"Good afternoon, ladies and gentlemen. This is your Captain, Caleb, speaking. We have arrived at Bacolod-Silay Airport in Negros Occidental. Thank you for flying with us. We hope you enjoyed your flight." the pilot said to get our attention.
Nagtagpo agad ang mga mata namin ni Sherwin nang huminto na ang private jet. "We're here," ani niya, sabay tayo mula sa upuan.
Halos isa't kalahating oras din ang itinagal ng biyahe, pero hindi ko naramdaman ang tagal dahil kanya-kanya kami ng naging libangan, ngunit si Sherwin, na pala-salita, ang nagbigay ng sigla sa biyahe ko. Maganda kasi siyang kausap, may lalim ang bawat kwento, at ang tono niya'y laging may bahid ng kaseryosohan at biro na nakakatuwa.
"Ako na kukuha ng maleta natin," aniya nang mapansin niyang tatayo na rin ako.
"Sure ka?" nahihiya kong tanong, hindi sanay na hinahayaan ang iba sa ganitong bagay lalo ngayon lang naman kami nagkakilala.
"Oo naman," kumpiyansa niyang sagot "Anong kulay yung dala mo?"
"Yung dalawang itim," tugon ko.
"Okay, got it." ngumiti siya bago tumalikod at nagtungo sa luggage compartment.
Bahagyang napangiti ako, naramdaman ko pa ang init sa pisngi ko. Lumapit na ako kina Gwenn at Solene, na tila hinihintay lang ako. Pababa na rin ang ibang kasamahan namin.
"Yung maleta natin?" tanong agad ni Gwenn nang makalapit ako.
"Si Sherwin na raw bahala," sagot ko.
"Ay," pabulong ngunit may halong panunukso ang reaksyon niya. "Ang sweet ni Sherwin, ah? Bonus points pa na gwapo."
Siniko ko siya nang mahina. "Umayos ka nga," bulong ko pabalik, sabay lingon kay Solene na abala sa cellphone. "Mabait lang si Sherwin. Huwag kang gumawa ng issue."
"Eh sinasabi ko lang naman. Malay mo, may spark na diyan sa tabi-tabi," sagot niya, ang ngiti niya'y nananatili. Napailing na lang ako.
"Excuse me."
Napalingon ako sa likod nang marinig ang malamig na boses ni Ethan. Pagkaharap ko, saktong dumaan siya, seryoso ang mukha at hindi man lang ako tinapunan ng tingin.
"Ay, sorry-"
Hindi ko na natapos ang paghingi ng paumanhin dahil deretso lang siyang naglakad. Napabuntong-hininga ako, tila nanlamig bigla ang paligid. Napansin naman ito ni Gwenn na patuloy pa rin sa panunukso, habang si Solene ay kumunot-noo sa pagtataka.
Nagkibit-balikat at napangiwi na lang ako.
Pagkababa pa lang namin, agad akong sinalubong ng malamig at preskong hangin na parang isinaboy upang iparamdam ang malugod na pagtanggap ng lugar. Tulad ng nakagawian, kanya-kanya kami ng kuha ng litrato at video, walang gustong magpahuli sa pag-capture ng moments. Syempre, hindi rin namin pinalampas ang isang group selfie.
Makalipas ang ilang sandali, sumunod kami kina Mr. Gian at Mr. Vance. Dumating na raw ang van na magdadala sa amin patungo sa aming destinasyon. Kanina, may mga tumutulong pang mag-ayos ng aming mga bagahe, pero ngayon, kami na ang umako sa gawain. Driver lang kasi ang sakay ng van, kaya't kailangang kami na ang magdiskarte sa pagbuhat sa likod.
YOU ARE READING
Love In The Spotlight
FanfictionLawrence Flynn Harrison, an extra actor and model, never expected his small break would lead him to a role in a BL project-especially not alongside Ethan Faulkerson, the theater star and influencer he's secretly admired for years. As rehearsals unfo...