Chapter 1: Arrival

0 0 0
                                    

Ang dilim ng gabi ay tila nagiging kakampi niya, nagtatago sa bawat hibla ng kanyang takot. Tumatakbo ang isang babae, at hininga'y humihingal, ang mga mata'y abot-tanaw ang panganib sa likod. Ang bawat hakbang ay tila koro ng kalampag sa katahimikan sa isang eskinita.

"Tulong!! Tulong!!" sigaw ng isang babae na para bang hinahabol. Habang tumitingin sa kaniyang likuran, Nakita niyang wala na ang lalaking humahabol sa kanya, kaya naman huminto ito Ng panandalian para huminga. Pero pagkaharap nito, nasa harapan na niya ang lalaking humahabol sa kanya.

"Sino ka ba? What do you need from me?" tanong nito habang umaatras papalayo ngunit sinundan pa rin ng lalaki, kaya natapilok ang babae at napaupo nalang ito. At noong makalapit na nga ang lalaki, inilabas Niya Ang kanyang baril at tinutok sa babae.

"Ano bang kasalanan ko sa iyo?" tanong uli nito na may halong takot.

" Meron lang akong kailangan sa iyo" sagot nito ng may napakabigat na boses

" Please, huwag maawa ka sa akin"

Sa hindi kalayuan, may mga pulis na nagpapatrolya, pero bago pa man Sila makalapit sa kanila may narinig silang putok ng baril kaya naman agad-agad silang pumunta kung saan nanggaling ang putok na iyon. Pagdating nila, tumambad sa kanila ang duguang babae kaya naman agad-agad silang tumawag Ng backup.

"Hindi ba't napakasaklap ang Mundo? Ang mga malalakas ay siyang nakakasurvive at ang mga mahihina ay Hindi. Walang hustisiya, ang mga nagkasala ay napapawalang bisa habang ang biktima at ang kanyang pamilya ay patuloy pa rin sa paghahanap ng hustisiya." Sabi Ng isang lalaking nakasuot ng itimsa babae na isa  nang kaluluwam.

Umiyak nalang Ang babae habang pinagmamasadan ang kaniyang katawan.

"Kahit anong iyak pa yan, nangyari na ang dapat mangyari" paliwanag ng lalaki.

" Ano na Ang mangyayari sa akin?" tanong Ng babae.

" Luna Celestine Fernandez, sumama ka sa akin at may pupuntahan tayo" sagot nito

" Sige sasama ako pero, can I just visit my parents"

" Maaari, ngunit panandalian lamang ang Oras na ibibigay ko sayo"

" Ok lang basta't makita ko lang Sila at mayakap man lamang"

Agad namang dinala ng lalaki si Luna sa kaniyang nga magulang, Nakita ni Luna Ang kaniyang mga magulang na mahimbing Ang tulog, lumapit ito at niyakap Ang kaniyang mga magulang.

" Sorry ma, sorry pa maaga akong nawala sa inyo" Sabi nito habang umiiyak

" Luna Celestine, tayo na't baka hinihintay na tayo"

Pinunasan na lamang ni Luna Ang kaniyang mga luhaat niyakap Ng mahigpit ang kaniyang mga magulang sa huling pagkakataon. Bago pa man ito makalayo nakita niyang tumulo ang luha ng kaniyang ina.

"Luna Celestine, tayo na" Sabi Ng lalaki at naglaho na silang dalawa.

'kringg!!!" Tunog ng cellphone Ng mga magulang ni Luna. Agad naman nagising ang kanyang nanay at sinagot Ang tawag.

"Hello, sorry to disturb you but is this Mrs. Mary Joy Fernandez?" tanong bg boses galing sa kabilang linya.

"Yes Ako nga", sagot naman nito.

"This is Patrolman Garcia of Crestfall police station, maari ba kayong pumunta dito sa Crestfall hospital?"

"Why? May nangyari ba?"

"Huwag Po kayong mabibigla, may nangyari pong masama sa inyong anak na si Luna Celestine"

"Wh-what happened?" tanong nito

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 12 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Phantom Academy Where stories live. Discover now