Nakarating kami ng court na nagsisimula na ang laro. Period 2 na yata eh. Naghanap kami ng bakanteng upuan, ang kaso lang wala. Kaya hanggang sa may umalis ay dun palang kami nakaupo. Ang kinagandahan pa ay sa may harap ang bakanteng iniwan nila kaya kita namin ng maayos.
Tuningin ako sa score at lamang yung guest which is yung mga naka red na jersey. Autumn ang team name.
"Woahhhh!!!! Go Khalix!!! Woahhh!!!!" Pagsisisigaw ni mika. Inaneto dinga boto sa sariling baranggay.
"Oh my god!!! Ang pogi mo khalix!!!"
"Grabe ka khalix! Paawat ka naman!!!"
"Putangina pogi!!! Akin kana!! Luluhuran kita hanggang umaga!!!"
Nagsisisigawan din yung mga nasa likod namin which is puro mga babae, pumunta lang yata tong mga to para dun sa khalix nayon
Sigaw parin sila ng sigaw na para bang wala ng ibang araw na maglalaro yung khalix nayon.
Tinakpan ko ang tenga ko dahil feeling ko wala na eardrums ko! Tangina! Nabibingi nako! Bat ba ako sumama!!! Ang gago!! Ganito ba talaga kalakas ang sigawan sa basketball? Tangina ang layo sa archery!!!
Tumayo ako mula sa kinauupuan ko "bibili lang ako ng tubig" mukhang hindi nila narinig, kaya lumabas nalang ako para rin malaman ko kung andito pa ang eardrums ko.
"Pabili po ng tubig"
"Yung malaki iho?"
"Yung maliit lang ho" tumango siya at kumuha sa ref pagkatapos ibinihay sa akin
"Mag kano ho?" Nilingon ko siya at naabutang nakatitig sa akin "may problema ho ba?"
"Ah wala iho ang gwapo mo kasing bata. Sampung piso yan" kahit nagtataka ako ay binayaran ko nalang iyon
"Bago kaba dito? Ngayon lang kasi kita nakita" tanong niya
"Ahh hindi ho, hindi lang talaga ako madalas lumabas ng bahay"
"Ahh ganon ba? Kaya pala hindi ka pamilyar sakin"
"Una na ho ako" paalam ko tumango naman siya kaya bumalik nakong court
Umupo ako sa gitna ng dalawa na tuloy parin sa pagsisigawan. Maya maya pumito ang referee para sa five minutes break.
Habang umiinom naman ako ay bigla nalang akong pinalo sa likod ni mika kaya nasamid ako! Nabulunan pako ng tubig! Teka pwede bayon? Ang gago kasi netong mika nato!
Nauubo akoan napatayo "g-gago k-ka umiinom yung tao!!!" Sinamaan ko sila ng tingi. Geh tawa pa mga kupal
"Glad you came...." Someone from behind me whisper with his soft yet deep voice. Kamuntikan kopang ihampas sa kaniya ang boteng hawak ko dahil sa pang-gugulat niya!
"Galing mo talaga khalix!" One of the girls said, probably his fan. Ngumiti siya sakanila kaya nagtilian sila.
Nakipag kwentuhan na siya kay mika habang ako ay tulala parin at wala parin sa sarili dahil sa kagaguhang ginawa niya. Kailangan pabang manggulat? Dapat tinuloy ko nalang ihampas sa kaniya yung bote eh, kulang nalang lumayas yung kaluluwa ko sa katawan dahil sa kaniya!
Umupo nalang ako sa gilid ni noah habang pinapanood ko silang dalawang mag-usap
"Pogi niya no?" Bulong niya "ang kinis ng mukha, halatang walang crush" natawa siya sa sinabi niya kaya natawa rina ako.
Sabagay ang sabi nga nila "pimples defined if you are in love." Ewan kung totoo iyon, pero para Sakin oo, totoo yon dahil minsan narin akong nagka-pimples kasi may crush ako, pero dati payon bata palang ako. Ang alam ko elementary ako eh, nakakatawa nga kasi diko alam buong pangalan ng crush ko.
YOU ARE READING
SECRET OBSESSION
RomanceKIEL MARCUS SARMIENTO, is a nonchalant yet oa when He is with his friends or close people, he is not popular yet not a loser. He's good at arts. Especially painting and some pottery making. He is Also good at sports archery. He's a rude, cold yet cu...