***Racquel POV***
"HI honey! How are you?" Masigla at malambing na bati ko sa nobyo ng sagutin nya ang tawag ko pagkatapos ng dalawang dial.
"Oh hi Racquel -- ohh shit!"
Kumunot ang noo ko ng marinig ang mahinang mura ng nobyo sa kabilang linya.
"Are you okay, hon?" Nag aalalang tanong ko.
"Y-Yeah yeah! I-I'm okay hon.. m-medyo nahilo lang ako."
"Ha? Bakit? Ano bang ginagawa mo?"
"U-Uh n-nothing.. masama lang kasi ang pakiramdam ko kaya.. m-medyo nahihilo ako.."
"You're sick?" Bulalas ko.
"Y-Yes honey.. m-masama ang pakiramdam ko eh. N-Naulanan kasi ako kahapon.."
"Oh.."
"Ah Racquel hon.. i-ibababa ko na tong phone. N-Nahihilo talaga ako eh. Let's talk na lang later, okay? Bye."
"Nathan wait -- " Naputol ang sasabihin ko ng pinatay na ng nobyo ang linya.
Napabuntong hininga na lang ako at binaba na ang cellphone.
Di bale. Pupuntahan ko na lang ang nobyo sa condo nya. I'm sure masu-surprise sya na makita ako. Pero bago yun, bibili muna ako ng pagkain para sa kanya. Siguradong maghapon lang syang nakahilata at tamad kumain. Ganun kasi sya kapag may sakit.
Ni-u turn ko ang kotse para balikan ang resto na nadaanan ko para bumili ng pagkain.
Galing ako sa two weeks trip ko sa Japan. Actually di naman umabot ng two weeks ang trip ko. Ten days nga lang at pinauwi na ako mama. One month ang hiningi kong leave sa kumpanya para makapag unwind. Stress na stress na ako at buryong na buryong na sa trabaho ko bilang sales manager. Nag iisip na nga akong mag resign na at magtayo na lang ng sarili kong negosyo, tutal naman ay may sapat na akong ipon.
Makalipas ang thirty minutes ay nakarating na ako sa condominium. Bitbit ang brown paper bag na may lamang pagkain ay pumasok na ako sa elevator at pinindot ang floor ng unit ni Nathan. Habang naghihintay ay binuhay ko ang cellphone at dinial ang number ng best friend kong si Abi. Pero hindi sya sumasagot. Baka busy sa shop nya. Meron kasi syang apparel shop sa isang mall sa Cubao.
Mamaya ko na lang sya ulit kokontakin.
Binalik ko ang cellphone sa bag ko. Makalipas ang ilang sandali ay bumukas na ang elevator. Nakarating na ako sa floor kung nasaan ang unit ni Nathan.
Lumabas ako at naglakad na.
Pinindot ko ang passcode. Narinig ko ang mahinang click at pinihit ko na ang doorknob at binuksan ang pinto. Pumasok ako at dumiretso sa kusina. Nilapag ko sa counter ang brown paper bag at lumabas muli ng kusina. Malamang ay nasa kwarto si Nathan at nagpapahinga.
Ngunit natigilan ako ng mapansin ang isang designer white shoulder bag na nasa couch. Nilapitan ko yun at tinitigan. Halatang bago pa ang shoulder bag.
'May bisita ba si Nathan?'
Dahan dahang lumingon ako sa itaas ng hagdan. Kumabog ang dibdib ko. Kung ano anong senaryo ang pumasok sa isip ko.
Lumunok ako at dahan dahang umakyat sa hagdan.
Parang tinatambol ang dibdib ko ng makarinig ng hagikgik ng isang babae. Narinig ko rin ang boses ni Nathan na paungol.
Kinuyom ko ang kamao at parang sasabog na ang dibdib ko sa galit.
Malakas kong tinulak ang pinto.
"Oh my god!"
BINABASA MO ANG
My Hot Kapitbahay
General FictionDahil bigo sa unang pag ibig si Racquel ay lumayas sya sa Manila at nagbalik probinsya. Doon ay ginamot nya ang pusong sawi at sugatan. Ngunit hindi pa naghihilom ang sugatang puso ay tila gusto na agad nitong sumabak muli sa panibagong laban ng pag...