PROLOGUE

30 1 0
                                    

Copyright © 2016

All rights reserved. No part of this work may be reproduced, distributed, or transmitted in any form or by any means, including photocopying, recording, or other electronic or mechanical methods, without the prior written permission of the author, except in the case of brief quotations embodied in critical reviews and certain other noncommercial uses permitted by copyright law. For permission requests, don't hesitate to write to the author.


- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - 


"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday! Happy birthday Kean!" Napaka ganda talaga ni Kean lalo na kapag tumatawa siya. Masaya ako dahil masaya siya ngayong birthday niya.

"Thank you!"

"Go make a wish, love!" Dahan-dahan niyang pinikit ang kanyang mga mata at humiling. Alam ko marami siyang gustong hilingin lalo na ngayon na wala na kami sa poder ng mga magulang namin. Mahirap ang sitwasyon namin ngayon at alam ko rin na nahihirapan siya dahil hindi ganitong klaseng buhay ang kinalakihan niya.

"I love you, Nate." Napangiti ako bigla sa sinabi niya. Bading man pakinggan pero kinikilig ako, sobra.

"I love you more, Kean."

Napuno ng mga bisita ang apartment na tinitirhan namin ni Kean. Di maipagkakaila ang kasiyahan sa mukha niya habang abala siya sa pag aasikaso ng mga handa sa kusina.

Ngayong gabing ito, balak kong ayain na siyang magpakasal. Sabi ng mga magulang ko bata pa daw ako at si Maia kaya baka nabibigla lang kami sa mga desisyon na ginagawa namin. Pero alam ko sa sarili ko na hindi ako nabibigla at alam ko kung ano ang balak kong pasukin. Si Kean lang ang babaeng gusto kong makasama hanggang sa huli kong hininga.

Lalapit na sana ako kay Kean pero napansin ko na para siyang nahihirapan kaya napabalikwas ako at mabilis na lumapit sakanya.

"Kean! Ok ka lang ba? Anong masakit?"

"Nate! Wala namang masakit, medyo pagod lang siguro pero okay lang ako. Wag ka mag-alala, bumalik ka na dun sa mga bisita natin." Nakangiti siya habang pilit akong tinutulak palabas ng kusina.

Paalis na sana ako ng bigla na lang siyang bumagsak sa sahig. Dali-dali akong tumakbo palapit sakanya pero wala na siyang malay.

"Keandra! Wake up! Guys, tulong!" Isa-isang nagdatingan sa kusina ang mga kaibigan kong lalake. "Tumawag na kayo ng ambulansya!"

"Pare, wala tayong pambayad sa ambulansya!" Napalingon ako sa nagsalita. P*tang*na! Ngayon pa niya naisip bumanat!

"Akong bahala! Tumawag na kayo ng ambulansya! Kean, wake up! Please, tumawag na kayo!" Di ko mapigilan ang mga luha na pumapatak sa mata ko. Hindi ko alam ang nangyayari kay Kean. Para akong walang kwenta.

Wala pang isang oras dumating agad ang ambulansya. Hindi ako mapakali habang isinasakay si Kean sa loob. Nanlalamig ang mga palad ko at pinagpapawisan ako ng sobra. Mahina daw ang tibok ng puso nito. Hindi pwede 'to! Nagsisimula pa lang kami.

"Keandra! Wake up! Stop playing games!"

Habang binabaybay namin ang daan papunta sa ospital tinititigan ko lang si Maia, nakahawak ako sa mga kamay niya na para bang dun ako kumukuha ng lakas. Kailangan ko maging malakas.

It Might Be YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon