“Anti Janet, si Ma’am Kaida?” tanong ni Vyen habang naglalakad siya palapit sa Ginang na nagluluto.
Saglit itong bumaling sa kaniya at ibinalik rin ang tingin sa ginagawa. “Nasa kwarto, bakit?” tanong nito.
Ipinakita niya ang puting sobre na kanina ay nakita niya sa mail box. “May sulat yata siya Anti, p’wede ko bang puntahan para maibigay ko?” tanong niya.
Tumango ang Ginang kaya naman ay naglakad na siya paakyat ng hagdan. Ang ipinagtataka niya ay may telepono naman, bakit kailangan pa gumamit ng sulat? Hindi na nga yata uso sa lugar nila ang mga ganito pero iba siguro sa lagay ng mga mayayaman.
Bago pa man makalapit si Vyen sa kwarto ay narinig niya na ang paghagulhol ng amo dahil nakabukas ang pinto ng kwarto nito.
“Ma’am Kaida? Ayos lang ho ba kayo?” sunod-sunod na tanong niya na puno ng pag-aalala, nagtungo siya sa kwarto at nakita niya ang amo na nakaupo sa sahig at umiiyak. “Ma’am Kaida, ano pong problema?” tanong niya at nilapitan ito.
“Vyen...” tawag nito sa pangalan niya at niyakap siya ng amo ng mahigpit. “thank you Vyen, you're here.” dagdag pa nito.
Huminga siya ng malalim dahil sa awa sa amo, napakabait ng pakikitungo nito sa kaniya kaya dapat lang na ibalik niya ito sa babae. “Ma’am, bakit ho kayo umiiyak? May masakit ba sa inyo?” sunod-sunod na tanong niya.
Bumitiw ang amo sa yakap nito sa kaniya at inayos nito ang sarili. “I–Im...pregnant Vyen!” anito at tumingin sa kaniya ng seryoso. “I don't know what to feel, I–I feel bad for my baby because I chose a father that won't love us. It's me, it's my fault for marrying someone like him.”
Hindi mapigilan ni Vyen ang awa sa punto na halos gusto niya na ring maiyak. Kaida didn't deserved any of this, she deserves better, a good person deserves a good husband.
Kahit na sabihing nakukuha na lahat ng bagay sa mundo, nangungulila parin ang amo sa pagmamahal ng isang asawa. Nakikita niya ito sa araw-araw kapag binabanggit ang asawa, she can see that she loves him so much and all that she wanted is for him to love her back. What a sad marriage life.
This is what scares her, if she ever gotten married to Maven, is this what's gonna happen to her as well? Or maybe not? Because as far as she can remember, Maven loved her so much and it was her who needed to get away from him as far away as possible.
“Sage can't know that I’m carrying his child, he would kick us out, that's why Im crying! I don't know what to do Vyen!” nararamdaman ni Vyen ang takot sa boses ng amo habang nagsasalita ito.
Huminga siya ng malalim at umupo sa katabi ng amo, sa sahig. “Hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Lagi po ‘yan ang sinasabi ng ex ko dati sa’kin at kung mayron man akong natutunan tungkol sa isang lalaki, gaano man katigas ang puso nila, lalambot at lalambot parin ‘yun. Magtiwala ka sa akin Ma’am, one of the biggest flex that a man can have is to be a father.” napangiti siya.
“Soon enough, marerealize niya na maswerte siya dahil hindi lang malapit na siyang maging ama, ikaw pa ang magiging Ina ng anak niya.”
Nakita niya ang luha na namuo sa mata ng amo at bigla ulit siya nitong niyakap ng mahigpit habang panay parin sa paghagulhol. Hindi niya alam kung napagaan niya ang pakiramdam ng amo pero umaasa siya na kahit kaunti ay nabawasan niya ang sakit na dinadala nito.
...
“Vyen!” malakas na sigaw ng amo niya sa kaniya at nakita niya ito na tumatakbo patungo sa kaniya habang nagdidilig siya ng mga halaman.
“Bakit Ma’am, may kailangan po ba kayo?” tanong niya at ngumiti.
Huminto ito sa harapan niya at ipinakita ang sobreng puti na ibinigay niya kanina noong matapos na itong umiyak. “Remember when you gave me this? It's good news!” sigaw nito at halos umabot na sa tenga ang ngiti.
YOU ARE READING
EX'Series 1: Love Me Once Again
Roman d'amourWhen two souls separate, one grieves and the other one feels freedom. It is heartbreaking to see someone we loved with another person, it hurts, it makes you cry but you knew deep down inside you that it was for the better. You are out of his league...