Chapter 2

1 1 0
                                    

“MISS, ayos lang po kayo?”

Natauhan si Jacky nang marinig ang boses ng lalaking museum guide na iyon. Bahagya siyang nahiya nang makitang halos nasa kaniya na ang atensiyon ng mga nakakakita sa kaniya. Nakaupo na kasi siya sa tapat ng vintage clock.

“I-I’m alright.” Mabilis siyang tumayo sa kahihiyan.

“Sure po kayo? Bakit kayo umiiyak?”

Hinawakan niya ang sariling pisngi, saka lang niya napagtantong umiiyak nga siya.

“A-ano, napuwing lang! At saka, nagandahan ako sa vintage clock na ’to kaya natumba ako,” awkward niyang sagot.

“Ah, akala ko po, masama ang pakiramdam niyo,” wika ng guide. “Kung interesado kayo sa vintage clock na ’to, let me tackle about this to you, Miss, may kaunting alam ako tungkol sa legend nito, eh.”

“S-sure.”

“Alam niyo po bang may nakaukit na Hapong salita sa likod nito na ‘anata o aishiteru’ na ang ibig-sabihin ay ‘mahal kita,’ na sinasabi lang para sa asawa o kasintahan sa Hapon?”

“Natural, hindi.”

Napakamot ng ulo ang guide. “Ang vintage clock na ’to ay pinangalanan naming ‘Hour Of Memories,’ nanggaling pa noong 1945, at isang Hapon ang nagmamay-ari—”

“Wait, Japanese ang may-ari pero bakit nasa Philippine National Museum?”

“Dahil Filipina ang asawa ng Hapong iyon. Handmade clock niya ito para sa asawa niya, pinaniniwalaang ganito kalaki ito upang may pagtataguan ang asawa niya sa tuwing bibisita ang mga kasamahan niya sa kaniyang bahay. Ang Hapong iyon kasi ay isang sundalo.”

Hindi na nakapagtataka para sa kaniya kung bakit kailangang magtago ng Filipinang asawa ng Hapon sa kuwento ng guide, dahil sa taong 1945, hawak ng mga Hapon ang Pilipinas at ang karamihan sa mga kababaihan ay naging comfort women.

Habang nakikinig siya, tila naninikip din ang kaniyang dibdib, pakiramdam niya ay sariling istorya niya ang pinapakinggan, kaya kaagad niyang nilihis ang topic.

“Magkano ba ang vintage clock na ’to?” she asked.

“Ah, PHP 200,000 po.”

“Puwedeng ipa-deliver bukas? Bibilhin ko.”

Nanlaki ang mga mata ng guide. “Seryoso po bibilhin niyo? Pero sa sabado pa po ang delivery day namin, ayos lang po ba?”

“Okay, walang problema.”

“Kung gano’n, hali po kayo, dito ang fill-up-an ng form—”

“Mayro’n pa pala akong bibilhin, kapag wala pang nakabili sa ‘The Timeless Token’ at iyong ‘The Artist’s Heartbeat,’ bibilhin ko rin ang mga ’yon, then, sa iba-ibang address ipadadala.”

MATAPOS mag-fill up, hinanap niya ang dalawa at inaya nang umuwi. Hindi niya sinabing binili niya para sa dalawa ang painting at ang pocket watch.

Sa katunayan, hindi niya alam kung bakit gumastos siya ng malaking halaga para sa mga antique objects na iyon, pero dahil na rin sigurong ramdam niya ang pagka-attach nila sa mga ’yon. Nais niya rin namang bigyan ng regalo ang dalawa dahil malapit na ang pasko.

“Bukas ulit, ah. Mamayang gabi, chat tayo sa group chat regarding sa mga nakalap natin ngayon, aayusin ko pa sa notes ko,” pahayag ni Yllena.

Nasa tapat sila ngayon ng UST campus dahil doon na nagpahatid ang dalawa.

“Past muna ako, may date kami ng girlfriend ko mamayang 8 PM,” paalam naman ni Kent.

“Date sa gabi? Saan sa motel?” tanong niya sa binata.

