Part 1

2.9K 102 6
                                    

#ArcadeTB on Twitter :) it's back!

ARA

"Eto na nga Ate Tin, wait lang!" Sigaw ko kay Ate Tin na bumubusina na sa labas ng dorm namin ng Spikers.

"Daks, dalian mo! Rindi na ako!" Sigaw din ni Yeye.

"Eto na nga! Kung pwede na akong tumakbo binangga ko na kayo lahat!" Sinuot ko na yung watch ko at nagmadaling naglakad para mahablot yung cap ko na kanina pa hawak ni Mika.

"Bakit napaka-boyish ng get up natin today, daks?" Tanong ni Mika.

"Wala namang problema diba? Para komportable! Akin na nga yan!" Aba't ngayon pa naisipan mangulit nito ni Mika at talaga namang itinaas pa ang kamay niya na hawak ang cap ko.

"Isa Yeye! Hahalikan talaga kita!" Hindi ko kasi maabot eh :( Bawal naman ako tumalon.

"Aysh! Eto na eto na!!" Siya na mismo nagsuot ng cap sakin.

Kiniss ko si Mika sa cheeks at naglakad na palabas. Hahahaha!

"Hayop ka talaga, Vic!!" Di ko alam diyan kay Yeye kung bakit ayaw niya na kinikiss ko siya sa cheeks. Maarte! Hahahaha!

"Hi Ate Tin!" At tuluyan na akong umupo sa passenger seat.

"Hi Victonara! Pakatagal mo!"

"Pagbigyan mo na ako, bakit ba g na g ka?" Tinawanan ko na lang siya.

"Wala lang. Ang tagal mo kaya!"

"Eh bakit? Saan ba tayo pupunta?"

"Dyan sa bagong arcade."

"Walangya ka. Sa Arcade lang pala! Kung makapressure ka kala ko naman event na may oras." Nagsimula na ding matawa si Ate Tin at nagdrive na papunta dun sa bagong Arcade kuno dito sa Taft.

••

Pagdating namin, wala pa masyadong tao. Lupet naman kasi magyaya mag-Arcade nito ni Ate Tin. 10 AM in the morning, pagising pa lang ang mga kabataang Pinoy. -.-

"Anong gagawin nating Ara?"

"Ba, ewan ko sa'yo. Ikaw nagyaya dito e" Sabi ko sa kanya.

"Lagi mo na lang ako binabara, Vic!" Sabi ni Ate Tin tapos binatukan ako.

"Hahaha! Mahal mo naman ako e! Gusto mo nga ako maka-date ohhh!" Pang-aasar ko sa kanya.

"Hala?! Umuwi ka na nga, ako na lang magbabasketball mag-isa!" Tapos naglakad na siya papuntang bilihan ng tokens.

Hinawakan ko agad siya. "Ate Tin! Huhu ako din please!!!!!"

Matitiis ba ako nito? :>

•••

"Huhuhu! Ilayo niyo na phone ko sakin! Literal na sumasabog na siya!" Sigaw ko sa bullies dahil sumabog talaga notifs ko sa IG at Twitter.

"Ba'y napakagwapo mo ba naman magshoot! Splash!" Talagang nang-asar po to si Ate Kimy.

"Pogi mo nga dito bully!" Sabi ni Cienne habang pinapanood ang dalawang IG Vids na ini-upload ko.

After 30 minutes yata ay medyo humupa na ang bagyong nagaganap sa social media sites ko kaya nagtingin na din ako ng tweets ng iba.

@iamgreenblooded: @VSGalang 1v1 kayo ni king archer @jeronteng sa arcade hahaha

Nag-reply ako, pwede pwede!!

@VSGalang: @iamgreenblooded tara idol! @jeronteng game? Haha! (Ang lakas ng loob maghamon eh :)))) )

Ba'yan, nagreply agad si Jeron. Hahaha! Natatawa na ako.

@jeronteng: @VSGalang @iamgreenblooded basketball arcade? Haha

@VSGalang: @jeronteng hindi. Whole court nalang idol para may thrill joke!

"Gusto mo ba mapahiya Vic?" Tanong ni Ate Kimy at tumatawa dahil nababasa din nila ang conversation na nagaganap sa twitter.

"Ayan!!! Takte nag-DM si Jeron!!!" Sabi ko sakanila.

"Ano sabi?" Sabay sabay na tanong ng bullies.

* DM *

@jeronteng

Tara Arcade bukas, Vic! Gusto ko din ma-try yung bago e. Haha! 5PM siguro after nung last class natin na magkaklase tayo?

••••

"Nako Victonara ah! Free dinner kapalit nito!" Eto kami ngayon ni Mika sa sasakyan niya papunta dun sa Arcade. Kakahiya kaya kung kami lang ni

Teng! Isipin pa ng mga tao may some-TENG kami. -.-\

"Oo na, daks! Bakit ba g na g kayo lahat ngayon?" Tanong ko sakanya, kanina pa kasi sila nagsisigawan sa dorm.

"Kasi daks, due na bukas ng project ko. Pero ano? Asan ako ngayon? Eto kasama ka papunta sa Arcade!" Sabi niya sakin.

"Wushuu. Kunwari ka pa, gusto mo din naman makasama si Teng!"

"Hala, pakyu Vic." Tumawa na lang ako ng malakas. Hahahah! Hindi naman lingid sa kaalaman namin na crush niya si Teng. Pshhh. Hahahaha.

•••••

"Hi idol!" Bati ko kay Jeron pagkita ko sakanya sa Arcade.

"Hi idol!" Tingin sakin ni Teng at, "Hi sa mas idol ko!" At tumingin siya kay Mika.

Siguro nahimatay mga lamang-loob nito ni Mika.

"Hi." Matipid na sagot ni Ye.

"Tara?" Sabi ko.

"Teka lang, may hinihintay pa ako. Hahaha! Wait lang girls." Sabi niya.

"Aw, Ye, may iba siyang kasama." Pagbulong ko kay Mika.

"Ikaw ha! Kanina ka pa, Vic. Baka marinig ka niyan, ginagalit mo 'ko talaga!" Tumawa naman ako dahil pabulong na sigaw na ang ginagawa ni Yeye.

"Ang tagal mo naman!" Sigaw ni Jeron.

Napalingon naman kami ni Yeye sa tinitingnan niya.

May tumatakbong gwapo.

Tangina? Bakit kasama ni Jeron si Torres?!

Kinurot ako ni Mika sa tagiliran.

Hay, tangina. Lamang-loob ko yata ang nahimatay.

ArcadeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon