Chapter 23 - Wind of Change

92 8 0
                                    


Dinala ko siya dito sa park na may mga cabin at parang nasa probinsya ka lang, nandito pa rin kami sa loob ng kotse habang siya tulog pa rin, puyat ba siya?

Pinagmamasdan ko lang ang mala-anghel na mukha niya, aamin na ko na hindi ko siya type... sa ugali kasi naman ang maldita niya kaya pero sa mukha aba oo sinong tao ang hindi magkakacrush sa kaniya. Oo na crush ko siya dati... hanggang ngayon.

Sadyang nabaling lang talaga ang atensyon at pagtingin ko kay Julie pero ngayon na pinagmamasdan ko siya bumibilis muli ang tibok ng puso ko at parang ang peaceful ng pakiramdam pagkasama ko siya.

Iniba ko yung posisyon ko nilagay ko ang mga kamay ko sa manibela at isinandal ang kaliwang pisnge ko habang hindi inaalis ang patingin ko sa kaniya.

Habang nakatingin ako sa kaniya napabalik ako sa nakaraan, hindi ko alam kung kailan nagsimula ang pagkakaroon ko ng crush sa kaniya kasi urong-sulong ang nangyayari dahil naiinis at natuturn off ako sa ugali niya lalo na nung ininsulto niya ang pagkatao at ang ang community na kinabibilangan ko.

Tatanungin ko rin siya kung bakit biglang nag-iba ang ihip ng hangin kasi sa pagkakaalam ko ayaw niya sa akin o galit siya sa mga katulad ko. Tapos ngayon siya pa mismo nagsabi na ligawan ko siya, nababaliw na ata ito, nakakabaliw naman talaga.

Ang bilis ng pag-iba ng ihip ng hangin parang nung isang araw lang nagbreak kami ni Julie tapos ngayon may nililigawan na ko. Napahawak ako sa puso ko dahil sa naisip, wala akong naramdaman na kirot o sakit dahil sa nangyaring break up namin ni Julie. Bakit kaya? Nakamove on na ba ako agad? 3 months din kami 'nu.

Pumapayag na rin ako sa gusto niya na ligawan ko siya kahit Task daw yun pero gagawin ko yun hindi dahil task yun kung hindi dahil gusto ko. Hindi pa naman ganun kalalim ang nararamdaman ko kay Dia pero alam ko doon na rin papunta yun.

Napatingin ako sa oras at 10:30 palang naman ng umaga kaya pwede pa kong umidlip at gigising nalang ng 11:30 o kaya 12 para makapag tanghalian at nakapag pareserve na rin ko ng cabin namin dito bago pa ko magmuni-muni. Pinatay ko muna ang engine at binuksan ang sunroof para may pumasok na hangin, hindi naman masyadong mainit dahil na rin napapaligiran kami ng mga puno.

Naalimpungatan ako dahil may humahaplos sa pisngi ko, dahan dahan kong minulat ang mga mata ko at nakita ko ang isang napaka gandang babae na parang wala sa sariling nakatingin sa akin habang hinahaplos ang pisngi ko kaya napangiti ako at natauhan naman siya dahil sa kaunting galaw na ginawa ko.

"F-finally, you are awake" 'tila natataranta niyang sabi.

Tumango lang ako at natawa pa ng bahagya dahil ang cute niya.

Umayos ako ng upo at napansin ko na tirik na tirik yung araw na.

"Anong oras na?" tanong ko sa babaeng nakatingin lang sa akin.

Tumingin siya sa wrist watch niyang cartier, "it's almost 1 o'clock na."

"I'm sorry, nagugutom ka na ba?"

"A little" she said in her babyish tone.

Napatulala naman ako dahil, she's so adorable while saying those words. Ang sarap ibulsa.

Natawa naman ako and I don't why, maybe because she's being cute.

"Why?" she asked faking her irritable tone and she pout.

"Wala" pagkatapos ay tumunig yung tiyan.

"It's not me" depensa niya agad.

Natawa tuloy lalo ako dahil doon, "Kung hindi sayo, kanino?"

Nagkibit balikat lang siya at ngumuso ulit.

"Let's go, baka nagugutom na yung alaga mo sa tiyan" she glared at me after I said that.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Nov 13, 2024 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Risked it All (On-Hold)Where stories live. Discover now