Kabanata 3

2 1 0
                                    

Kabanata 3


Hindi naman ako gaanong kinakabahan ngayong araw. Slight lang.

Ang tanga ko naman kasi. Pwede namang ibang company nalang at sumama ako kay Isha pero hala sige, dahil parehas kami ni Vane ng pinili, papanindigan ko 'to.

"Isipin mo, self. Ilang weeks lang 'to. Ilang weeks lang. Maiiwasan mo rin ang tandang kumag na 'yon."

Kanina ko pa kinakausap ang sarili ko dito sa salamin. Parang hindi ako makalabas ng banyo. Mas lalo yatang lumakas ang kabog ng dibdib ko.

"You just have to avoid his presence for a mean time, okay?"after talking to myself, I breathed heavily and went out.

Ang kailangan ko lang namang gawin ngayon ay iwasan ang tandang iyon. Oo, malaki ang kasalanan niya sa kapatid ko pero parang may tumutulak sa akin na huwag muna siyang husgahan kaya naman ayokong magpakita sa kaniya. Isa pa, naiinis lang ako sa mukha niya at baka makalimutan kong internship ko ngayong araw.

"Ang lalim ng iniisip ah? Narinig mo ba ang paliwanag ng supervisor?"

Nilingon ko si Vanessa. Umiling siya at bumuntong hininga sa reaksyon ko. Hindi ko narinig. Nagpaliwanag na pala?

"Huwag mo munang isipin si Tarra ngayon, okay? Just don't think of something else while we're in there. Mamaya, ma blanko ka pa at mapagalitan." Aniya pa.

Tumango lang ako at hindi nag salita. Actually, nandito na kami sa building ngayon at una ngang bumungad sa akin ang malaking banner ng mukha ni tandang kumag. He was wearing a black tuxedo while wearing a shades. As always.

Hindi ko tuloy mapigilang isipin kung bakit palagi siyang naka shades at kung may mga tao na bang nakakita ng kaniyang mga mata.

"Saan ka naka assigned?" tanong ko nang maglaon. I was just really hoping that we were assigned to the same department.

"HR department ako. Sayang nga e, mapapalayo ako kay sir Rough, sa Finance department kasi siya malapit," tumawa pa siya sa sinabi niya na ikina-irap ko. Ano bang meron ang tandang kumag na 'yon para magustuhan siya? Baka nga may sore eyes 'yon kaya hindi nagtatanggal ng shades!

"Eh ako saan ako? Huwag sana sa finance. Ayaw ko siya makita." Sabi ko na tinawanan niya lang.

"Oh girl, swerte mo. You are assigned to the finance department. Goodluck!"

Hindi magkamayaw ang itsura ko sa sinabi niya. Kaya pala siya natatawa! Argh! Wala na talagang araw na hindi ako na iimbyerna sa lalaking 'yon!

Umakyat na ako sa finance at nagpakilala sa iilan doon. Mababait naman sila halos kaya lang may isang babaeng labas cleavage ang suotan at taas na taas ang kilay kapag ako ang kausap.

"Oh, ikaw pala ang intern? Bakit ang tagal mo?"sungit niyang tanong, hindi man lang ako binibigyan ng tingin. She was busy doing her make ups. "Oh, June, samahan mo 'tong babae at ibigay mo ang trabaho niya ngayong araw. Siguraduhin mong walang palpak at dadating si mr. Del Mundo." Utos nito.

She's Lydelle Del Rosario, the manager of the team I will work with. Bumuntong hininga ako. Shit. Kailangan ko atang mag tiis ng ilang linggo sa babaeng 'to.

Saka ano? Dadating si tanda? Kaya siguro ang pula ng pisnge niya. Balak pa atang pormahan ang tandang 'yon. Yuck. Walang taste.

"Ano pang tinutunganga mo diyan?! Kumilos kana!" napa igtad ako sa singhal niya. Arte. Clown naman ang mukha.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: 6 hours ago ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Kung Kailan (Del Mundo Trilogy 1)Where stories live. Discover now