Kevin's Pov
Hindi na sya yung nakilala kong wesley nuon sa rooftop , ibang iba na sya simula nung mapasama kami sa grupo nila john at nakilala si sabrina , hindi ko ginusto na kamuihan ka wesley pero sa mga inaasal mo ngayon saakin masasabi ko na iritang irita ako sayo.[[FLASHBACK THE TIME I MET WESLEY]]
I'm going to the rooftop at this time para sana magpahangin ng makita ko naman na may isang lalaki na pinag kakaisahan ng mga sigang estudyante ang isa pang lalaki na naka hoodie na may hawak ng libro , ayoko na sanang makigulo pero hindi na napigilan ng konsensya ko kaya naman inagaw ko ang atensyon ng mga estudyante sa pamamagitan ng video clip.
"Guys ayan nanaman sila may pinagkakaisahan nanaman sila" Ulat ko habang kinukunan sila ng video
"Ikaw nanaman ha kevin?!" Sambit ng isang lalaki na may suot ng kupya
"Boom , guys kilala nyo sila diba , mag hi ka naman sa vlog ko para maisend ko sa office" sambit ko na walang takot , alam ko kasi na pwede nila akong abangan pero wala akong pakealam kung abangan nila ako ang mahalaga saakin mabali ang atensyon nila dito sa wirdong lalaki na ito.
"Hoy , hindi ba kayo titigil ha , kung akala nyo natatakot ako sainyo pwes hindi , mamili kayo . titigil kayo sa mga pinag gagawa nyong ito o ipopost ko itong video sa social media makikita ng lahat ang baho ng mga pag mumukha nyo at syempre kayo din naman ang masisira dito sa east frod ano mamili kayo handa na ako na ipost ang video na ito' Dagdag kong banta sakanila kaya naman napilitan sila na tumigil kaya binalik nila yung wallet nung lalaki
"Mga duwag naman pala" sambit ko saka lumapit sa lalaki
"Bakit mo ako tinulungan , mas lalo mo lang pinalala , sigurado na hindi ka naman nila gagalawin ako padin naman" sambit ng lalaki habang tumatayo ito
"At hindi mo man lang pinag laban ang sarili mo" sambit ko
"Wala din naman akong laban sakanila sakaling labanan ko sila , anong laban ko apat sila at nag iisa lang ako" sambit ng lalaki
'Ang sabihin mo hindi ka lang marunong makipag laban , samadaling salita naduduwag ka" Deretso kong sambit sakanila , hindi ko alam bakit ko sya sinabihan nito pero sana maging aral to sakanya
"Hindi mo naman kasi ako katulad kaya at kung akala mo na naduduwag ako pwes hindi ayoko lang na maduihan ang record ko dito sa east ford" Paliwanag ng lalake saka nag lakad papunta sa pintuan ng rooftop para bang iiwan ako dito sa rooftop
"Hoy hoy teka , hindi ka man lang mapapakilala saakin at mag papasalamat sinagip kaya kita" Reklamo ko , sa panahon kasing ito wala pa akong kilala sa mga mag aaral dito matagal na akong nag aaral dito pero wala akong kilala kaya naman sinusubukan ko na makipag kaybigan sa mga ibang estudyante
YOU ARE READING
Compassion Eyes
RomanceA group of men are pursuing justice for a woman named Sabrina who fell in love with a man who has been blamed for pushing Sabrina to kill herself.