Chapter 2 : Knight in Shinning Armor

805 34 1
                                    

Laleinzhie P.O.V

" hahahaha , lampa ! lampa! " sigaw nang mag bully kong mga classmate . May binubully sila ngayon , pinag titripan , pinapahirapan at higit sa lahat pinapahiya .

" Lein ! " sigaw sakin ni Nytnrex , isa syang normal student .

" Dumating ang Knight in Shinning Armor ni Nerdy Girl . How sweet " sabi ni Max , sya ang leader ng bully boys dito sa Campus namin , sa totoo lang ayaw ko mag aral dito but for the sake of my parents ginagawa ko .

Tinulungan akong itayo ni Nytnrex . Oo ako yung binubullly nang mga toh , lagi naman wala ng bago dun . Ako lang naman ang nag iisang nerd sa campus na toh , hindi ba agaw pansin . ang malaki kong Nerd Glas , pinasadya yun ni mama , may grado yun . hindi ako fashionista para maki gaya na mag susuot ng nerd glass . isa talaga akong Nerd .

No one knows that i exist ,

oo may nakakaalam , kaso mga bully . 

Priority ako ng school namin pan laban sa mga contest , of course BRAIN CONTEST , panget ako . hindi magnada , maliit ako . wala pang 5 feet yung height ko , tampulan ako ng tukso at pang aapi mula sa mga classmate ko , kahit nga kinder may nanghuhusga na sakin , wag daw silang lalapit sakin at may topak daw ako sa ulo . Laging naka pig tails ang mga buhok ko , hindi ako nag lulugay , ayaw ko din ng pony tail .

" Ano ba kasing PROBLEMA NYO kay Lein ?!" galit na sigaw ni Nytnrex  

" wag na " pabulong kong sinabi sa kanya at hinawakan sya sa braso 

" Pero hindi tamang ginaganito kanila , simula kinder tayo lagi ka nalang nilang binubully " sabi ni Nytnrex na halata ang pag aalala sa mga mata niya .

"Alam ko " sabi ko sabay tungo , " Pabayaan mo nalang " pag tu-tuloy ko .

" Pero~ " Nytnrex

" Hoooooooy ! Pakialamerong epal na di naman Gwapong katulad ko , anong pakialam mo kung pag tripan namin si Nerdy Girl ?!" Bulway ni Max .

Nang gigigil na yung mga kamao ni Nytnrex , hinawakan ko na lang yun para ipadama sa kanya na okey lang ako .

" Mali kase ang ginagawa nyo , simula noong mga bata pa tayo hanggang ngayong 4th year na tayo wala kayong ginawa kundi asarin, pahirapan , at gawing miserable ang buhay ni Lein " sagot ni Nytnrex

" Honey , kanina pa kitang hinahanap , andito ka lang pala " si Diane , leader ng Bully Girls , kinakausap nya si max at biglang napatingin sakin

" Ow , I see , pinag tripan nyo na naman si Nerdy Girl ?" pag tutuloy nito . 

" Honey , na bored kase kame , kaya nag laro muna kame ng konti , so tara na ?"  Max

pinulupot na ni diane ang mga braso nya kay Max , pero bago umalis nag salita ulit si Max kay Nytnrex

" Masuwerte ka Nytnrex , Busy ako ngayon di kita mapapatulan , hahaha " Max then tuluyan ng umalis .

** 

"Okey kalang ?" tanong sakin ni Nytnrex .

A Nerdy Girl Turns into a PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon