Kabanata 2

5 1 0
                                    

Kabanata 2

"Idol mo yata ngayon si mr. Shades, girl?"

Natatawang pang aasar sa akin ni Isha nang abutan akong naka shades sa hallway. Isa lang naman ang rason kung bakit ako naka shades.

Magang-maga ang mga mata ko kakaiyak kagabi. Dinaig pa ang brokenhearted at ang panonood ko ng tragic kdrama.

"Wag mong simulan ang araw ko ngayon, Isha. Wala talaga ako sa mood."

"I know. Kanina ka pa kaya tulala sa daan. Kung hindi kita nilapitan ewan ko nalang," aniya pa. "Sino bang iniyakan mo? Si Ryu Sunjae na naman? Pang ilang rewatch na ba 'yan?"

Ang ingay talaga nitong si Isha. Walang tigil ang pag dadaldal. Ayaw ko sana sagutin kaso baka mas lalong dumaldal.

"Hindi na kdrama ang iniiyakan ko ngayon girl, problema na sa buhay."

Pagkatapos niyon ay dumiretso na kami sa klase. Wala si Vanessa ngayon dahil may mahalagang inasikaso kaya naman kami munang dalawa ni Isha ngayong araw ang magkasama.

Papasok palang sana ako ng klase nang biglang mamataan si Max sa may pinto na tila ba inaabangan ako. Shit. Hindi pwede. Guguluhin lang ako nito.

"Girl, si Max—"

Hindi ko na pinatapos na mag salita si Isha. Agad akong umalis roon sa kinatatayuan ko at nag tago. Bahala na. Ayokong umattend ngayon sa klase kung kukulitin lang ako ng lalaking iyon!

Isang araw rin siyang hindi nagpakita sa akin na ipinagpasalamat ko dahil may inasikaso kaso ngayon mukhang..ako na naman ang aasikasuhin niya!

Dumiretso akong maglakad sa kabilang hallway. Sa library ang punta ko ngayon dahil doon ako tatambay. Bahala nang hindi maka attend, 'wag niya lang akong makita!

"You can never escape him, you know?"

"Ay puta!"nagulat ako nang lumitaw sa harapan ko si Roughford na naka suot na naman ng salamin. Kumunot agad ang noo ko. "Hoy, tanda! Ano na namang ginagawa mo rito sa school na pang bata?!" I raised my brow, emphasizing the word pang bata. Matanda na naman kasi talaga siya. Pedophile!

"Ouch. You're judgmental." Hinawakan niya ang dibdib niya at umaaktong nasasaktan. Sus. If I know, gusto niya lang matawag siyang bata!

Umismid ako at mas tinaasan pa siya ng kilay. "FYI bawal rito mga pedophile kaya pwede ba? Umalis ka muna sa harapan ko at nag mamadali ako?! Saka tingnan mo nga? Walang init rito, kaya itigil mo 'yang pag susunglasses mo!"

Nagulat nalang ako nag bigla siyang humalakhak. Sus. Akala mo naman ikinagwapo niya. Konti lang naman.

"Hindi mo man lang itatanong kung bakit ko alam na tinatakasan mo siya?"he grinned.

May point naman siya pero wala akong panahon makipag usap sa kaniya ngayon. Mamaya abutan pa ako rito ng ex kong 'yon at dito pa sa harapan niya mag maka awa.

"Himala nagtatagalog ka? Malaki ang atraso mo sa'kin, tanda pero nagmamadali ako kaya bye." Akma sana akong dadaan kaya lang ay hinarangan niya ako.

Nasisiraan na ba siya ng ulo?

Saka ano bang ginagawa ng tandang 'to rito?

It's not like he owned this school!

Ilang beses kong sinubukan dumaan kaya lang, lagi siyang humaharang na tila pinagtatawanan pa ang sitwasyon ko.

"Tanna!"

Shit. Kahit hindi ako lumingon alam ko kung kaninong boses iyon!

It's Maxillon Del Fierro!

Kung Kailan (Del Mundo Trilogy 1)Where stories live. Discover now