Chapter 2

5 4 0
                                    

First Meet

"You should use the flo apps to know when will your period come atleast you'll be ready for that" saad nya habang nasa mcdo kami, nakaupo habang kumakain.

napatango tango ako
"sige mag d-download ako nyan pero teka lang sino kaba?" tanong ko dito dahil kanina pa kami magkasama pero hindi ko manlang alam pangalan nya

" you're interested about me huh" mapaglaro nyang sabi na ikinangiwi ko

assuming!

pasalamat ka gwapo ka at tinulungan mo ako kanina hmp!

"ako magkakaroon ng interest sayo?? wish mo lang " nabatukan ko sya ng wala sa oras dahil bigla syang nagdasal at ipinikit ang mga mata nya

"ouch what was that for?" aniya na tila walang alam

"bakit ka kase nagdadasal dyan? kung kailan patapos na tayo kumain tyaka kapa magdadasal" ani ko at uminom ng tubig

" you said 'wish mo lang' kaya ayun nagdasal ako at nag wish" napakunot ang noo ko at napailing iling sakanya

Pero maya maya pa ay tumunog ang aking cellphone kaya kinuha ko agad ito at nakitang nag text si Alen

Valentina :
andito na ako sa mcdo  Aria, asaan kana?

ako:
nasa loob ako alen patapos na kumain, antagal mo kase eh!

Tinago ko na ang cellphone ko matapos mabasa ang paghingi nya ng sorry saakin dahil late na daw sya dumating

what would i expect to her? eh palagi naman syang late eh kaya siguro late nyang na re realize na niloloko lang sya nang nobyo nyang si mark

napabuntong hininga ako at napatingin kay Venzarro na nakatitig na saakin

napataas ang kilay ko sakanya

"sungit" mahina nyang bulong ngunit hindi ito nakatakas sa pandinig ko

"assuming" ganti ko dito

"Aria! sorry late ako" napatingin ako sa entrada ng mcdo nang maka pasok si valentina

she looks stunning in her long pink dress

"ano pa nga ba? o'sya tara punta na tayo doon sa bahay ng amo mo-" naputol ang sasabihin ko nang mapunta ang tingin nya kay Venzarro at bahagyang nanlalaki ang mga mata

"S-sir? g-good afternoon po" ani nya na may pag galang at yumuko

my jaw drop because of what i heard

did she just call Venzarro 'Sir?'

napatingin ako kay Venzarro na mataman lang syang nakatitig kay Alen na para bang kakain nya ito ng buhay kahit hindi naman

"so what are you doing here?" bakas sakanyang boses ang lamig

Ang kaninang mapaglaro at mapang-asar nyang boses ay biglang nawala

"a-andito lang po ako para sana sunduin si Aria,Sir"

"and why?"

"k-kase po balak nya po sanang mag trabaho bilang katulong po" kinakabahan nyang ani

nagpalipat lipat ang tingin ko sakanilang dalawa

"then she's hired" my jaw drop because of what i heard

"w-weh Venzarro? totoo?-" naputol ang sasabihin ko ng marinig na nag ehem si Alen

"i-i mean sir, t-totoo po ba?" ani ko sa napaka sayang boses

"yes Derana your hired but please don't call me sir, im going to sick when you call me sir" strikto nyang pagsabi

napanguso ako "what should i call you then? maam?" natawa ako sa isip ko matapos sakanya sabihin ang mga katagang yon

"Just call me by my name" simpleng aniya  bago tumayo

"let's go to my brother's house no Derana and Valentina you can go back to the mansion" strikto nyang sabi na para bang kapag sinuway mo ito ay kakainin ka nya ng buhay

"o-okay sir" ani ni Valentina at ngumiti saakin na ginantihan ko lang ng matipid na ngiti

"what was that Sir- i mean Venzarro?" tanong ko matapos maka sakay sa kotse nyang mamahalin at napaka ganda

"wala yun" ani nya at sinimulan nang paandarin ang sasakyan

Tahimik ang buong byahe at ni isa saamin walang nagtangkang mag salita not until na magtanong ako

"bakit tayo pupunta sa brother mo Venzarro?"

"Sya ang magiging amo mo and don't worry about him hindi sya nangangagat at mabait naman yun"

"really?" tanong ko pa dito

"yes, really" muli na namang nabalutan ng katahimikan ang paligid matapos nyang sabihin yun

maya maya pa ay huminto kami sa isang mansyon na napaka laki

napanganga ako dahil sa laki nito at napabaling kay Venzarro

"sya lang nakatira dyan? ang laki naman nito"

"yeah sya lang na katira dyan kaya nga naghahanap kami ng katulong para may maglilinis ng bahay nya at makakasama sya"

napatango tango ako sa narinig at napabaling sakanya ng magsalita sya

"let's go?" aniya at lumabas na at isinarado na ang pinto ng sasakyan tyaka umikot para pag buksan ako

"h-hindi mo naman kailangang gawin a-ang bagay na yan-" napako ang mga mata ko sa kamay nyang nakalahad sa harapan ko

"daming satsat" rinig kong sabi nya ngunit ang mga mata ko ay nakatuon lamang sa mga kamay nyang nakalahad parin

wala sa sarili akong napahawak roon

"you ready?" isang beses akong tumango bilang sagot sakanya nang makalabas na kami ng kotse nya

wala pa man kami sa loob ay meroon na kaming naririnig na boses ng babae pero teka parang . . . . . . . . . . . . umuungol?

bumaling ako kay Venzarro ngunit nakita kong nakatitig sya sa pintuan kaya naman ng tumingin ako roon ay dahan dahan itong bumukas at tumambad saamin ang isang lalaki na walang saplot na pang itaas at ang kaninang ungol na naririnig namin ay biglang nawala

napatingin ako kay Venzarro ng magsalita sya

"brother"

Between Two HeartsWhere stories live. Discover now