Hades pov ( one month later)
"Mi corazon tahan na !!"
"Sorry nakakarelate kasi ako sa character ni dolphy ang sakit sa damdamin na hanggang ngayon may nakakaranas parin ng ganyan hindi lang sa japanese pati mismo sa kapwa pinoy noh !!umiiyak na sambit nito kaya nilapitan ko sya at pinunasan ang mga luha nya
"Sorry ano bayan nakakahiya umiiyak na naman ako hahahah!!"
"It's ok you can cry all you want dahil hinding hindi ako magsasawang punasan ang mga luha mo !!" Pagpapagaan ko ng loob nito
"Thank you hades nga pala let's go on a date !!" Yaya bigla ni adam
Enchanted kingdom
"Mahal kita mi corazon pero ayoko yung mga trip mo aahhhhhhhhhhhh!!!" Sigaw ko nung bigla ng umadar yung space shuttle ,
"Huy love hahaahhaha ayos kalang !!" -adam
"Ayos lang tapos na diba baba na tayo!!" Kinakalma ang sariling tugon ko
Habang naglalakad kami ay tinuro naman ni adam yung viking
Don naman tayo !!" Yaya ni adam sabay hinila ako lord help me
Kinagabihan (resto bar )
"Ihi lang ako mahal !!" Paalam ni adam
"Hindi ka ihi ikaw si adam na mahal na mahal ko!!" Biro ko dito tinawanan nya lang ako at pagkatapos ay pumunta ng cr habang hinahatay ko sya ay tinitignan ko ang mga pic na kuha namin sa enchated kingdom I'm so happy na nakakangiti na sya na walang inaalala
"Hi my kasama ka ?" Biglang tanong sakin ng babae kaya iniangat ko ang tingin ko
"Oo meron !!" Tipid na tugon ko dito tas ipinagpatuloy ang pag tingin ng mga pic
"My girlfriend kana ba?" Tanong nito ulit
"Wala pero Boyfriend meron !!" Sagot ko dito na hindi inaalis ang tingin sa pic ni adam na ako mismo ang kumuha he look so cute with that wizard hat im so inlove with this man
"Sayang ang pogi nya pero baliko!!" Rinig kong bulog nito sa kaibigan
"Sira may jowa kana !!" Natatawang tugon nung kaibigan nito
"Eh? Ano naman kung nakikipagrelasyon ako sa kapwa ko lalaki !!" Rinig kong sabi ni teka si mi corazon yun ah agad ko yun nilingon at naginit ang ulo sa nakita nakahawak yung lalaki sa kwelyo ni adam at akmang sasapakin sya nito kaya agad akong lumapit
"Anong problema mo sa boyfriend ko ?" Galit na tanong ko dito
Gago bro si hades yan ng Xavier university bitawan mona ang jowa nya malilintikan tayo nyan eh!!" Awat ng isa sa mga kaibigan nya binitawan non si adam sabay mayabang na tumingin sakin
"Dito sa baklang nakakadiri takot ka ah baka pag sinapak ko to ng isang beses tulog agad to !!" Mayabang na sambit nito kaya pang asar na nginisian ko sya
"bro itong nakakadiri nato pinagpapantasyahan ng girlfriend mo!!" Insultong sabi ko sabay tingin don sa babaeng nagtanong sakin kanina natatandaan ko na sila yung kakaiba na yung tingin pagpasok palang namin mga putanginang homophobic lalo na yung isang to
"Ria !!"galit na sigaw nito sa kasintahan ,paglapit ko kay adam ay agad ko tong hinila palayo
"Alis na tayo mi corazon!!" Nakangiting yaya ko dito
"Mga salot sa lipunan nakakadiri mapupunta kayo sa impyerno !!" Insulto na naman nito kaya tinignan ko sya lalapitan ko pa sana pero pinigilan ako ni adam ayaw tumigil ah pasalamat to nandito si adam kung hindi tulog nato
"Edi kitakits! !!" Bawi ko dito sabay hinila na si adam palabas ng resto bar
Bahay
" Oh talo ka hahahahaha tanga !!" Tuwang tuwa na asar sakin ni adam nung ma k.o na naman nya ko naglalaro kasi kami ng takken 8 sa ps5 ko gamit nya yung reina ako naman si jin ang gamit
"Ang daya mo mahal ginagamit mo ang kahinaan ko eh !!"
