Chapter 2: Resurfacing Memories

6 1 0
                                    

No way. Imposible. Hindi pwede.

This is not happening!

"Kyross Jericho Laxamana is my name, but you all used to call me Kiko—"

Parang nabingi ata ako dahil hindi ko na naririnig ang sinasabi nila. Lahat ng memories ng past ay nag flashback sa isip ko.

"Kiko, ang gwapo mo talaga."

"Kiko gustong-gusto kita."

"Kiko kung ayaw mo kung ligawan, ako ang manliligaw sa yo."

F*ck.

Agad kong inalis ko sa isip ko ang mga nakakadiring at kahiyahiyang mga alaalang yun. 

Pinilit kung maging mukhang normal sa harapan nila kahit ang totoo ay halos tumambling na ang mga lamang loob ko at parang nasusuka ako na ewan.

Umayos ka dyan baks. 

Hindi ka dapat magmukhang kawawa sa harap ng gagong yan pagsasaway ko sa sarili ko. 

Naglaho na parang bula lahat ng papgpapantasya ko sa kanya kanina nang malaman ko kung sino sya. 

Umurong ang mga kalandian ko at napalitan nang pag kairita. Kaya pala may inis akong nararamdaman kahit hindi ko pa sya kilala.

"Ahm---Kiko? Yeah, I remember na may friend si Aldo na Kiko dati but I'm sorry hindi kita masyong matandaan. Ikaw yung anak ni Kap Isko right?" I smiled at him. 

I choose to pretend na hindi ko masyadong naaalala. Pinagmukha ko talagang wala akong matandaan. 

I keep my composure and just flash a smile in front of them. Halos palakpakan ko na ang sarili ko dahil hindi ako nautal o natameme. 

Congratulations Gaga. Hindi ka na talaga dapat marter at tanga sa mukhang yan.

Tahimik ang dalawa na parang nagulat dahil sa sinabi ko, unang nagsalita si Aldo na parang may nakakatawa.

"Yeah, he's that Kiko but I can't believe na you can't remember him kasi nga dati grabe kang makabuntot sa kanya." Sabi ni Aldo. 

"You even told him na papakasalan mo sya when you turn 18. Angas mo nga eh, niligawan mo sya diba?" Dagdag ng walangya habang tawang-tawa. 

Aldo was practically in stitches, holding his stomach as he laughed uncontrollably. "I swear, Erin! You were so bold back then!"

This asshole. Can't he sense the atmosphere? Tumabi ako sa kanya at pasimple syang hinampas sa tagiliran.

"Sh*t! Ang sakit non Guivara!" Malamang talaga masakit yun. 

I played volleyball during highschool at malamang magmamarka talaga ang kamay ko sa tagiliran nya dahil sinigurado ko.

Sinamaan ko siya ng tingin. Mukhang naintindihan niya naman kaya umayos siya at umubo na lang kunwari, visibly trying to suppress his laughter.

"Nilugawan pala yun, nagkamali ako nang bigkas "nilugawan". Remember, nilutuan mo sya ng lugaw noon." Pahapyaw na ngumiti si Aldo sabay himas sa may tagiliran nya. 

Tumawa na rin ako sabay hampas kay Aldo sa braso.

"OMG, Funny ka talaga Aldo. Ang galing mong mag joke." I glared at him 

"Anyway, sorry I can't quite remember you maybe because that was such long time ago but I guess welcome back to Whiterose." 

Pinilit ko ang sarili kung ngumiti habang sinasabi yun sa kanya. Nakakunot naman ang noo nito na nakatitig pa rin sakin.

Back To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon