"Doc Nike!" napalingon ako sa taong tumawag sakin habang busy ako sa pagtingin sa list of patients na dapat kong bisitahin ngayong araw na 'to. Hindi ko mapigilang ngumiti nang makita ko si Aling Aileen."Good morning po! Kamusta na po kayo?"
"Eto masaya na kahit papano. Gusto ko lang sana iabot sayo itong dala kong pagkain bilang pasasalamat sa pagligtas sa buhay ng asawa ko." isa sa heart patients ko ang asawa ni Aling Aileen na nag-undergo ng CABG (Coronary Artery Bypass Grafting) nung isang araw lang.
"Maraming salamat po dito Aling Aileen."
"Hay nako kang bata ka, ilang beses ko na sinabi sayo na Nanay na lang ang itawag mo sakin diba? Tsaka kulang pa ang pagkain na yan para pasalamatan ka sa pagligtas sa asawa ko. Hindi ako nagkamali sa pagtitiwala sayo na ililigtas mo siya." napakamot ako sa batok ko kasi paulit-ulit niya nang sinasabi sakin yun.
"Nay ginawa ko lang po ang trabaho ko at tinupad ko lang po ang pangako ko sa inyo."
"Napaka-bait mo talagang bata ka. Kapag tuluyan nang gumaling ang asawa ko magkakaroon kami ng maliit na selebrasyon at sana makapunta."
"Sige po nay, susubukan ko." niyakap niya muna ako bago siya tuluyang umalis.
Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon dahil may nailigtas nanaman akong isang buhay. Masaya ako na nakikitang masaya si Nanay Aileen. Ramdam na ramdam kong mahal na mahal niya ang asawang si Tatay Bert. Ayon sa kanya halos dalawang taon na daw simula nung nagkasakit ang asawa pero hindi pa rin siya sumusuko at patuloy niyang sinasamahan at inaalagaan ito. I somehow feel empty right now. I can feel a hint of pain because of the regrets that I have. I've always been thinking about the 'what ifs'. Kung hindi sana ako sumuko.
"Doc Nike may urgent meeting daw po kayo mamayang 3pm." sabi ng isa sa mga nurses na nakasalubong ko. Tumungo lang ako at nagpatuloy sa pag-iikot. Kahapon lang nag-meeting kami tapos meron nanaman ngayon. Ano nanaman kayang pakulo ang nasa isip ng head department.
----------------------------------------
"Besty bakit ang ganda mo? Wala ka talagang kupas!" hindi ko naiwasang lumingon kay Aki na nakaupo sa sala ng bahay ko. Either may ginawang masama ang isang 'to o baka nababaliw lang.
"Anong nakain mo Akihiro? O baka naman may ginawa ka nanamang kababalaghan?" nakataas ang kilay ko while crossing my hands on my chest.
"Baliw! Nagagandahan lang talaga ako sayo! Alam mo, kung lalake lang ako tapos hindi kita kaibigan for sure I'll like you a lot!" napatitig ako sa kaibigan ko and I know that I have this comical look on my face. Hindi na niya naiwasan na humagalpak sa tawa at feeling ko nahihirapan na siyang huminga.
"Stop laughing Aki! Mamaya hindi ka nanaman makahinga niyan!" concern is written all over my face. Iba kasi si Aki pag nasobrahan sa emosyon.
"Hay nako bestfriend tara na nga ihahatid na kita sa Hospital!" daig pa niya ang batang ililibre ng balloon. She even managed to run fast papunta sa kotse. "Bilisan mo naman Doc Kean! This would be your first day! Nakakahiya naman kung malalate ka!" wala na kong nagawa kundi ang umiling at magmadali sa paglalakad.
After 30 minutes nakarating na kami sa hospital dahil hindi naman traffic. Habang papasok ay palinga-linga ako sa paligid. And with just one look masasabi talagang this hospital is indeed one of the best not only in the country but also all over Asia.
"Bestfriend aalis na ko. You know naman that I have stuffs to do para sa shop ko today. Trip ko lang talagang ihatid ka."
"Take my car with you Aki. Sabi ko naman kasi sayo wag mo na ko ihatid eh!"
BINABASA MO ANG
It Might Be You
RomanceIt might take a day. It might a year, but what's meant to be will always find its way.