“Wala kang pake,” sagot ni Kent sa kaniya.

“Paalala lang, huh, huwag kang gumawa ng eskandalo habang hindi pa tapos ang thesis natin.”

“Sino ka? Nanay ko?”

“Ayan na naman kayo, mabuti pa Jacky, pumasok ka na sa limo at umuwi ka na, baka hanapin ka na ng parents mo,” pagtataboy ni Yllena.

“What about you?”

“Malapit lang ang bahay namin ni Kent sa isa’t isa, don’t worry.”

“Okay, bye, see you tomorrow!”

PAGKAUWI niya sa bahay, matapos mag-hapunan at isagawa ang kaniyang night routine. Nag-open ng messenger si Jacky at kinumusta ang dalawa. Wala siyang natanggap na reply kahit lumipas na ang isang oras. Nanonood na lang siya ng video hanggang sa makataulog siya.

Kinabukasan ay gano’n pa rin, walang reply ang dalawa o kahit seen man lang sa chat niya. Napagdesisyunan niyang tawagan na lang si Yllena. Nakailang ring pa bago nito sinagot.

“Hello, Yllena, bakit ang tahimik mo sa gc kagabi, akala ko ba pag-uusapan natin ang tungkol sa thesis?”

“Kaibigan ba ’to ni Y-Yllena?” napakunot ang noo niya nang magsalita ang nasa kabilang linya. Hindi iyon si Yllena at halatang garalgal at galing sa pag-iyak ang babaeng may-ari ng boses.

“O-oo, sino ’to?” sagot niya.

“N-nanay ’to ni Yllena.”

“Ahm, nasaan po ba siya? Kailangan ko po kasi siya ngayon.”

“Si Yllena… patay na, hija.”

Nawalan siya ng sasabihin sa narinig. Humikbi ang nasa kabilang linya at siya naman ay napaluha.

“Ano p-pong ibig niyong sabihin?” Nanginginig na siya.

“Hindi na siya magising kaninang umaga, hija, sinugod namin siya sa ospital, saad ng doktor, c-cardiac arrest daw.”

Iyon lang at mabilis siyang naligo at nagbihis. Sa maikling panahon lang sila naging close ni Yllena pero pinahahalagahan niya iyon bilang kaibigan, kaya pupunta siya sa bahay nito.

Matapos nagbihis ay bumaba siya, didiretso na sana siya sa pinto nang salubungin siya ng kaniyang pinsan na nakikituloy sa kanila.

“Jacky, have you seen the news about your unforgotten crush?” tanong nito.

“H’wag muna ngayon ang chismis, Claire, nagmamadali ako.” Maglalakad sana ulit siya pero napahinto rin sa biglang sinabi ng pinsan.

“Hindi ’to chismis, okay. It’s about John Kenneth.”

“Si Kent?”

“Yes, sabi rito sa online news, natagpuan daw ang bangkay niya sa isang eskinita malapit sa isang kilalang club, walo ang saksak at wala ng buhay.”

Parang nabingi siya sa saad ng pinsan. Muli ay umanod ang kaniyang luha.

‘Why? Bakit ’to nangyari sa mga kaibigan ko? Hindi man lang nila natanggap ang mga regalo ko,’ lihim niyang saad sa sarili.

Nagpatuloy siyang lumabas na wala sa sarili. Ni hindi siya sumakay sa mga nakaparadang kotse nila sa car lot. Tuloy-tuloy siya palabas ng gate.

Lakad lang nang lakad siya hanggang sa makarating siya sa highway. Maga ang kaniyang mga mata at patuloy pa ring lumuluha. Nang bigla siyang tumawid habang hindi binabantayan ang mga kotseng tumatakbo.

In the blink of an eye, her life changed forever. She went from strolling down the sidewalk to lying battered and bruised in the middle of the road, a victim of a devastating truck accident. As she struggled to regain consciousness, the chaos unfolded around her– the cacophony of horns, the stench of smoke, and the eerie silence that followed.

REPLIKA NG KAHAPONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon