Chapter 3: Two Seats
"Good evening Q, sabay tayo pa Baguio." Agad na nagmessage si Prince kay Q matapos nitong mag family-bonding.
"Baka male-late ako ng konti Prince, ayaw kong maghintay ka." Sagot naman ni Q sa chat.
"Keep me posted Q, I'll wait." Masayang reply ni Prince na animo'y kausap niya si Q nang harap-harapan.
"Mm." Sagot naman ni Q.
Nang marating ni Prince ang sala, nagpaalam ito sa mga magulang niya na aakyat na ito sa kwarto niya para maligo.
"Baba ka mamaya para sa dessert. Your lolo gave it, you must taste it at least." Wika ng mama niya.
"I'll be back, mom." Sagot nito.
Tanaw mula sa sala si Prince ng kaniyang ina habang umaakyat ito papuntang silid niya.
"I am wondering if our son is getting a mutual relationship." Hirit nito nang mapagtantong dalawa nalang silang naiwan sa sala. Umakyat na rin ang kambal nilang anak.
"As for me, whoever our son loves, he has my support." Ani naman ng ama.
"As for you. But as for me, I have someone to compete with whoever our son loves," saka ito nagbitaw ng tila nakikiliting tawa.
"You must be doing arranged marraige to our son, ma." Sabat ng ama ni Prince, saka nito hinagod ang buhok nang makalapit sa asawa.
"Of course I won't do it, I'm just joking around." Sagot nito, saka hinarap ang asawa.
Nang magkatinginan na sila, hinawakan niya ang pisngi ng asawa, "Pa, As for us, whoever our son loves, he has our support." Seryoso nitong tugon.
Nagbigayan sila ng ngiti sa isa't-isa saka hinalikan ng ama ni Prince ang kabiyak nito.
"I am so happy how we purposefully raised our sons and daugther." Saad ng asawang lalaki.
"We raised them responsibly, because you taught them gradually, not instantly. Things happen little by little," puri ng asawang babae sa kaniya.
"I love you, pa." Saad ni Catherine.
"I love you too, ma." Saad din ni Keith.
Ang hindi nila alam ay pinapanood sila ng kambal nila.
"Grabe naman ang mommy and daddy namin na 'yan," sigaw ng kambal saka ito nag-unahang pumanaog sa sala.
"Nosy children." Saway ng ama sabay gulo sa mga buhok nito.
Ipinaayos ni Catherine ang lamesa para sa dessert na kakainin nilang magpamilya.
"Maupo na muna kayo riyan at tikman niyo na ang dessert na bigay ng lolo mo, maliligo lang ako." Pamamaalam nito sa mga anak.
"Maliligo na rin muna ako, kakain lang ako ng dessert." Natatawang tugon ng ama ng kambal.
"Yucks!"
"Yucks, dad!"
Nandidiring hirit ng mga anak.
"Biro lang. I still have courtesy, children." Seryosong sagot nito.
"I'll use the other bathroom, maliligo na rin ako para makahabol akong makatikim sa dessert..."
Nagsitaasan ang kilay ng mga anak habang nakatingin sa ama.
"Na likha ng lolo mo." Dugtong nito.
"Dad, you're giving us double meaning." Naasarng sagot ng anak na babae.
"Ang eldest ko talaga, oo." Sagot ng ama.
"Oh siya, I'll keep going, kumain na kayo. Iniwan na tuloy ako ng mommy ninyo." Natatawa nitong sagot.

YOU ARE READING
Between Two Hearts
Teen FictionKaniya-kaniyang pamantayan sa pag-ibig. Parehong pinag-aaralan ang sikolohiya ng dalawang mag-aaral na sina Prince Keith Velario, isa sa tatlong anak ng mga Velario, ang pinakamayamang pamilya sa buong lungsod at Queue Liked (pronunciation: Q Li-ked...