01

1 0 0
                                    

"Ma, nakakuha ako ng kambal na strawberry!"

Tumakbo ako papalapit kina Mama. Ang rare ng ganitong strawberry, minsan lang kami makakuha ng ganito.

"Hala, ipakita mo kay Ate mo Cecilia! Ipakain mo na rin para kambal ang maging anak niya!" natutuwang sabi ni Mama.

Natawa naman ako sa kaniya. "Ma, naniniwala ka pa rin ba diyan? Eh, sa saging nga... parang hindi naman totoo, eh!"

"Hay nako kang bata ka, ibigay mo na lang sa kaniya!"

Natawa ulit ako at napailing. Pumunta ako sa gawi nila Ate Celia, nakaupo lang siya at nag-papaypay habang may suot na sombrero gawa sa nipa.

"'Te Celia! May ibibigay po ako!" sigaw ko at mabilis na nag-lakad palapit sa ka niya.

"Ano iyon? Dahan-dahan naman sa pag-lakad, neng! Madadapa ka, eh!"

Ngumiti lang ako sa kaniya at itinaas ang kambal na strawberry habang nakaturo ang isang kamay ko roon.

"Kainin niyo raw po para maging kambal ang magiging anak niyo!" masayang sabi ko at itinuro ang tiyan niya gamit ang nguso ko.

"Aba oo nga! Saang parte mo iyan nakuha, Hally? Ang galing mo talaga!" sabi naman ni Aling Laurel na nag-pipitas din ng mga strawberries.

"Doon po sa may mga bamboo na nakaturok!" tinuro ko ang gawi nila Mama at nag-aayos na sila ngayon ng basket na pinaglagyan nila ng strawberries.

"Totoo ba iyan, Neng? Kambal ang magiging anak ko kapag kinain ko ito?" tanong naman ni Ate Celia.

Nag-kibit balikat naman ako. "Sabi po ni Mama ko, eh,"

Nagsitawanan naman sina Aling Laurel dahil sa sinabi ko. Oh 'di ba! Mukhang hindi nga rin sila naniniwala, eh!

"Salamat dito ha! Oh siya, sige na. Tulungan mo na ang Mama at Papa mo roon mag-hakot."

Nag-paalam na ako sa kanila at bumalik kila Mama para tulungan silang ilagay ang mga basket na puno ng strawberries sa tricycle namin.

"Ang dami!" masayang sabi ko.

Sobrang inaalagaan talaga namin nang maayos itong strawberries na itinatanim namin. Bakasyon din naman namin kaya umuwi-uwi talaga ako ng lungsod para talaga tumulong sa pag-tinda ng strawberries nang isang linggo. Salitan lang, isang linggo ay babalik na ulit ako ng probinsya para naman makatulong din ako sa Tita at Tito ko na mag-hanay ng mga palay.

Kada uwi ko rin dito sa lungsod ay nagdadala ako ng halos tatlong sako ng bigas para may isabay sa mga tinda naming strawberries. Minsan nga ay nagpapasabay na rin ang ibang tao rito para din daw may itinda sila, hindi naman ako nagrereklamo dahil binabayaran nila ako kahit kaunti lang 'yon.

Nang makasakay kami sa tricycle ay umuwi na agad kami. Malapit lang din ang bahay namin sa taniman ng strawberries. Sabado na rin bukas kaya aayusin ko ang mga dadalhin ko sa probinsya. Ihahatid ako ni Papa gamit ang maliit niyang truck dahil pinilit ko siya na limang basket ng strawberries ang dadalhin ko. Mabenta rin kasi ito sa probinsya, marami ang suki namin doon dahil maganda at masarap daw ang strawberries namin.

"Hala, may bulok," sabi ko sa sarili ko nang may makita akong bulok sa dulo ng isang strawberry. Pumunta ako ng kusina at tinanggal iyong parte na bulok na. Kaunti lang iyon. "Kawawa ka naman," kinain ko na lang 'yon at bumalik na sa pag-lagay ng strawberries sa tupperware.

"Anak, ito dalhin mo rin ito bukas. Ibigay mo sa Tita at Tito mo, ha. Para may kapalit din na isang kilong bigas," itinabi ni Mama ang isang plastic bag na puno ng fresh strawberries sa bag ko.

Si Mama talaga! Gawain niya talaga iyan, pero kahit naman walang kapalit ay binibigyan niya pa rin sina Tita ng strawberries para pasalubong.

Kinabukasan, alas-kwatro pa lang ay gumising na ako para mag-handa ng gamit ko at tumulong kay Papa na ilagay iyon sa truck niya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 days ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Leaves Rustle, Hearts CollideWhere stories live. Discover now