Second

11 0 0
                                    

siya pala si liz amanda. this treasure hunt is easier than i thought. now malalaman ko na kung ano ba ang ibig sabihin ni lola.

"cheska, siguro naman nasabi na saiyo ng lola mo ang tungkol sa treasures niya"

"oo po. kahapon lang nung malapit na siyang malagutan ng hininga"

namuo nanaman ang mga luha ko. naalala ko nanaman ang mukha ni lola nung mga panahong yun. hirap na hirap siya. masakit. sobrang sakit.

"siguro nagtataka ka kung ano yun. gusto mo bang malaman? kasi sabi saakin ng lola mo, kung ayaw mo daw ay wag na wag kong sasabihin sa iyo dahil dahil dito, mag babago ang mundo mo"

"opo. gustong gusto ko pong malaman"

"magsimula tayo nung mga araw na ikwinento niya saakin ang tungkol sa mga treasures niya. "pag ang limang ito ay napasa kamay, mga kwento'y pag bubuuin, mga buha'y pag tatagpiin, sagot ay malalaman at kayamana'y matatagpuan." yan yung eksaktong linya na sinabi niya saakin. ang limang iyon daw ay mga code na nasa Russia, China, France, Paris at London. dapat mo itong mahanap, dapat mo itong malaman. ako ma'y hindi ko maintindihan pero sigurado ako na pag nakita natin yun, ay masasagutan ang lahat ng ating mga tanong. handa ka na ba cheska?"

napanga-nga ako sa sinabi nya. WTF?! andaming pakulo ni lola! napatayo ako pero pinag tinginan ako ng tao so umupo na lang ako ulit.

"pano na 'to? hindi kami mayaman. paano ako makakapunta sa ibang bansa? lola naman kasi e. binigyan pa'ko ng problema eh. alam naman niyang madali akong mawala sa mga matataong lugar"

"may binigay naman sa akin na mga address ang lola mo cheska. 3 lang to pero nasa pilipinas tong mga lugar na nakalagay. dun tayo mag sisimula"

"buti naman may ganyan. bat kasi andami pang pakulo eh kung sinabi na lang sana! sandali ah, gigisingin ko tong si lola, tatanungin ko kung ano nanamang drama to"

napangiti na lamang si liz sa sinabi ko. nagawa ko pa kasing magbiro sa sitwasyon ko. pinalaki kasi ako ng lola ko na ganito, napakapilya ko at mahilig mag biro kahit pa sa pinakamalalang sitwasyon.

"gusto mong magkape muna?" yaya ko sa kanya.

tumayo kaming pareho at nagtimpla ng kape. ay siya lang pala. hindi kasi ako nagkakape. gatas lang ang iniinom ko. oo pagtawanan niyo nako, ano ako bata? eh sa nakasanayan ko kasi iminom ng gatas. yung walang asukal, yung lasang gatas ng baka. kumbaga, fresh milk.

tiningnan lang niya ako ng inilabas ko ang dala dala kong pakete ng gatas at itinimpla ito. ngumiti siya ng patago pero nakita ko pa rin ito.

"para ka talagang si samuel."

"ang tatay ko po ba? paano mo nasabi?"

"ganyang ganyan din siya. hindi siya nagkakape. gatas ang tinitimpla niya"

"ahh ganun po ba. kilala nyo po pala ang tatay ko"

"oo, magkaibigan kami. umupo na tayo?"

bumalik na kami sa dati naming pwesto. pinagtitinginan parin siya ng mga "Kamag-anak ko" di man lang sila lumapit sa akin at kinausap ako. nakakaasar.

"how do we start?" tanong ko.

"pupuntahan muna natin ang pinakamalapit then sa pinakamalayo. eto yung address"

inabot niya saakin ang nakatuping papel. nakalagay dun ang isang address at may pangalan.

"kelan naman tayo mag uumpisa? the sooner the better you know"

"paano ang burol ng lola mo? makakaya mo bang iwan ang lola mo sa mga kamag anak mo?"

"no. sabi kasi sakin ni lola, isang araw lang daw ang burol niya at gusto na daw niyang ilibing. susundin ko ang gusto niya. bukas na bukas, ililibing na siya. at pagkatapos nun magsisimula na tayo"

"sige. kung yan ang gusto mo"

--

nakasuot ako ng puti. nakaluhod sa libingan ng aking lola. inilibing na si lola kaninang umaga. mugto nanaman ang mga mata ko. anlaki na ng eyebags ko. ma mi-miss kita la. ma mimiss ko yung mga luto mo, yung paghalik mo, yung ngiti mong gums lang ang kita, yung yakap mong mahigpit tsaka yung timpla mo ng gatas ko ng ubod ng sarap.

naramdaman ko na lang ang mainit na likido sa pisngi ko. umiiyak na pala ako.

mag enjoy ka sa heaven la ah? oo promise, magpapakabait ako. hinding hindi nako mant-trip ng kapwa. susuklayin ko na ang buhok ko tsaka susubukan ko na ding kumain ng gulay. sana masaya ka na la. sana masaya ka nang kasama si mama't papa.

The treasure huntTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon