Days passed briefly for Liev, in just a blink, it was already Sunday; meaning, patapos na ang buhay tambay niya dahil kinabukasan ay simula na ng unang araw niya sa Gallego Holdings.
Wala naman gaanong exciting na nangyari sa kaniya the past days.
Maliban sa iilang beses na pagkikita nila ni Andro tuwing lalabas siya ng bahay para puntahan si Wyn, ay wala naman nang sumisira ng araw niya.Gaya ngayon.
Inaya siya ng kaibigan na magsimba kaya iyon nalang ang aatupagin niya kaysa matulog buong araw.
Wearing a simple beige shirt tacked into his white slacks and paired with his signature heeled boots, Liev made his way to his friends' house.
Pero kung minamalas nga naman, sumakto pa na mukhang kagagaling naman sa bahay ng mag-asawa ang nakangising si Andro.
Kinindatan siya nito noong nagkasalubong sila, expecting him to retaliate tulad ng mga nakaraang beses na magkakasalubong sila ng landas, pero si badet parang walang nakita.Feeling pogi talaga! Liev thinks. Well, the man do looks good in that ralph lauren long sleeves paired with beige jeans, pero hindi kaya ng ego ni Liev aminin iyon sa sarili. He also ignore the thought that their clothes coordinates!
Patience, Liev, patience. He chanted inside his mind. Narinig niya ang pagtawa ng lalaki pero hindi niya pa rin ito nilingon hanggang sa makapasok siya sa gate ng bahay nina Wyn."Kamusta ang stay mo so far, Kuya Liev? Hindi ka naman naiinip?" tanong ni Mikhail sa kaniya habang hinihintay nilang matapos sa pag-aayos si Wyn. Nakaupo si Liev sa sofa ng lanai ng mag-asawa habang nakahilig naman sa pinto ang lalaki.
"Ayos naman, I honestly like it here, hindi gaanong fast-paced" Liev answered, remembering his life back in Madrid.
"Tell me about your company pala, Mikhail. Nagkapag-research naman ako pero I still want to hear directly from people working there""Oh, bukas na nga pala start mo 'no?" anito na tinanguan naman ni Liev.
"Well, we mostly handle commercial and industrial complexes, pero lately the company's been accepting deals for subdivisions and other residential buildings. I heard from Papa na forte mo iyon kaya ikaw agad ang kinuha namin"Soon, Wyn emerged from the door, looking ready kaya naman nag-desisyon na silang sumakay ng sasakyan. They boarded Mikhail's hilux, ang mag-asawa sa harap habang nasa likuran naman si Liev. Nakalabas na sila ng hacienda when he noticed another car behind them kaya bahagyang nangunot ang noo niya.
"Is it just me or we're being followed?" Aniya. Mikhail glanced through the rearview mirror habang nilingon naman siya ni Wyn para makita ang tinutukoy niya. When the two smiled sheepishly, Liev rolled his eyes.
May ideya na siya kung sino ang nasa Ford Raptor na kasunod nila."Kuyang Andro said he's also on his way sa simbahan kaya sabi ko sumabay na sa atin" Wyn grinned. Kung wala sa tabi nito ang asawa at hindi araw ng Linggo, ay baka binigwasan na niya ang kaibigan.
Kunot noo tuloy si Liev hanggang makarating ng San Fernando Cathedral, pero naalis din naman ang inis niya nang mapagmasdan ang lugar. The Cathedral is a stunning masterpiece for Liev, with its imposing facade with tall symmetrical columns, central entrance with a grand arch and ornate details, to its stone walls that showcase beautiful carvings. Namangha pa siya lalo upon seeing the prominent rose window above the entrance.
Pagpasok nila ng simbahan ay saglit siyang nag-sign of the cross matapos dampian ang kamay ng holy water, and as they walk to find a vacant seat, he walk close to the walls, eyeing the type of columns and materials na ginamit sa estraktura.
Sakit na yata talaga ng mga arkitekto pero after a painstaking time of suppressing himself, Liev knocked on the wall to test what type of material was used.
YOU ARE READING
Endless Summer [Gallego Series #1]
Dla nastolatkówIf comfort is a person, only one name will come to Liev Chua's mind, and that is the farmer-haciendero named Andro Gallego of Pampanga. [Gallego Series: Liev and Andro's story] noviscuit ©2024 ____ Written in Filipino and with Love. We do not, abso...