Chapter 3
Catch
"Kapag bored ka Block Blast laruin mo, 'wag feelings ko."
Sabay-sabay kaming napalingon nang marinig namin iyon galing kay Zede. Nakaupo kaming mga players sa bleachers at naghihintay kay Coach. Tirik ang araw at sobrang init pero lalong umiinit dahil dito sa lokong 'to. Katabi niya si Austin na ngumingisi-ngisi at tuwang tuwa pa sa ka-kornihan ng kumag.
"Imbis na bola ang laruin, feelings pa ni Matienzo, e 'no?" humalakhak si Joaquin sa tabi ko.
Nagtawanan ang mga players. May katawagan si Zede sa cellphone habang pinaglalaruan ang bola sa isang kamay. Hindi ko na alam kung sino ang katawagan niya pero alam kong hindi si Reign iyon o si Yesha. Ibang babae 'yon.
Si Reign nasa gym lang, tapos si Yesha hindi siya makakagan'yan sa babaeng 'yon. Tatawanan lang siya no'n. Mas nakakahiya kasi kaibigan ko pa, kaya sana ibang babae 'yan.
Kinuha ko ang tubig at uminom doon. Nakakapagod. Galing pa akong booth namin. Pagkatapos kong kumain ng graham balls na binili ko kila Donald Duck, bumalik pa akong booth namin. Nanatili pa ako roon dahil nag-bantay ako.
Nakaalis lang ako nang maubos ang lahat ng cookies. Mabuti naman at wala pa si Coach nang dumating ako.
"Ate, 'wag mo nga'ng paglaruan 'tong kaibigan ko. May sakit na ako sa atay kakainom." biro ni Austin, tumingin pa siya sa akin at humagikgik.
Inirapan ko siya pero natawa rin. Kapag kasi broken 'to si Zede, mag iinom 'yan. At dahil mabait kami, sasamahan namin. Libre niya kasi.
"Sino 'yan?" usisa ni Bonnie, isa rin sa close na player namin.
"'Yung magandang nursing na nakita namin kahapon." si Yael ang sumagot.
"Nursing, bro? Bago 'yan, ah? Ayaw mo na sa polsci? Ang hot kaya ng mga 'yon!" Hinaplos ni Austin ang buhok niya at tumango-tango pa para lang maniwala kami.
Well... he’s not wrong. The hottest girls are in the Political Science department. It’s way down on the edge of the university, kind of hidden. I don’t know why they stuck them there. Hindi tuloy ako makahanap ng polsci. Puro engineering at archi, minsan educ, eh ayaw ko naman sa mga iyon.
The girls in PolSci are on another level. Imagine this: when you argue with them, it’s not just you talking. They’ll throw down some fire too, and you’ll end up backing down because they’re just too sharp. It’s intense at hindi boring.
Plus, they’re smart. They’re busy studying, but they’ve got the green flags. I know because they have emotional intelligence. They know what people are feeling. They won’t let you sleep with anger hanging in the air. They’re mature in the way they think.
Not like the immature girls who always want to be right. They want all the attention on them, and only their voice matters.
Nakakaumay kapag ganoon. Nakakasawa.
Here’s the thing about having a smart, strong-willed girlfriend—when you’re both pissed off, it’s intense. I actually love it when a girl, or anyone really, hates me. Imagine having sex with them while you both feel that anger. It’s kind of wild, but yeah, it’s a whole vibe.
Gusto ko iyong mga galit sa akin. Gustong-gusto ko 'yon. Mas lalo akong natutuwa.
"Ayaw ko ng polsci. Ako ang sumusuko sa aming dalawa. Tanda n'yo si Vien? 'Di ba ang talino no'n? Hindi ko masabayan. Ayaw ko pa man ding sinasapawan ako." ngiwi ni Zede at sumandal pa kay Austin.
Sinandal niya ang ulo niya sa balikat nito.
Austin gave a sly grin. "But PolSci students are really hot,"
YOU ARE READING
Serenade of Secrecy (Echoes #4)
Romance"We will convey our feelings for each other through music. I will love you through secrecy."