CHAPTER 51

66 3 1
                                    

Matteo pov.

Bagsak ang balikat kong bumalik muli sa aking unit, at pabalyang isinara ang pinto. tila nanlumo ako sa aking sitwasyon wala na atang pag-asang bumalik pa ang masaya naming pagmamahalan namin ni Angela, Nagtungo ako sa counter bar, at kumuha
nang isang boteng whiskey."

Gusto kong magpakalasing ngayon upang makalimot pansamantala sa aking pusong sugatan, gustuhin ko man itong sundan ngunit nakapag-isip ako na hayaan na lamang muna ito mag-isa. ayaw ko siyang pwersahin dahil baka mas lalo itong lumayo saakin, agad kong nilagok ang bote ng whiskey at hindi na sinalin pa sa baso.

gumuhit ang pait nito sa aking lalamunan sing pait ng aking nadarama. Sumagi muli sa aking isipan kung paano ako nito tignan, ni hindi manlang ako nito matitigan ng diretso sa aking mukha, tila nasaktan ako masakit pala buhat sakanya na makitang iniiwasan ako, parang pinaparating nito na wala siyang pakialam saakin.

Muli akong napatungga ng alak gumuhit muli ang pait nito, naisipan kong tawagan si xandro kailangan ko nang makakausap upang mawala ang bigat dito sa puso ko.

Dinampot ko ang phone ko at dinialed ang number ni xandro, Three times kong inulit muli ang pagdialed dahil hindi nito sinasagot ang tawag ko.

Marahas akong napabuntong ng hininga
at binitawan nalang ang phone, marahil
ay busy ito sa paghabol kay seyra.

Buti pa ang kaibigan ko, mukhang may pag-asa eh! Ako kaya.?

Mapait akong napangiti habang napailing. tinungga ko muli ang bote at tila nakakaramdam na ako nang pagkahilo, dahil sa sobrang tapang nito hindi ko manlang ito nilagyan ng ice, kaya Sobrang pait ng lasa nito at madaling maka tama.

Naka isat-kalahati na ako ng bote at pinasya kong huwag ng ubusin ito. marahan akong tumayo ng pasuray-suray papunta saaking silid. Pabagsak kong inihiga ang aking katawan sa kama at ipinikit ang mugto kong mga mata, mga ilang minuto din akong nakapikit at sumagi sa isipan ko ang maamong mukha ni Angela, pinasya kong puntahan ito sa kanyang unit. dahil hindi ko naman magawang makatulog at nasa isip ko lagi ito. wala na akong pake kung magalit pa ito saakin. Basta ang mahalaga ay makita ko siya.

Marahan kong binuksan ang unit nito gamit ang aking access, bumungad saakin ang madilim nitong loob. Kinapa ko muna ang switch and then I press , isang tahimik at nakakabingi ang bumungad saakin.

Napasadahan ko ang aking relong pang bisig, it's already 7pm. halos pitong oras nadin ang nakalipas simula ng lisanin nito ang kanyang unit. Nagtungo ako sa kanyang silid. Amoy ko agad ang mabangong nitong lavander air freshener." ito ang malimit niyang inispray sa kanyang silid, napangiti ako tila hindi niya pa nakakalimutan ang mga hilig niya before.. kahit wala na siyang matandaan sa kanyang katauhan.

Nahagip nang paningin ko ang phone nito sa kama, tila na iwan niya ito sa kanyang pagmamadali kanina.

Damn! She forgot her phone.

marahan kong dinampot ito, at inilapag nang maayos sa ibabaw nang tokador.

Napaupo ako sa kama nito at waring inaamoy ang mahalimuyak nitong bango nanuot pa ang amoy ng baby ko sa kanyang kumot. Sinisinghot singhot kopa ito, nahihibang na naman ako. Akma na sana akong tatayo ng mag vibrate ang phone nito sa tokador.

Nagdalawang-isip pa ako kung dadamputin koba ito dahil baka magalit ang baby ko pag pinakialaman ko ang gamit nito, pero nagpasya padin ako na silipin ang caller nito.

Agad nagdilim ang paningin ko at tila na wala ang pagkahilo ko dala nang alak ng
bumungad saakin ang 30 miscall nito.

it's Ethan, why is he calling my baby."
Ani ko sa nangangalit na ngipin.

HIS OBSESSION: Matteo Altamirano (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon