Chapter 2

1K 169 30
                                    

***Racquel POV***

"NAMUMUGTO na naman yang mga mata mo sa kakaiyak, Racquel." Sita sa akin ni mama pag upo ko sa mesa bitbit ang tasang may lamang kape na bago kong timpla.

Namewang si mama. "Ano ka ba naman? Isang linggo mo ng iniiyakan ang walang hiyang lalaking yun. Tigilan mo na nga yan at nagmumukha ka ng palaka sa kakaiyak. Magang maga yang mga mata mo at ang laki laki pa ng eye bag mo."

Bumuntong hininga ako at dumampot ng isang sandwich na ginawa ng kasambahay namin sabay kagat ng malaki.

"Huy Racquel. Aba'y kinakausap kita." Untag sa akin ni mama.

Muli akong bumuntong hininga. "Huwag kayong mag alala 'ma. Mag mo-move na ako. Kakalimutan ko na si Nathan."

"Dapat lang. Huwag mong sayangin ang luha mo sa manlolokong yun."

Tumingin ako kay mama. "Hindi po ba kayo nanghihinayang kay Nathan?"

Nagsalubong ang kilay nya. "At bakit naman ako manghihinayang sa kanya?"

"Eh kasi di ba.. botong boto kayo sa kanya dahil mayaman sya."

Bumuntong hininga si mama. "Dati yun noong akala ko matino talaga sya. Pero ngayong niloko ka nya syempre ayoko na sa kanya dahil wala rin pala syang pinagkaiba sa papa mong babaero. Kaya ikaw tigilan mo na ang kakaiyak sa lalaking yan. Marami pang ibang lalaki dyan. Maganda ka, anak. Marami ka pang makikitang mas nakakahigit sa kanya."

"Tama kayo dyan, 'ma. Bakit ba ako magmumukmok para sa kanya." Inisang subo ko na ang huling kagat ng sandwich.

"Yan! That's the spirit Racquel. Hindi kita pinalaking talunan."

Dinampot ko ang mug at humigop ng kape. Napangiwi ako dahil medyo mapait yun. Kulang ang asukal na nilagay ko pero keri na. Match lang naman sa namamait kong puso.

"Kelan ka pala papasok sa kumpanya nyo? Tapos na ang leave mo. Nakapag report ka na ba?"

Binaba ko ang mug. "Nagresign na po ako, 'ma."

"Ha? Aba'y bakit?"

"Ayoko na po roon. Puro stress ang inaabot ko."

Bumuntong hininga si mama. "Ikaw ang bahala. Marami ka namang pag a-apply-an dyan. Gusto mo bang pumasok sa kumpanya ng ninong mo? Sasabihan ko ang ninang mo."

Umiling iling ako. "Hindi na po, 'ma. Hindi muna ako magtatrabaho."

Kumunot ang noo ni mama. "Aba'y anong plano mo?"

Tumingin ako kay mama. "Gusto ko pong mag negosyo."

Tumaas ang kilay nya. "Mag ne-negosyo ka? Kaya mo na ba?"

"Susubukan ko po, 'ma. Malaki laki na rin po naman ang ipon ko."

"Eh ano naman ang balak mong i-negosyo?"

"Gusto ko pong ituloy yung negosyo ni papa na bigasan at grocery sa Pampanga."

"Ano? Bigasan at grocery? Anak naman, sa dami ng pwede mong i-negosyo yun pa talaga? Pwede namang apparel na lang din gaya ng kay Abi o kaya mga make up. Hindi nakaka-sosyal ang bigasan anak. Hindi bagay sayo."

Lumabi ako. Inaasahan ko na ang reaksyon ni mama. Sosyalera kasi sya at may pagka-maarte. Pero kahit ganun sya, best mother pa rin sya sa akin.

"Ma, madali po ang kita sa bigasan at grocery. Essential po yun eh. Pangunahing kailangan ng mga tao, mayaman man o mahirap. Saka sayang yung pwesto ni papa sa palengke. Walang umuupa. Nakatengga lang. Eh di pagnenegosyohan ko na lang para lumago ang ipon ko."

Nagpakawala ng malalim na hininga si mama at kumamot sa ulo. "Bahala ka na nga. Pera mo naman yan. Eh di ibig sabihin uuwi ka ng Pampanga?"

"Ganun na nga, 'ma. Doon po muna ako. Magnenegosyo ako doon habang nag mo-move on. Sasama po ba kayo?"

"No. Hindi ako sasama. Alam mo naman na di kami okay ng mga kapatid ng papa mo."

