Kabanata 2

10 1 0
                                    

Raining







Nasa byahe na kami, papauwi sa bahay. Gustuhin ko mang huwag niya akong ihatid pero siya itong mapilit. Hindi ko alam kung trip niya lang ba o sadyang nagmamabuting loob siya dyan dahil sa guilty siya sa pagbibigay ng punishment samin kanina.


Also, dumaan din kami sa grocery to buy some medkits para sa sugat ko na ginamot niya sa loob ng kotse.


Kanina sa police station nang makarating kami ay hindi pa man kami lubos nakakapasok sa loob ng nasabing station ay parang aligaga na ang lahat ng tao sa loob.


Halos lahat sila ay hindi magkanda ugaga sa paglalakad at pag-aassist saming dalawa. Titig na titig din sila sa kasama ko na kala mo ay nakakita ng fashion celebrity.


Sa loob ng isang kwarto ay nag file kami ng case para sa sexual abuse at harassment, hindi ko alam kung nakaayon ba sakin yung oras pero nung sinabi ng isa sa mga police officer na busy daw ang chief at hindi daw kami maasikaso agad ay parang may mabilis na hanging ang umihip ng makita kong binulungan siya ng isa niyang kasama at biglang sabihing sandali lang daw at tatawagin ang chief.

Matapos non ay pinadiretso na kami agad para makausap at makapag file, sobrang bilis lang kung tutuusin at sinabi pang hindi daw sila makakapayag na hindi makukulong yung tatlong lalaking nangharass sakin kanina.


Nangangamba ako hindi dahil baka makulong sila kundi dahil sa tumatakbong oras na kanina pa dapat ako nasa bahay, tyak akong nag-aalala na yung nanay ko.


Ni hindi pako nakapag text man lang kung nasan ako, talagang mag-aalala yun.


Kaya naman, kahit hiyang hiya na ako ay nagsabi nalang ako na gusto ko ng umuwi dahil feeling ko hanggang bukas pa yung paguusap nila nung chief na kausap namin.


Hindi ko alam kung magkakilala ba sila o sadyang seryoso talaga siyang magsampa ng kaso?


Pero bahala na kailangan ko ng umuwi dahil panigurado nag-aalala na yung nanay ko.


"Ah, pakiliko sa kanto." Sambit ko sa kanya na agad naman niyang ginawa.


Kanina pa yan, pagkatapos namin sa station ay hindi na siya ulit muling nagsalita. Halos sa buong durasyon ng byahe ay ako lang ang nagsasalita saming dalawa.


Back to Ms. Zevana na naman siya, hindi tulad kanina na parang siya si Louis sa sobrang pag concern niya sakin, lalo na sa sugat ko.


Hindi siya makatingin sa sugat ko ng diretso at parang naduduwag siyang hawakan ako o sa mas madaling salita ay para siyang takot sa dugo na ewan.


Hanggang ngayon hindi ko parin maiwasang hindi magtaka kung bakit niya ako tinulungan sa kabila ng pagsusungit niya sakin kaninang umaga dahil late lang ako sa klase niya.


Pero mas lalong hindi mawala sa isip ko yung kulay ng mga magagandang mata niya na halos sa buong buhay ko ay ngayon lang ako nakakita.


"Ah, dun sa kaliw—"


Akmang pipihitin kona sana yung manibela para lumihis yung sasakyan ay saktong umikot din yun at hindi sinasadyang kamay niya ang mahawakan ko.


Hindi kona naituloy ang anumang gusto kong sahihin ng marealize ko kung gaano kalamig yung bagay na hinawakan ko. Muli akong napatingin ron at natuklasan kong kamay niya mismo ang nahawakan ko.

Pero, sobrang lamig. Akala mo metal yung bagay na nahawakan mo sa klase ng lamig ng kamay niya.


Hindi na ako muli pang nagsalita dahil sa huling kantong nilikuan namin ay naron na ang bahay namin.


Secret Recipe ( GL ) [ Ongoing ]Where stories live. Discover now