"Anong kahinaan ang pinagsasabi mo dyan!!"
"Yang mukha mo ang ganda eh nadi distract ako !!"
"Anong gusto mo nakatakip ang mukha ko habang naglalaro !!"
"Hindi ah!!'
"Hades nagsisi kaba na minahal moko?"biglang tanong nito kaya seryosong tumingin ako sakanya
"Hindi mi corazon bakit mo naman natanong ang bagay nayan ?!"
"Wala naman !!nakakapagtaka lang kasi na naamin mo agad sa sarili mo na mahal mo ko while other people still struggling about their gender at may history pako na biktima ng rape usually yung ibang lalaki pag nalaman nilang nakaranas ka non ay iiwan ka kasi nandidiri sila !!"
Agad kong binitawan yung controller at pagkatapos ay hinawakan ang kamay nya
" Yung una nahihirapan din naman ako ,dahil nga akala ko ay hindi ako magkagusto sa kapwa ko lalaki kaya ilang beses ako naging indenial pero nung araw na alam ko na mismo sa sarili ko na wala nakong takas hinayaan ko nalang Dahil napagtanto kong walang mali sa nararamdaman ko at isa pa hindi ka nakakadiri at yung ibang nakaranas ng rape yung mga sexual predator ang nakakadiri hindi kayo !!"
"Sabi nila pag nagmahal ka daw ng kapwa mo sa impyerno ang punta mo!!"
"Huwag kang magpaapekto sa sinasabi nila Oo dalawang kasarian lang ang ginawa nya pero wala syang sinabi na bawal mag mahalan ang magkaparehong kasarian at isa pa ang sinabi ng diyos na mapupunta sa baba is yung mga taong mapanglamang sa kapwa yung mga taong gumagawa ng kasalanan at mapang api !"
"Tama dapat hindi ako nagpapaapekto sa mga sinasabi nila hindi naman sila diyos !!"
"Ayan dapat ganyan ang mindset mo kasi kung patuloy mo silang papakinggan ikaw rin ang talo !!"
"Tama ka nga swerte ko boyfriend kita !!" Masayang sabi nito sabay niyakap ako
"Do you want to have sex with me ?" Biglang tanong nito sa nang aakit na tono at pagkatapos umupo sa legs ko
tangina motivational lang ang usapan namin tas bigla naging ganto gusto ko pero hayss napaka random
"Gusto ko but hindi ba mati trigger yung bad memory mo about sex ?" Nag aalalang tugon ko
"Hindi ko alam but please make me forget about that memory !!" Ani nito sabay hinalikan ako
Habang naghahalikan kami ay natawa kami pareho nung mag kasabay na tumunog ang phone namin
"Lagi nalang may istorbo noh!!" Natatawang sabi ko kay adam
"Oo nga hahahahha !!" Tugon nito sabay sinagot yung tawag
"Oh kuya eros napatawag ka ?"tanong ni adam sa kabilang linya sa sobrang curious ko sa usapan nila ay Hindi ko sinagot ang tawag ni daniel lalo akong na curious nung makitang nalungkot ang mukha ni adam
"May pupuntahan tayo love!" Biglang sabi nito
"Saan ?" Takang tanong ko
"Kay kuya eros nakita na yung bangkay ng papa nya !!" Tugon nito at pagkatapos ay tumayo kaya kahit na naguguluhan ay sumunod ako sakanya
Eros home
"Nakikiramay kami kuya!!" Ani ni adam tumingin sakanya si eros sabay ngiti
"Salamat adam ,hades !!" Pinipigilan ang luhang tugon nito
Nung mapatingin ako sa picture nung papa nya ay nanlaki ang mata ko nung mapagtanto na iyon ang matandang nag bigay sakin ng usb
"Sya yung lalaking nag bigay sakin nung usb tatay mo pala sya !!" Wala sa sariling sambit ko ,gulat na nilingon ako nung dalawa dahil sa nasabi ko .
