PROLOGUE

1 0 0
                                    

"Tita Keli! Tita Keli!"

Napaangat ang ulo ko mula sa pagtitig sa mga taong naglalakad sa airport. There I saw Silver, ang tatlong taong gulang na anak ng pinsan ko, na tumatakbo palapit sa akin. Ang bilis ng takbo niya, para bang isang maliit na kidlat na naglalakad.

"Silver! Dahan-dahan lang," narinig kong sabi ni Kuya Steven mula sa likuran. Kasama nito ang asawa niyang si ate Vera na matamis na nakangiti.

I smiled happily at Silver and knelt down with an open arms to welcome her with a hug. "Hi, Silver! I missed you!"

"I missed you too, tita Keli!" Sabi niya, at niyakap ako ng mahigpit.

"How are you, baby?" Binuhat ko siya at pinugpog ng halik sa pisngi, humagikhik ito. Sobrang cute!

"When you weren't here for a week, I was a little sad because I didn't have anyone to go for a walk in the park of our subdivision." I let out a soft chuckle dahil naka-pout siya habang nagsasalita.
"I also don't have anyone to ride a bike with me outside, and no one reads stories to me before bed time." Ramdam ko talaga sa kaniya ang lungkot. Pero mas nangingibabaw ang gigil ko dahil sa cuteness niya, parang hindi siya tatlong taong gulang kung magsalita. She's really a smart kid.

"At tuluyan na ngang nag-rant ang bata," natatawang saad ni ate Vera nang makalapit na ito sa amin. Natawa rin kaming dalawa ni kuya.

Niyakap ako ni ate Vera at hinalikan naman ni kuya Steven ang ulo ko. "Welcome back, Kel. How was your vacation?" Nakangiting tanong ni kuya. Siya ang nagbitbit ng bagahe ko palabas ng airport.

"Maayos naman po, kuya. "Alam niyo ba, sobrang ganda ng Italy!" masigla kong sabi, nagniningning ang mga mata ko habang nagkukwento kay Kuya Steven at Ate Vera.

"Lalo na ang mga art museums na napuntahan ko. Parang nabubuhay ang mga painting!" dagdag ko pang saad. Nakarating na kami sa sasakyan. Inayos muna ni kuya Steven ang mga gamit ko sa likod ng kotse. Patuloy pa rin kaming nag-uusap, nakaupo ako sa backseat habang nasa kandungan ko naman si Silver. Si kuya ang nag da-drive, nasa passenger seat naman si ate Vera.

"Ano bang mga museums ang napuntahan mo?" tanong ni Kuya Steven, nakakunot ang noo niya, tila nag-iisip kung saan ba ang mga lugar na 'yon.

"Marami! Nandoon ako sa Uffizi Gallery sa Florence, nakita ko ang mga masterpieces ni Michelangelo at Leonardo da Vinci. Tapos, pumunta rin ako sa Vatican Museums, may mga paintings din doon na sobrang ganda, at nakita ko rin ang Sistine Chapel! Ang galing-galing ng mga artists noon, parang buhay na buhay ang mga paintings nila."

"Wow, ang galing naman!" komento ni Ate Vera, nakangiti at tila interesado sa mga kwento ko. "Anong paborito mong painting?"

"Hmm, mahirap pumili! Pero siguro, ang 'Birth of Venus' ni Sandro Botticelli. Ang ganda ng kulay at ang ganda ng pagkakagawa ng painting, parang nakikita mo talaga ang kagandahan ng Venus na lumulutang sa dagat."

"Talaga? Gusto kong makita 'yon!" sabi ni Kuya Steven. "Siguro dapat mag-Italy rin ako someday."

Napangiti ako. "Oo nga, Kuya! Dapat talaga! Ang dami pang magagandang lugar doon na hindi ko pa napupuntahan. Ang dami pang mga paintings na hindi ko pa nakikita."

"Sige, next time, samahan mo na kami ni Ate Vera mo," nakangiting sabi ni Kuya Steven. "Para mas marami tayong makikita," at agad naman akong sumang-ayon.



"Welcome back, my beautiful daughter!" Salubong ni Mommy sa akin.  Nakasunod naman sa kaniya si Dada na halatang galing pa sa trabaho dahil naka corporate attire pa.

"How's my Princess?" Tanong ni Dad. Niyakap nila akong dalawa. Grabe parang isang taon akong nawala ah.

"Maayos naman po ako, Mommy and Dada. I enjoyed my one week vacation there." Nakangiti kong sabi at napakwento na sa kanila.

OUR THOUSAND GOLDEN HOURSWhere stories live. Discover now