ASTRID YUE
"Whoa! Go, Ms. China! Galingan mo, bestie!" cheer ko habang pinapanood ang pagrampa niya.
"Ni hao!" bati ni Esther sa wikang Chinese kaya naman biglang nagsihiyawan ang mga tao, lalo na ang mga kaklase namin na patuloy sa pagpalakpak.
"Go, Esther!" sigaw ni Justin, nakangiting tumututok sa kanya.
Nakikisali ako sa pag-applaud, hindi makapagpigil ng pagkabilib. Nakangiting lumalakad si Esther, ang kanyang mga mata nakatutok sa akin.
"Laban, Esther!" bulalas ni Darren sa likod ko.
"Ms. UN, si Esther na!" sigaw ng mga kaklase namin.
Ang mga tao ay nagpapatuloy sa pag-applaud, ang enerhiya sa gymnasium ay nakakapagpabangon.
Nakangiti ako, alam kong may tsansa si Esther na manalo.
Nagsunod-sunod na ng pakilala ang mga contestants. Mga grade 11 at grade 12 students. Sa bawat section ay dalawang representatives, babae at lalaki. Pero meron din namang iisa lang representative ng klase. Gaya ni Esther, siya ang representative ng class namin. Si Justin dapat ang lalaking representative ng HUMSS11-C pero ayaw niyang sumali.
Nagpatuloy lang ang program, magaganda at magagaling ang mga contestants...
"And now, let us proceed to awardings," anunsyo ng host, si Mrs. Galang.
Nagkaroon ng mga awards ang mga taga-ibang klase, lalo na ang representative ng ICT12-H. Nagkaroon din naman ng award si Esther, the most photogenic.
Hanggang sa i-announce na ang panalo...
"Mr. UN goes to..."
Maingay ang mga tao dito, may iba't iba silang chini-cheer.
"Mr. Australia, Andre Lin ng HUMSS11-A!"
Nagsipalakpakan ang mga tao, lalo na ang classmates niya. Napapalakpak na lang din ako. Magaling din naman kasi siya.
"And for our Ms. UN..." anunsyo ulit ng host.
Muling nag-ingay ang crowd. Lumakas ang tibok ng puso ko nang di ko alam kung anong dahilan. Baka dahil excited lang akong malaman.
Nagkatinginan kami ni Dylan na nasa tabi ko lang at ngumiti siya sakin na parang pareho kami na hinihiling na manalo ang representative namin.
"Ms. China, Esther Yu of HUMSS11-C!" anunsyo muli ng host.
Matapos marinig yun ay nagpalakpakan kaming magkakaklase at mga tao dito.
"WHOO-HOOO!"
"Ang galing mo, Esther!"
"Congratulations, HUMSS11-C!"
"YESSS!"
"Esther Yu! Esther Yu! Esther Yu! Esther Yu!"
Hiyawan namin ng mga kaklase namin. Napapalakpak ako at agad naming sinalubong ng mga kaklase namin ang representative namin.
Agad kong niyakap si Esther, "Congrats!"
Matapos ang programa ay dumiretso kaming lahat ng mga kaklase ko sa opisina ng advicer namin na masaya din sa nangyari.
"Congratulations, Yu!" bati ni Mrs. Jacinto, ang aming advicer.
"Thank you, Ma'am. Maraming salamat sa inyong lahat. Salamat sa suporta niyo. Whoo! We made it!" natutuwang ani Esther.
"Oh, tama nang kadramahan. Mag-picture na tayo tapos kainan na!" hiyaw naman ni Jannah, ang class president namin.
Nag-groufie kaming lahat at kumain bilang selebrasyon na libre ng aming advicer. Mukhang alam na ni Ma'am na si Esther ang mananalo ah. Oh, baka naman sumakto lang sa tadhana?
YOU ARE READING
Wild Hearts: Unscripted and Unstoppable
FanficHigh School AU (SPG) Dylan Rey Wang x Astrid Yue Shen Wherein, two teenagers fall in love with each other. Hindi naman masama na mag-ibigan ang dalawa, walang tumututol-halos perpekto na ang lahat.