First

12 0 0
                                    

bakit pa siya nawala? bakit niya 'ko iniwan? siya na lang ang meron ako. siya na lang ang nagsisilbing pag asa ko para mabuhay sa mundong ito. hindi ko na alam kung pano pa ba ako magsisimulang muli. makakabangon pa kaya ako? paano na 'ko?

nandito ako ngayon sa burol ng lola ko. si lola anding. namatay siya sa sobrang katandaan. siya na lang ang naiwan sakin mula nung namatay ang mga magulang ko sa isang car accident nung 8 years old ako. magang maga na ang mga mata ko sa kakaiyak. pagod na pagod na ako't inaantok. sana isinama mo nalang ako la.

ako si Cheska Ina Nafondel. ang nag iisang apo ni lola Andrea Nafondel. or so i thought

--

"hija, ngumiti ka para sa akin"

ngumiti ako ng napakatamis kay lola. nakaratay siya ngayon sa hospital bed dito sa private room niya at ako naman nakaupo lang sa tabi niya. bakas sa mukha niya ang hirap na dinaranas niya ngayon.

"Napakaganda mong bata Ina. sana ay maayos ang naging pagpalaki ko saiyo. sana'y wag ka ng ma lungkot at suutin mo yang ngiting yan palagi."

"lola naman. palagi naman akong nakangiti eh. basta ba mag pagaling ka, ngingiti ako palagi. kahit pa mapunit tong labi ko ano"

"ikaw talagang bata ka. napakapilya mo."

nakangiti pa ngayon si lola pero alam kong pilit na pilit ito. naghihingalo na siya, hindi ko alam kung ilang araw na lang ang imamalagi niya dito sa mundo. sana wag nya'kong iwan. kahit konting panahon pa lola. konting panahon pa.

"la, aalis muna ako saglit ah? bibilhin ko lang po yung gamot na sinabi ng doctor niyo" pagpapaalam ko sa kanya.

"wag na hija. hindi ko na kailangan ng gamot"

"lola naman eh. hindi pa kayo magaling oh. di pa nga kayo nakakatayo eh. saglit lang la, babalik ako agad"

"wag hija, stay here. magpapaalam nako sayo. aalis nako Ina. magpakabait ka. always pray to god and remember that even if im not around anymore, ill always stay at your side."

kinakabahan nako. aalis ka na ba talaga la? wag muna lola. wag muna ngayon

"la, please dont say those words. hindi ka aalis diba? hindi mo 'ko iiwan diba? lola naman, ikaw na lang ang natitira sakin. please dont leave me. i dont want to be alone again."

humahagulgul na 'ko sa iyak. alam ko na ang mangyayari. hindi pa ko handa. ayoko. ayokong mag isa ulit.

"youre not alone hija. dont you worry. hindi ka na mag iisa ulit." nanghihinang sabi niya

"what do you mean la?"

"bring me my treasures. find Liz Amanda. and you will know what i mean."

"but la how can i--

"j-just do what i say ina! find m-my treasures. dont give up until you f-found them. bring me my treasures. k-kahit na sa puntod ko na lang. magpakabait ka hija. i-i love you--

"Lolaaaaaaaa! no! no! you cant leave me yet! no lola no! no! l-lola.. lola.."

binawian na ng buhay si lola at tuluyan nang gumuho ang mundo ko. nagsipagdatingan na ang mga doctor at inaasikaso na si lola.

napaupo ako sa pagkakatayo. para akong pinag suklaban ng langit at lupa. ang sakit sakit ng dibdib ko. wala na siya. wala na ang kaisa isang taong mahalaga sa buhay ko. wala na ang lola anding ko. pano na? pano na ako nito?

--

nakaupo ako't balisang balisa. madami dami na ring tao ang dumadating. marami pala kaming kamag anak pero bakit tila hindi ko sila nakilala? buong buhay ko si lola lang ang kasama ko. wala akong mga kapatid. walang pinsan, walang mga tiyuhin. pero bakit andami nila ngayon? bakit ngayon ko lang sila nakita?

naalala ko ang sinabi ni lola. TREASURES. LIZ AMANDA. ano ang ibig niyang sabihin? hindi ko maintindihan. treasures? hindi naman kami mayaman. tsaka isa pa, bakit ngayon lang sinabi ni lola ang tungkol duon? pero ganunpaman, desidido akong hanapin kung sino man si liz amanda. baka alam niya ang mga sagot sa tanong ko.

pero pano ko sisimulan? saan ko siya makikita? saan ako hahanapin? saan ba siya nakatira? lola naman eh. problema ko na ngang nawala ka nadagdagan pa ng habilin mo. pano pag di ko siya nakita la? pangalan lang naman niya ang isinambit mo. wala ba namang adress? oh kaya email add? nakakatawa. nakuha ko pang mag joke sa sitwasyon ko. mukha nakong tanga dito. nakangiti na may luhang umaagos sa mata ko. ni wala ngang may nagtangkang lumapit at mag comfort sakin.

natigil ang pag iisip ko ng may isang babae ang dumating. maka agaw pansin ang suot niya, naka itim siya mula ulo hanggang paa. lahat ng tao na madadaanan niya ay tinitingnan siyang maigi. na para bang kinikilala nila ito. para bang hindi siya pamilyar sa kanilang paningin.

lumapit siya sa kabaong ni lola at tiningnan ito. lumapit ako sa kanya. hindi ko alam pero may nag uudyok sakin na kausapin siya.

"uhm.. magandang gabi po. kaano ano po kayo ng lola ko?"

napatulala siya ng nakita niya ako. parang gusto niyang hawakan ang mukha ko pero may pumipigil sa kanya.

"i-ikaw ba si cheska? kamukhang kamukha mo ang iyong ama." manghang manghang sabi niya.

"ako nga po. kilala mo po ang tatay? kaano-ano po kayo ng lola?"

"isa ako sa mga taong matagal ng kilala ang iyong lola. umupo ka muna hija"

umupo ako at kasabay nun ay tinabihan niya ko. hindi parin maalis ang titig ko sa mga mata niya. para bang matagal ko na itong nakita.

"sino po ba talaga kayo?"

"ako si Liz Amanda at may kaylangan kang malaman."

The treasure huntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon