Simula

20 2 0
                                    

Interaction





Sa labas ng isang sikat na hospital ay nakatayo ang magandang dilag na nagmamasid sa paligid. Maulan ngayong araw at sobrang dilim din dulot ng bagyo.



Pinapunta siya ng kanyang ama rito para makalakap ng balita mula sa pagtaas ng rate ng hospital na pinamamahalaan ng kanyang ama. Ayaw man niyang pumayag dahil may kailangan pa siyang puntahan subalit nagtagis ang ama na kahit saglitin lamang ito.



Kaya wala siyang nagawa kundi ang sundin ito.



"Miss, okay napo. Pwede na kayong umuwi." Sambit ng staff sa dalaga. Agad naman niya itong tinanguan.



"Advice me whenever what's going on here." Sambit pa nito.



Yumukod naman ang babaeng staff sa kanya.

"Makakaasa kayo young lady." Tugon naman ng staff.



Hindi na niya pinalampas ang oras at agarang pumunta sa may parking lot upang makaalis dahil may isa pa siyang importanteng pupuntahan.



Isang school kasi ang nag-alok sa kanya na maging professor, isang sikat na school sa buong pilipinas na siyang pagmamay ari din ng kamag anak nila. Noong una ay ayaw niyang kausapin ang dean na tumawag sa kanya kahapon ng umaga subalit, sinabi nitong nakausap na raw ang daddy niya kaya naman no choice din siya kundi ang puntahan ito.



She's a daddy's girl, kaya kahit na anong ayaw niya kung gusto naman ng ama ay wala siyang magagawa kundi ang sundin ito.



Simula pa kasi noong maliit pa siya ay ang kanyang ama na ang lagi niyang kasama dahil sa bata pa lamang siya ay iniwan na siya ng kanyang ina. Tanging mga pinsan nalang at ang ama ang nakasama niya sa buhay.



Matagal narin siyang humiwalay dito ng tiraham at nagpakalayo layo pero ng malaman niyang may malubhang sakit ang ama ay napilitan siyang tumuloy dito, sa mansion.



Hindi lang siya ang mag-isa ron kundi naron din ang ibang katulong nila. Ngayon, siya ang naatasan na mamuno sa lahat habang nagpapagaling pa ang ama niya sa ibang bansa.



Hindi man niya gusto ang ganitong buhay pero ito na ang nakatadhana para sa kanya. Tamang gawin nalang ay sundin ang lahat upang hindi magkaroon ng magulong buhay.



Sa kalagitnaan ng kanyang paglalakad ay siya namang pagbaling niya sa isang direksyon kung saan may naaninag siyang isang pigura.



Dahil sa curiosity ay nagtago siya sa isang poste na nakaharang mismo sa sasakyan niya at sa pagitan ng nakita niya.



Sa dulong bahagi ng pasilyo ay may isang dalagang nakaupo sa malaking bench tower. Hindi niya makita ng husto ito dahil sa soot niyang lense pero kita niya mula sa kinaroroonan niya na kumakain ito.



Why she's alone? Tanong niya sa isip.



Hindi naman niya masabing baliw ito dahil sa postura ng dalaga na siyang nagpapukaw din ang atensyon niya. Dahil sa limitadong oras ay napagpasyahan niya ng lumakad pero agad din siyang napabalik ng makarinig siya ng paghangos.



Muli, napatingin siya sa kinaroroonan ng dalagang nakita niya. Labis na gulat at pagtatakha niya ng makita itong umiiyak, umiiyak habang kumakain sa baonan nito.



Nahabag siya sa kalagayan nito at may kung anong gusto siyang ilabas sa loob loob niya.



Gusto niyang lapitan o kung ano man ngunit nababahala siya sa oras na baka kung anong oras na siya makarating sa paroronan niya. Kaya kahit gustuhin man niyang tanungin ito ay ipinagpasawalang bahala nalang niya at tuluyan ng umalis.






Secret Recipe ( GL ) [ Ongoing ]Where stories live. Discover now