Bumuntong hininga ako. "Ma, hanggang ngayon ba masama pa rin ang loob mo sa mga kapatid ni papa? Matagal ng patay si papa. Ten years na. Move on din."

"Hmp! Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa nilang pagkampi sa babae ng papa mo kesa sa akin. Kaya di ako tatapak sa lugar na yun. Ikaw na lang." Tumalikod na si mama at lumabas ng kusina.

Humimas naman ako sa batok sabay ikot ng mata.

May pasabi sabi pa si mama na mag move na ako pero sya hindi pa rin nakakapag move on kahit sampung taon ng patay si papa. Kunsabagay, mas malalim nga naman ang sugat na iniwan sa kanya ni papa, dahil maraming taon silang nagsama at kasal pa at may anak, tapos nagawa pa syang lokohin ni papa. Ako naman ay walang tanim na galit sa ama, nagtampo lang noon. Kahit kasi niloko nya si mama ay naging mabuting ama pa rin sya sa akin. Ako pa rin ang first priority nya dahil ako lang naman ang nag iisang anak nya. Hiling ko lang sana ay makapag move on na rin si mama at mapatawad na rin nya si papa na naging mabuting asawa din naman sa kanya.

--

"Maganda nga yang naisip mong negosyo, Quel. Bigasan at grocery. Sure na may kikitain ka dahil pangunahing pangangailangan yan ng mga tao. Ako nga parang balak ko ring mag iba ng negosyo, eh. Alam mo na, marami na ring kakumpetensya sa ganitong negosyo at nagkakasulutan pa ng customer. Naku! Na-i-stress nga ako eh. Namamaos na rin ako sa pag la-live."

"Yun talaga ang una kong naisip na i-negosyo. Kasi naalala ko noong nabubuhay pa si papa ay malakas ang bigasan nya at grocery. Sayang nga lang noong namatay sya ay wala ng nagtuloy ng negosyo nya. Si mama sana kaso ayaw nya. Bukod sa may pagka sosyalera sya ay malaki pa ang galit nya kay papa. Kaya hayun, nagsara na lang ang bigasan at grocery. Pinaupahan na lang ang pwesto nya hanggang sa natengga."

"Sana maging successful ang itatayo mong business, baks. At ako naman, kapag tuluyan pang sumadsad itong business ko gagayahin na lang kita."

"Support kita dyan, baks."

"Kelan naman pala ang uwi mo ng Pampanga?"

"Sa sabado na."

Umingos sya. "Ang bilis naman. Eh paano ba yan bibihira na lang tayong mag bonding."

"Uuwi uwi pa rin naman ako dito sa Manila dahil nandito si mama. Kung gusto mo naman akong puntahan sa Pampanga, welcome ka naman doon anytime." May bahay doon ang papa ko na pinangangalagaan lang ng mga tiyahin ko.

"Sige, dadalawin kita doon."

"Asahan ko yan, ha. Dalawin mo ko doon."

"Oo naman! Ihanap mo rin ako ng boylet doon, ha."

"Kung may mahahanap."

Ngumisi sya. "Hanap ka rin ng sayo."

"Tss.. sawi pa nga ako hahanap agad ng lalaki."

"Maganda nga yun eh. Para mabilis gumaling ang sugatan mong puso na sinaksak ng cheater mong ex."

Bumuntong hininga ako at inikot ang mata. "Huwag na nga natin syang pag usapan. Masisira lang ang mood ko."

"Okay, di ko na sya babanggitin." Kunwaring zinipper nya ang bibig.

Tinotoo nga ni Abi ang pagpost sa social media tungkol sa pagtataksil ni Nathan at ni Roxanne. Nag trending nga ang dalawa at pinag usapan. Hanggang ngayon nga yata ay pinag uusapan pa rin. Hindi na ako nakikibalita dahil parang sumasariwa lang ang sakit. Binlock ko na nga sa lahat ng social media ko si Nathan pati na rin ang number nya.

Sensitive pa rin ang puso ko sa tuwing mababanggit si Nathan. Bagong bago at sariwang sariwa pa ang sugat na binigay nya sa akin. Sobra talaga akong nasasaktan sa ginawa nya. Sya lang ang lalaking minahal ko. Kulang na nga lang ibigay ko ang sarili ko sa kanya. Buti na lang hindi ko ginawa.

Mahirap, pero makakamove on din ako sa kanya. Pipilitin ko. Baka sakali makatulong ang pagpunta ko sa Pampanga sa mabilis na paghilom ng sugatan kong puso.

*****

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: a day ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Hot KapitbahayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon