CHAPTER 2 : Am I falling to her?

61 23 11
                                    

Kevin's Pov

Naka uwi na ako galing school at nadatnan ko si mama na nag luluto ng miryenda sa kusina.

"Nandito na po ako ma" Nilapitan ko si mama at nag-mano saka kumuha ng malamig na tubig sa ref

"Kamusta sa school anak?" tanong nya saakin

"Okay naman po ma , remember tita alice and tito roy yung anak nila si laurence kaklase ko po and may mga girl bestfriends sya sila cally at hanna mababait po sila , saka nag try out po ako sa basketball sa school nalaman po kasi nila na player ako sa east ford kaya pinag tryout nila ako" sagot ko kay mama

"Good news yan ha , alam mo anak kung nandito lang ang papa mo for sure  proud yun saiyo" Sambit nito

"Alam ko naman ma kahit wala man sya o hindi na natin nakakasama alam kong proud sya sa taas" 

"Hm kamukang kamukha mo talaga ang papa mo ano halika nga" Niyakap naman ako ni mama 

"Aakyat muna po ako sa taas ma , para mag palit" Paalam ko kay mama

"osige anak" Sabi naman ni mama

Dali dali na akong umakyat sa taas para mag palit ng damit para na din maka higa ako ng konti masakit ang buong katawan ko napasobra yata ako sa laro 

Nang maka rating ako sa kwarto ay humiga ako kaagad sa kama ko , habang naka higa naman ako biglang may nag message saakin galing sa isang dump account na walang mukha at hindi pamilyar ang pangalan nito.

The message

Dump: ganyan kana ba kaduwag ,para lumipat ka ng school?

Kevin: ?

Dump: wag kang feeling inosente na parang wala kang alam sa ngyare.

Kevin: do i know you, di ako feeling inosente, kaya pwede ba wag ka din feeling victim.

Dump: alam ba ng mga kaibigan mo yung ginawa mo dito sa east ford?

Kevin: kilala na kita kung sino ka. Tumigil kana john

Dump: john mo mukha mo, nakukunsensya kaba sa ngyare kaya ka nagtransfer?

Kevin: wala akong kasalanan sa ngyare. Sya may gawa nun sa sarili nya.

Dump: ikaw nagtulak sakanya para gawin yun.

Hindi nako nagreply sa dump account na iyon at inad kona agad sa blocklist 

Napa buntong hininga naman ako at nag palit na ng damit pagatapos ay lumabas ako ng terece lumanghap ako ng sariwang hangin at tumingin sa paligid at napapikit ako habnag kinakalma ang sarili

'Hindi mo kasalanan yun' sabi ko sa sarili ko at bigla namang may tumulong luha mula sa mga mata ko

"I'm so  sorry sab , hindi ko akalain na magagawa mo sa sarili mo yun" 

Ilang sandali pa ay may kumatok sa pinto ko kaya napa punas ako ng luha

"Anak luto na ang miryenda mo" 

"sige po ma baba na din po"

Next Day

----------

Cally's Pov

Hinatid na ako ni manong berting sa school , at nagtaka ako wala si laurence kaya mag isa muna ako umakyat sa 2ndfloor  pag dating ko sa room si hanna palang ang nasa room

"o mag isa ka yata?" Tanong ni hanna,

"nakakapanibago nga eh wala si laurence" sagot ko 


Compassion EyesWhere stories live. Discover now