Chapter 2
Booth
"Hahatiin natin lahat ng gawain. Walang magrereklamo. Ang magreklamo, aalisin ko sa listahan at walang grade!" supladang sabi ng kaklase ko na babae. She was in front of us, and her curly hair clearly showed she was stressed. "Ayoko ng pangit na booth! Kaya, please, makisama naman kahit sa kaunting panahon!"
Palihim akong umismid. Sa gitna kami ng initan at dito niya pa napiling mag-sermon. There were a lot of people around since the Intramurals had started. Actually, our block was already late because our schedule was tight with all the activities.
We hadn’t even started designing yet. At syempre, mga babae ang kaklase ko dahil Archi ako, puro kaartehan ang nasa katawan. We didn’t even have to build a booth! Nobody came here for food, they came for the sports. Puro lang katakawan.
Gusto kong magreklamo pero mag-isa lang ako. Baka pagtulungan ako ng mga ito. Masakit mangurot ang mga babae.
"Ayoko rin nang pasaway..." aniya pa at lumipad ang mata sa akin.
"Bakit ka nakatingin sa akin? Hindi naman ako pasaway," tanggi ko agad.
Nagtawanan ang mga kaklase ko. Napangisi rin ako kahit na naiinis na ako. Ang init-init! Wala bang plano 'tong babae na 'to na lumipat sa mas malilom? Sayang ang kojic ni mama na ninakaw ko pa kaninang umaga.
Inirapan ako ni Leah at hindi na ako pinansin. Nag simula na siyang magsabi nang mga gagawin namin. Ang mga kaklase ko ay parang mga tutang tango nang tango.
"Malapit sa stage ang pwesto natin. Pumunta na lang tayo roon pagkatapos ng..."
A group of basketball teams walked by me, and I couldn’t help but look. I followed them with my eyes. I suddenly remembered—oh yeah, we’re playing basketball in the intramurals.
Bigla akong na-excite roon. Makakalaro na naman! Yes!
"Nakikinig pa ba ang lahat?!"
Mabilis akong napatingin kay Leah. Naabutan ko siyang nakatingin sa akin. Ako na naman ang nakita!
"Nakikinig ka, Chavez?" tinaasan niya ako ng isang kilay.
"Syempre," sagot ko.
"Ulitin mo nga ang sinabi ko."
Tiningnan ko ang mga kaklase ko. Tumawa sila. Napailing si Yael na nasa aking tapat. Sinamaan niya ako ng tingin nang makita na ginagawa kong biro ang sinasabi nila. Hindi naman, eh! Naboboringan lang ako.
"Malapit sa stage ang booth natin." ulit ko sa sinabi niya.
"Ano pa?"
Napangiti ako. "Gusto mo lang sabihin ko ulit ang sinabi mo para hindi kana umulit. Hindi lang naman ako ang hindi nakikinig. Tingnan mo! Sila Silas, oh!"
Nginuso ko ang mga kaklase kong kumakain na sa isang booth na malapit sa amin. Inalok pa kami nang kinakain at nagawa pang ngumisi ng mga gago.
"Mga patay gutom." bulong ni Leah. "Hindi ba makakapag-hintay 'yang bulate sa tyan ko, huh?! Bumalik kayo rito!"
Lumapit sa akin si Ellen. May binigay siya sa akin na bag.
"Para saan 'yan?" tanong ko.
Nilapit niya sa akin iyon. "Ikaw ang mag dedesign ng booth natin."
"Ano?!" gulantang sabi ko.
Ngumiwi si Ellen at nilingon si Leah na kinakausap ang mga kaklase ko.
Anong ako ang mag dedesign?! Mukha ba akong magaling d'yan?! I peeked into the bag, and sure enough, I saw a bunch of design materials stuffed inside. There were sheets of paper with random quotes and phrases printed on them in fancy fonts.
YOU ARE READING
Serenade of Secrecy (Echoes #4)
Romans"We will convey our feelings for each other through music. I will love you through secrecy."