"..Kean..you're here.."
Yun lang ang sasabihin niya? Asang-asa nanaman ako. Oo, inaasahan ko na tatayo siya sa kinauupuan niya at yayakapin ako ng mahigpit na mahigpit. 5 years. That had been a very long time and I've really missed him. Inaamin ko, mahal ko pa rin siya.
Pero kasama nung pagmamahal na yun ay ang sakit. Hanggang ngayon nasasaktan ako kasi sumuko siya. Sinukuan niya ko.
"Yes, I'm back" pagtapos ko sabihin yun ay umalis na ko agad. Hindi ko siya kayang harapin. Pakiramdam ko sasabog ako kapag malapit siya sakin. Hindi ko pa kakayanin na makausap siya. I know that I need to act professionaly pero pasensya na at mukhang mahihirapan ako.
Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa office ni uncle. May ibang mga nurse tumitingin sakin at para bang sinusuri nila ako. Pagsakay ko ng elevator ay may nakasabay akong isang nurse na sobrang kapal ng make-up at para bang sinapak ni Pacman dahil sa sobrang pula ng labi nito. Tinitigan niya ko mula ulo hanggang paa at para bang kinukutya niya ako. Para siyang yung doktor kanina na babae, parehang mapag-mataas.
"Saan mo nabili yang Hermēs mo? Infairness ah, mukhang original ." napalingon ako dun sa nurse. Malamang ako ang kausap nito dahil dalawa lang naman kami dito sa loob ng elevator.
"Sa New York" all smile kong sabi sakanya.
"Cubao?" napakunot ang noo ko sa sinabi niya.
"Excuse me? What do you mean?" nakangiti pa rin ako kahit medyo nakakunot ang noo ko. Hindi ko ugaling magtaray dahil iniiwasan ko ang panget na impression ng tao sa paligid ko.
"New York, Cubao! Ano ba yan, ang bobo!" pabulong niyang sinabi ang huling sentence niya pero narinig ko yun. Aba't ako pa ang bobo! Nakakairita 'tong isang 'to ah. I laughed at her, yung tawang medyo mapangutya. Lumalabas ang pagiging maldita ko.
"My bag is from Madison Ave., New York and it's original. I know what you're thinking, miss." I smiled at her na saktong pagbukas naman ng elevator sa 7th floor kung nasaan ang office ni uncle.
Sadya talagang may gumagawa ng paraan para masira ang araw mo eh noh? Simula nung nag-aral ako sa ibang bansa ay pinilit kong alisin ang pagiging maldita ko pero sa tingin ko babalik nanaman yun dahil napapalibutan ako ng mga taong puno ng negative energy.
"Keandra, take a sit." sinunod ko naman siya at naupo sa tapat niya. "Your room will be on the 5th floor. You have a very spacious room dahil isa kang Immunologist and most of your patients are infants and school-aged childrens. Ikaw na bahalang mag-check kung may mga kulang pa then don't hesitate to tell me."
"Sige uncle. I'll just inform you kung ok na." tatayo na sana ako nang bigla uli siyang nagsalita.
"Are you sure na ok lang sayo ang magtrabaho dito? He's also here." napalingon ako kay uncle dahil sa sinabi niya.
"You already knew na nadito siya pero hindi niyo sinabi sakin?" hindi ako galit, nagtatanong lang ako. Sana man lang kasi sinabi nila sakin.
"I'm sorry, Keandra. Last week ko lang din nalaman na isa pala sa mga doktor ko ang lalakeng nan---"
"Forget that, uncle. Nangyari na eh. Mauna na po ako." hindi ko na siya hinintay na makasagot at lumabas na ko agad para makapunta na sa room ko.
Nang makaka-baba na ko sa 5th floor ay dumiretso ako agad sa bago kong clinic. Habang sinususian ko ang pinto ay may naramdaman akong taong nakatayo sa may likuran ko. Hindi ko na lang pinansin dahil baka nagbubukas lang din siya ng pinto ng clinic niya. May katapat kasing pinto ang clinic ko.
"Kean?" para akong nasemento sa kinatatayuan ko nang marinig ko ang boses niya. Anong ginagawa niya sa floor na 'to?
"Hmm?" hindi ko alam ang sasabihin ko!
"D-dyan ba ang clinic mo?" hindi ko pa rin siya nililingon dahil baka pag ginawa ko yun ay makita niya ang mukha ko na hiyang-hiya sakanya.
"Uhm, oo. Sige pasok na ko ah." hindi ko na hinintay na makasagot siya dahil hindi ko kailangan ng sagot niya. Pag tingin ko sa buong clinic ay natuwa ako.
May isang malaking play pen na nasa isang sulok, halos sakupin nito ang 1/4 ng clinic ko. May mga laruang pambata na masinsing nakaayos sa loob nito. Sa labas ng play pen ay may cabinet na lagayan ng mga sapatos na nakapwesto malapit lang sa pinto. Sa kabilang side naman ng play pen ay may private office. Pinasok ko yun at nakitang may kumpletong gamit na sa loob.
Naagaw ng isang picture frame ang atensyon ko. Picture namin ni Killian. Napangiti ako habang kinukuha ang frame. Hindi ko maiwasang ma-miss ang taong kasama ko sa litrato. Ang nag-iisang taong naging dahilan ng pag-bangon ko.
Natigil ako sa mga iniisip ko nang may biglang kumatok sa pinto ng clinic ko.
"Come in!"
"Good Morning po Dra. Ayo. Ididikit ko lang po ang room label niyo sa may pintuan." agad na sabi ng isang maintenance staff bago tuluyang gawin ang trabaho niya.
----------------------------------------
"I just can't believe na dito magta-trabaho si Kean!" kahit hindi ko sabihin, alam ko sa sarili ko na maski ako ay nagulat din nang bigla na lang -anunsyo kanina na magiging bagong miyembro ng ospital si Kean.
"She have changed." yun lang ang nasabi ko.
"Oo nga eh. Sorry dude, but she really looks so hot a while ago." nginitian ko na lang ang kaibigan ko. Pasalamat siya dahil kaibigan ko siya at wala akong karapatang pagbawalan lahat ng titingin kay Kean.
"Sabay tayong mag-lunch mamaya, wala naman na kong rounds." pag-iiwas ko sa topic dahil ayoko siya pag-usapan.
"Sige dude. Anyway, nakita mo na ba yung loob ng clinic ni Kean? Sabi nila, sakanya napunta yung one of the most spacious room dito sa hospital." mukhang interesado talaga 'tong kaibigan ko kay Kean.
"Dyan sa tapat ng clinic ko ang clinic niya. Talagang malaking space ang ibibigay sakanya dahil Immunologist siya. Mostly mga bata ang magiging pasyente niya."
"Tara! Punta tayo dun!" hindi na ko nakasagot pa dahil bigla na lang ako hinatak ng kaibigan ko.
Nang makalabas kami sa clinic ko ay agad na dumeretso si Ron sa tapat ng clinic ni Kean at kumatok.
"Come in!" narinig kong sigaw ng babae sa loob.
Medyo nabigla ako nang makita ang loob ng clinic ni Kean. Para itong isang play room ng mga bata.
"Baby, I have to go. I love you!" napalingon ako kay Kean. May kausap pala siya sa phone niya. She's smiling, a genuine smile.
"Hi guys! Sorry, I really have to take that call. So, anong ginagawa niyo dito?" bakit ganun, parang wala na akong epekto sa kanya?
"Hmm, gusto lang sana namin makita yung clinic mo." nakangiting sabi ni Ron.
"Oh sure. Feel free to rome around." sumunod si Ron nang pumasok si Kean sa loob ng kanyang office kaya sumunod na rin ako.
Nilibot ko ng tingin ang buong office niya. Kumpleto sa gamit at maayos ang pagkakalalagay nito sa kanya-kanyang pwesto. Naagaw ang pansin ko ng isang picture frame. Si Kean ang babaeng nasa picture at may kasama siyang batang lalake at mukhang masayang-masaya sila sa litrato na yun. Sino kaya ang batang yun?
"Kean, sabay ka na samin ni Nike na mag-lunch. Dun tayo sa restaurant sa may kabilang kanto."
"S-sige. Tara!" nauna nang lumabas si Ron sa office ni Kean pero nung ako na ang lalabas ay sinipat ko muna ang litrato.
Sino ang batang yun?

BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceIt might take a day. It might a year, but what's meant to be will always find its way.