CHAPTER 3
“Serena! Serena! Gising!”
Hawak ng isang kamay ang ulo, nagtatakang bumangon si Yllena mula sa pagkakahiga sa isang kama na kakaiba ang disenyo. Maging ang kuwarto kung saan siya naroroon ay hindi rin pamilyar sa kaniya. Isang matangkad at maskuladong lalaki rin ang nasa harap niya ngayon at ang ekspresyon nito’y parang hindi maipaliwanag. Na-kidnap ba siya at dinala sa lugar na ito?
“Salamat at nagising ka na, Serena. Nag-aalala na ’ko nang sobra sa’yo.” Ramdam nga niya ang pag-aalala ng lalaking kaharap, pero sino ba ito?
“S-Serena?” puno ng pagtatakang sambit niya.
“Bigla ka na lang nihimatay kanina habang ipinipinta kita. Natakot ako, baka ano na ang nangyari sa’yo. Isusugod na sana kita sa ospital, mabuti na lang at nagising ka na.” Habang nagsasalita ito, napansin niya ang unti-unting pagliwanag ng ekspresyon nito. Para bang sa wakas ay nakahinga na rin ito nang maluwag.
“S-Sino ka? At bakit ipinipinta mo ’ko?” kunot-noong tanong niya.
“Si Reden. Hindi mo ba ’ko nakikilala? Teka, tumama ba ang ulo mo no’ng natumba ka kanina?” natatarantang wika nito, kasabay ng pag-angat nito ng kamay. Akmang hahawakan nito ang ulo niya pero hinawi niya agad ang kamay nito. Nabalot ng pagtataka ang katauhan nito dahil sa ginawa niyang iyon.
“N-Nasa’n ba ’ko? Ano’ng ginawa mo sa’kin?” Bagama’t nakararamdam na siya ng takot, sinusubukan pa rin niyang kumalma at huwag maghisterikal. Tumayo siya, pero bahagya siyang na-outbalance dahil sa pagkahilong nararamdaman. Agad naman siyang inalalayan ng lalaki, pero nang matantiya niyang kaya na niya, itinulak niya ito nang bahagya palayo sa kaniya.
“Gusto mo bang tingnan ’yong ipinipinta ko? Hindi pa tapos pero—” Hindi na nito tinapos ang sinasabi nang magsimula na siyang maglakad palabas ng kuwarto. Agad naman itong sumunod sa kaniya at inantabayanan siya.
Pagdating sa sala, isang lalaking humahangos at tagaktak ang pawis ang sumalubong sa kanila. Natakot siya kaya napaatras siya nang bahagya.
“Nagdeklara na ng martial law si Pangulong Marcos,” puno ng pag-aalala ang boses nito habang nakatingin sa lalaki na nasa tabi niya. Pagkatapos ay bumaling naman ito sa kaniya.
“Marial law? Pangulong Marcos?” puno ng pagtatakang tanong niya. “Bakit, ano’ng nangyari sa Pilipinas? Hindi ba’t ang sigalot sa Scarborough Shoal ang dapat niyang pagtuunan ng pansin? Bakit kailangan pa niyang magdeklara ng martial law? May kinalaman ba ito sa dating Pangulong Duterte?” sunod-sunod na tanong niya. Subalit sa halip na sagutin siya ng dalawang lalaki, bumaling lang ang mga ito ng tingin sa kaniya nang magkasabay habang nababalot ng pagtataka ang ekspresyon ng mga ito.
“Ano’ng sinasabi mo, Serena? Anong Scarborough Shoal? Sinong dating Pangulong Duterte ang tinutukoy mo?” tanong ng lalaki na nagpakilala sa kaniya kanina bilang Reden.
Hindi na siya nakasagot sa mga tanong nito nang matuon ang atensiyon niya sa kalendaryo na nakadikit sa dingding.
“September, 1972?”
“Bakit Serena? Ano ba’ng nasa isip mo?” Hinawakan na siya ni Reden sa magkabilang balikat habang nagsasalita ito.
Hindi siya makasagot. Hindi niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Paulit-ulit niyang sinampal ang sarili sa pag-aakalang nananaginip siya pero walang pagbabago na naganap.
“Ano ba ang nangyayari sa’yo, Serena?” mas lalo pang tumindi ang pag-aalala nito sa kaniya habang pinipigilan siya sa ginagawang pagsampal sa sariling mukha.
“Kapitan Rentoria, hindi magtatagal at siguradong ipatatawag ka na ng Heneral,” seryosong sabi ng isang lalaki na kay Reden nakabaling ng tingin. “Ano’ng gagawin mo sa kaniya?” medyo pabulong ang huling sinabi nito pero malinaw pa rin itong nakarating sa pandinig niya.
Natigilan ang lalaking katabi niya at pagkatapos ay nagpakawala ito ng malalim na buntong-hininga.
“Baka bigla ring pumunta ang heneral dito. Hindi niya puwedeng makita si Serena na naririto,” patuloy ng lalaki na tila ba lalo ring tumindi ang pag-aalalang nararamdaman.
“Hindi ako si Serena! At hindi ko kayo kilala! Imposible ’to. Imposible na mangyari ’to.” Nagsisimula na siyang mag-histerikal nang biglang bumukas ang pinto. Puwersahan itong binuksan ng kung sino man ang nasa labas. Ilang sandali pa’y tatlong lalaki ang pumasok sa loob. Dalawa sa mga ito ay armado ng M16 riffles at agad na tinutukan si Reden at kasama nitong lalaki.
“Sinasabi ko na nga ba’t nandito ka, Serena,” may bahid ng galit na sabi ng medyo may edad nang lalaki na walang dalang armas. Kasabay ng pagsasalita nito ay ang pagkuha sa isa niyang kamay at hinila palayo kay Reden. “Sumama ka sa ’kin at uuwi na tayo,” matigas ang boses na wika nito habang pinanlilisikan siya ng tingin.
“Sandali!!! Hindi nga ako ako si Serena!” sigaw niya matapos kumawala sa pagkakahawak ng lalaking medyo may edad na. “At ikaw, sino ka naman?” baling niya rito. “Naguguluhan na ’ko. Sino ba talaga kayo?”
“Ano ba’ng ginawa sa’yo ng lalaking ’yan at pati ako na ama mo ay parang ayaw mo nang kilalanin,” pasigaw din na sagot nito sa kaniya.
“Ama?” naguguluhan pa rin na wika niya.
“Oo, Serena! Ako ang ama mo, kaya ako ang dapat mong piliin kaysa sa lalaking ’yan!” pasigaw pa rin ang boses na sagot nito sa kaniya.
“Napag-usapan na natin ’to, ’di ba, Serena? Ama mo pa rin siya kaya—” Si Reden ang nagsalita pero hindi na nito natapos ang sinasabi nang magsalita ang lalaking nagpakilala na ama niya.
“Tumigil ka dahil kita kinakausap!” Dinuro pa nito si Reden habang nagsasalita at pinanlilisikan ng tingin ang lalaki.
“Shut uup! Tumigil na kayo!” malakas na sigaw niya. “Hindi ko na talaga maintindihan. Hindi ko na kaya ’to,” patuloy niya habang hawak ng dalawa niyang kamay ang kaniyang ulo. Hanggang sa unti-unti siyang nakaramdam ng panghihina at napaupo na lang sa sahig. Hindi rin nagtagal at tuluyan siyang bumagsak.
Nagising siya na ramdam pa rin ang pananakit ng ulo at napansin niya na may benda na rin ito. Inilibot niya ang kaniyang tingin at napagtanto niya na nasa ibang lugar na siya. Gusto niyang bumangon para alamin kung nasaan siya pero sobrang sakit pa rin ng ulo niya, at nagdudulot iyon sa kaniya ng pagkahilo.
“Gising ka na pala, Anak,” Isang boses ng ginang ang narinig niya na nagmula sa likod ng kurtinang nagsisilbing partisyon ng kuwartong kinalalagyan niya. Nakangiti ito habang lumalapit sa kaniya at may dala-dalang mga pagkain na nakalagay sa isang tray.
“Mama—”
BINABASA MO ANG
REPLIKA NG KAHAPON
أدب تاريخيBLURB: Jacky, the wealthy delinquent, Yllena, the smart one, and Kent, the rebellious outcast, are unexpectedly bound by their thesis project related to the Philippine National Museum. At an exhibit, they stumble upon three antique objects that eeri...