"Gandz!!"May biglang tumawag sakin nung naglalakad na ako palabas ng room.Mukhang alam ko kung sino yun sya lang naman ang tumatawag sakin ng ganun.
"Oy Pogz!!"sambit ko habang tinitingnan ko sya papalapit sakin.Kahit saan saang anggulo talaga ang gwapo gwapo ng bestfriend ko kaya nga nagkagusto ako sa kanya.Oh ha nalaman niyo na ang sekreto ko kaya atin atin lang yon.
Ako nga pala si Lovely Chen.Ang bestfriend ng mahal kong si Markie Go.Hayy...bestfriend bestfriend...bestfriend.
"Gandz punta tayong Amusement Park"Aya niya at kinaladkad agad ako.Aba himala ata.Kanina inaya ko syang pumunta dun ayaw niya.Hayy ewan ko ba sa lalaking to.
"Teka nga Pogz"Tinanggal ko ang kamay ko sa pagkakahawak niya kaya napahinto siya.Nagcrossed arms agad ako.
"Ano bang meron sayo ngayon at bigla-bigla ka na lang nag aya sabi mo ayaw mong pumunta dun"Ang weird niya ha.
"Nagbago ang isip ko eh masama bang mag aya sa napakaganda kong bestfriend?"Ginulo niya ang buhok ko.Naman eh.Hinila na niya ulit ako at hindi na ako pumalag.Well excited din naman ako favorite place kasi namin yun ni Pogz.Doon kami palaging pumupunta.Yippey mukhang mag eenjoy ako nito.
Nakarating na kami sa Amusement Park.Nakita ko agad ang isang ice cream stand malapit samin.
"Pogz bili tayong ice cream,please"Sabi ko kay Markie with puppy eyes effect pa yan.Gusto ko talagang kumain ng ice cream.
"Tss oo na"Sabi nya.Whahaha irresisitible talaga ako.Bumili na si Pogz ng dalawang cookies and cream.Habang nilalagay palang yung ice cream sa cup takam na takam na talaga ako.Manong paki bilisan please...hehehe.Demanding ko masyado.
"Eto na po yung dalawang ice cream"Inabot na ni Manong yung isang ice cream kay Pogz.Iaabot na sana ni Manong yung sakin ng bigla itong agawin ni Pogz.Whaaa akin yun eh.Gusto ko nang kumain ng ice cream.
"Hoy Pogz akin na nga yan,ano ba ang lakas ng trip mo ngayon ah"Pilit ko pa ding inaabot ang ice cream ko.Kung bakit pa kasi ako nagkaroon ng matangkad na bestfriend ay hindi sobrang kulit na bestfriend.Pero kahit ganyan yan mahal na mahal ko yan.Tanga na nga siguro ako dahil hanggang ngayon tinatago ko pa din ang nararamdaman ko para sa kanya.Isa lang naman ang dahilan eh.Takot,takot akong mawala siya sya sakin sa oras na malaman niya ang totoong nararamdaman ko para sa kanya.Mas hindi ko kakayanin yun,hindi ko kayang mawala siya.
"Psst!!Gandz nakikinig ka ba??"Hala wala pala ako sa sarili ko.Ayan kasi dami kong iniisip.
"H-ha??"Sabi ko na lang
"Mukhang ang lalim ng iniisip mo ah"Inabot na niya sakin ang ice cream ko.Sa wakas,kung pwede lang kuminang ang mga mata ko kumikinang na ito ngayon..hehehe.Masaya akong kinain yung ice cream ko.Ang babaw ko no??Huwag nang kj.
Napansin kong tinititigan pala ako ni Pogz.Anyare??
"May dumi ba ang mukha ko Pogz??"tanong ko sa kanya.Umiling lang siya at ngumiti pagkatapos kinain na niya ulit ang ice cream niya.
"Tara Gandz doon muna tayo sa bench"Aya niya sakin.Tumango na lang ako.Habang kinakain ko pa din ang ice cream hindi ko maiwasang mapatingin sa mga taong dumadaan.
"Gandz laro tayo??"Masigla niyang sabi
"Huh,anong naman laro??"tanong ko sa kanya.Ano na naman kayang pumasok sa utak niya at gusto niyang maglaro.
"Ganito padamihan tayo ng taong dumaan na nakasuot ng black and blue na damit.Bale black sakin at sayo blue"Pagpapaliwanag niya.Yung black favorite color niya yun at sakin naman yung blue.
"Okay game!!"Masigla kong sabi sa kanya
"Kung sino yung mananalo pwede siyang humiling ng kahit ano at ang tutupad nun ay ang matatalo"Dagdag nito.Mukhang maganda to ah.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove With My Bestfriend
ContoAng daming ibig sabihin ng MU Mutual Understanding... Magandang Umaga... Magsyotang Unggoy... pero para sakin ang MU ay parang ako Mag-isang Umibig... Minsan nga pagnakita kong may kasama syang iba sumasagi sa isipan ko ang linyang ito "MU nga sila...