Bahala ka sa buhay mo!"

Girl 1:"Wag kana mag ma-ang ma-angan babe. Hahah."

Ako:"Tara na Denise magpalit ka na. Baka kung ano pa magawa ko sa baliw na to eh." Hinawakan ko yung kamay niya at umalis na dun sa canteen. Sino kaya yung babaeng yun? Nako talaga.

Ako:"Denise tara magpalit kana. May damit ka naman sa locker mo diba?"

Nakita ko siya na umiiyak. Nako sinasabi ko ko talaga sainyo kung sino talaga magpaiyak kay Denise. Hindi nyo ko kilala magalit.

Denise:"Ahh oo meron akong extrang damit sa locker."

Ako:"Wag kana umiyak okay?"

Denise:"Okay. Dun ka muna kayo sa bahay matulog."

Ako:"Sure, alam kong nandun si Mommy eh."

Jk:"Sorry di ako makakasama ah. Kasi dun matutulog sa bahay namin si Tita Candice eh. Galing kasi siyang Japan eh wala siyang matutuluyan kaya dun sa bahay namin matutulog."

Denise:"Sige okay lang :)"

Fast Forward//

Tapos napansin ko naman na umayos na yung kalagayan ni Denise. Nandito na ko sa bahay nila ngayon.

Ako:"Tita, Mommy tulog na po kami ni Denise ah 12:30 na po kasi. Late napo kami ng tulog di na po namin namalayan yung oras."

Mommy:"Sige nak sama ako sainyo saglit."

Umakyat na kami at dapat papasok na kami sa kwarto ni Denise kaso biglang...

Mommy:"Wag kayo matulog dyan kasi pinipinturahan yan. Dun na lang kayo sa Guest Room."

Denise:"Oo nga pala! Nubayan. Eh san po matutulog si Darren? Iisa lang po yung kama dun eh."

Mommy:"Problema ba yun? Eh di tabi kayo. Hahaha"

Ako:"Mommy naman! Dun na lang ako sa lapag. Tas dun ka sa kama."

Denise:"Ahh- ehh- ano sige na nga."

Papasok na kami ng Guest Room.

Denise:"Ako muna maglilinis ah. Hehehe. XD"

Ako:"Sige. Hahahaha."

Tapos pumasok na siya sa cr. Iniisip ko pa din yung nangyari kanina napansin ko lang di naman siya nakauniform ibig sabihin di naman siya nagaaral dun. Haay nako! Kalimutan ko na nga yung babaeng yun!

Denise:"Oyy! Nakatulala ka dyan! Hahaha. Ikaw na maglinis. Ayusin ko na tong tulugan mo :)"

Tapos pumasok na ko sa cr.

Denise' P.O.V.

Well yung tungkol kanina dun sa babaeng yun? Di ko na pinagtuunan ng pansin, bahala siya sa buhay niya. Hahaha.

Habang eto ako ngayon inaayos yung tulugan ni Mr.Espanto. Hahahah. Alam nyo na-a-awa ako sa kanya kasi malamig sa lapag eh tas dun siya matutulog. Sakitin pa naman to. Lumabas na siya ng cr.

Darren:"Tulog kana. Hahaha."
Tapos kinumutan niya ko. Wohoo! Da moves breh! Hahahahaha

After 15 minutes.....

Sinilip ko siya kung tulog na siya kaso nilalamig siya. Di ko kasi alam tong aircon eh bago kasi di pa ako masyadong sanay tsaka di naman ako natutulog dito sa Guest Room. Tsaka gabi na eh Kung gigisingin ko pa sila Yaya kawawa naman sila maaga pa magigising yun bukas kasi maaga pa pasok namin.

Ako:"Darren, dito ka na lang tabi na tayo. Nialalamig kana dyan eh."

Darren:"Sige. Thankyou :)"

Tumabi na siya saken. Ewan ko ba kung anong feeling yun, yung parang may butterflies sa tyan ko na di ko maipaliwanag. Tapos yung sa tuwing kinakausap niya ko parati akong naka-ngiti. Haaayy! Iba na talaga tama ni Darren sakin. Hahahah. Basta ang alam ko kinikilig ako at may crush ako kay Darren. Hahaha. Landi am. Hahahah Crush lang naman ah! Kutosan ko kayo eh!

Darren:"May sasabihin ako sayo ah, pero wag ka magagalit at wag mo ko lalayuan okay?"

Ako:"Sige, ano bayun?"

Darren:"Mahal na yata kita."

========================
Author's Important Note!

Olrayt! Hahaha. Medyo Malapit na matapos tong story. Medyo palang! But! Magkaka-book 2 siya! Yahoo! Hahaha. Medyo lame kasi tong story eh. Kaya mas maganda kung may book 2 aayusin ko na talaga dun pramis! Dun niyo na makikilala yung mga bagong tao sa buhay nila Denise at Darren. Yun lang thankyou for supporting my starehh. Hahaha








It all started with an Important Task // d.e.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon