"Come on! Just trust me, no harm will come to you."
Nakuom ko ang kamao ko. Ang kulit talaga nitong lalaking 'to. Kanina pa siya sa pamimilit niya na 'yan.
"Kapag sinabi kong ayaw ko, ayaw ko. H'wag ka mamimilit ng ayaw dahil masama iyan. Umuwi ka na sa inyo, pagagalitan ka lang." sabi ko na lang.
Napailing siya at pinaikot ang bola sa daliri niya. "I'm not going home unless you help me,"
Natigilan ako sa pag-aayos ng strawberries pero hindi ko siya pinansin. Nagpapasalamat na lang talaga ako dahil mahaba haba ang pasensya ko kahit papaano.
"Hey? Help me na po, please?" pamimilit niya pa.
Huminga ako nang malalim at tumayo, "Miguel, h'wag ka ngang makulit. Tigil tigilan mo na 'yang pamimilit mo sa akin dahil hindi ako papayag diyan. Humanap ka ng ibang babae na papayag maging pekeng girlfriend mo, iyong interesado."
Nilagpasan ko siya at pumasok sa loob para kumuha ng mga sako ng bigas. Umagang umaga, itong lalaking 'to ang bubungad, sira tuloy kaagad ang araw ko.
"I want the person I like to pretend to be my girlfriend, eh."
Hay... Kung p'wede ko lang itapon 'tong bigas sa kaniya, nagawa ko na. Pero hindi p'wede, baka kasuhan lang niya ako. Wala akong laban.
"Umuwi ka na,"
"We have training,"
"Eh 'di mag-training ka! May training pala kayo pero nangbubulabog ka rito." inilagay ko ang kalahating bigas sa maliit na lamesa para i-display iyon. Inilagay ko na rin doon 'yung karton na may nakasulat na presyo.
"Too early, I want you to help me first,"
Hay nako! Hindi talaga ako tatantanan nitong lalaking 'to hangga't hindi ako pumapayag sa gusto niya.
"Miguel, pakiusap. Nag-tatrabaho ako rito at nananahimik. H'wag mo guluhin ang buhay ko, mag-hanap ka ng mayaman para naman ka-level mo." sabi ko habang nakapamewang.
Naupo siya sa mahabang kahoy rito sa tindahan namin. Itinabi niya rin ang malaki niyang bag at pinatong doon ang bola.
"It doesn't matter if you're rich or poor. I don't even care about that. Hmm, my type is a hardworking person talaga,"
Hindi ko siya pinansin at inayos lang ang mga bigas. Tapos ko naman na i-display iyong mga strawberries kaya mga bigas naman.
"Okay, can I buy a one tupperware of strawberries?" tanong niya.
Kumuha ako ng plastic bag at nag-lagay roon ng isang tupperware ng fresh strawberries.
Napakunot ang noo ko nang magbigay siya ng isang libo. "Huh? Wala pa akong barya, Miguel. Ang laki nito, wala ka bang two hundred lang diyan?"
"Keep the change," seryosong sabi niya at kinuha sa akin ang plastic bag.
Nainis naman ako at binalik sa kaniya ang one thousand. Hindi ako tumatanggap no'n kapag keep the change lalo na kapag sobrang laki ng pera. Napaka-unserious talaga nitong lalaking 'to.
"P'wede ba, Miguel? Nag-tatrabaho nga ako nang maayos dito." iritang sabi ko.
"Huh? Isn't this helpful?"
Napairap ako at pinagkrus ang braso ko. "Para sa akin hindi, ang laki niyan. Two hundred lang," nilahad ko ang kamay ko.
"I don't have barya yet, so take thi–"
"Ayoko," sabi ko at naupo sa harap niya. Pinagkrus ko ulit ang braso ko pati na rin ang binti ko. "Balikan mo na lang mamaya, siguraduhin mo lang. Kung hindi, susugurin kita sa inyo."
"I told you just take–"
"Hindi nga p'wede, Miguel! Bakit ba ang kulit kulit mo?"
Napabuntong hininga naman siya at kumuha ng dalawang daan sa wallet niya. Meron naman pala, pinahaba pa 'tong away namin.
"Here,"
Tumayo na ako at kinuha ang pera sa kaniya, "Salamat."
"Hmm, payag ka na?"
Akala niya siguro kapag bumili siya, papayag na ako. Hindi, 'no!
"Hindi, kaya umalis ka na,"
"Please po?"
Napairap na naman ako. Hindi pa ako napapagod sa pag-tinda pero pinapagod naman ako nitong lalaking 'to.
"Okay, I'll let you think for a week. Then, after a week..."
"Oo na, oo na." pumayag na lang ako para tantanan niya na ako.
"'Yun oh!" nag-akto pa siyang nag-shoot ng bola, baliw talaga. "Dahil diyan, I will go na. Pumayag ka, ah!"
Tumakbo na siya kaya nakahinga na ako nang maluwag. Alam ko naman sa sarili ko na hindi talaga ako papayag.
Dahil delikado ako kung papayag ako.
YOU ARE READING
Leaves Rustle, Hearts Collide
RandomDaffney, a hardworking farm girl, helps her family gather strawberries and rice for sale. However, her routine is disrupted by the arrival of Miguel, a cheeky customer who brings excitement and challenge to her life.