Prologue
Harmonious Start . . . Maybe not!
"Haru! Gumising ka na, ma l-late ka!" Sigaw sa akin ng nanay ko na mas maingay pa sa tilaok ng manok. Napagulong na lang ako sa aking higaan, alam ko naman kasi na two hours early pa lang, oa lang talaga si Mamay (Ayun tawag namin sa kaniya, pinaghalong nanay + mama, oh divuhh).
"Ate Haru, gumising ka na po!" Niyugyug ako ng bata kong kapatid na si Hiro pero napadaing lamang Ako. Ang aga-aga pa, alam ko, ramdam ko!!
"7:55 am na, Ate." Kalmado namang sinabi ng isa ko pang kapatid na si Hera at agad ako napabangon.
WHAT!?!?!?
"MALALATE NA AKO, BAKIT HINDI NIYO AKO GINISING NG SIX!?" Sigaw ko habang sinasabunutan ang sarili.
Nakita kong na ka pout si Hiro, "Ginigising nga kita eh.." She said whilst fixing my hair..
Napatingin ako kay Hera na inaayos ang tune ng kaniyang gitara at nag shrug sa akin.
I just sighed and felt Hiro hugged me, she's clingy as usual. Oh, well. Ganiyan talaga personality niya even before she turned six years old this year---2011.
Magkaibang-magkaiba sila ni Hera. This girl Helena Rain, Ewan ko ba kung kapatid namin ito o sadyang lumakas lang ang genetics ni Papay (Hehe papa + tatay = Papay) sa kaniya noong pinanganak siya kaya tahimik at ibang iba sa aming tatlo ni Mamay at Hiro.
Extrovert kasi kami tapos sila ni Papay Introvert.
"Mag ready ka na po, ate." Hiro squeeze me in her embrace, I just chuckle and nod. "Okay!" She pull away from me and I get up.
Habang paalis sa shared bedroom ko with Hera and Hiro, narinig kong hinihele ni Mamay ang bunso naming kapatid na si Hori, eight months old pa lang siya. Ang cute >_< !!
Nilapitan ko si Mamay, "Buti gising ka na!" Nakooo!! Ang lakas ng boses nawala tuloy iniipong antok ni baby Hori! Napakamot ulo na lang ako..
"Mag handa ka na, alas nuebe na oh!" Oa mader ha!! Alas otso pa lang, one hour and forty minutes before school.
Pero syempre na patango na lang ako at naghanda na, ayaw ko ma late sa first day of school ko. Ako lang kasi ka t-transfer ko lang netong august. Lumipat kasi kami ng bahay dahil binabaha kami sa dati naming bahay kaya napa lipat school rin Ako, ilang buwan rin ang na miss ko! Buong first quarter ata . . .
Habang nag t-tootbrush..
DING!!
Harper Tuazon sent you a message!
*Photo Attachment*
Harper Tuazon: Bff pogi ano? Hapones, mga tipo mo lang ;> !HaRu Avila Dizon: Ngii, sino naman yan bff?
Harper Tuazon: buang ka talaga bff, ayan yung sinasabi kong campus heartthrob dito sa lilipatan mong school !
Ay, ayun na ba yun? Siya na yun? Napatanong Ako sa aking sarili habang nag mumog..
Yung picture na sinend ni Harper, isang lalaki na naka side view habang nakikipag usap pa sa isang lalaki. Pero halata naman kung kanino na ka focus ang camera, duon sa lalaki na mukang seryoso ang mukha. Mahaba medjo buhok niya at nakabandana siya, yung parang kay Roronoa Zoro lang. Actually, ganunan nga ang dating niya eh, si Zoro sa one piece.
Harper Tuazon: Ay, oo nga pala may chika ako kaya bilisan mo pumunta dito!!
HaRu Avila Dizon: Yung mga lectures nga pala?
Harper Tuazon: Bibigay na lang sayo ni Eurice ^v^
Agad naman akong naligo at nagbihis, pagkatapos sumalo na ako sa breakfast Kasama ang buong pamilya ko.
Introduce ko Sila Isa Isa, Teka..
Okay, starting sa pogi kong papay na si Hermes Dizon na sobrang tahimik at tamang kakulit lang, sunod naman si mamay Raelyn Dizon na kung gaano katahimik si papay Ganon siya kaingay. Pinagmanahan ko lang, hehe >v<
At Ako naman, Harmony Ruth Avila Dizon ^_^ Masyadong mahaba ang pangalan ko kaya palayaw ko ay Haru, pinaghalo ang first at second name ko. Typical filipino nickname lang naman, ano. Harmony ang ipinangalan nila sa akin para raw maging harmonious ang pamilya namin dahil ako ang pinaka panganay at Ruth naman dahil sa bible si Ruth ay maalaga at palakaibigan.
Ayon ang hiling na character sa akin ng papay at mamay ko, makisama sa lahat at maging compassionate. Shala ano!?
Sumunod naman sa akin si Hera, limang taon ang tanda ko sa kaniya. Sixteen ako at siya naman ay eleven, 2011 ngayon so kayo na mag isip kung kelan kami pinanganak, ez mathematics lungs.
Next naman kay Hera ay si Hiro nga, Hiacynth Rose ang buong pangalan niya. Sadyang panglalaki lang Ang palayaw dahil nga pinagsama ang first and second name. Next naman ay si baby Hori na last year noong December lang pinanganak.
Hosanna Rive ang buong pangalan niya.
Habang kumakain, hindi mawawala ang kadaldalan ni mamay na sinundan ko at ni Hiro. Sila papay at Hera naman ay tahimik lang na kumakain.
Fast forward..
Ang laki naman ng school na ito!! Nakakalula, parang kailangan ko ata ng mapa para hindi maligaw -_-...
Sinubukan ko tawagan ang fb ni Harper dahil hindi ko talaga alam kung paano makakapunta sa klase ko pero hindi siya sumasagot kaya yung fb na lang ni Eurice kaso ayaw pa rin.
Triny ko rin tawagan sila sa number nila pero hindi sumagot si Harper, buti na lang at na accept ni Eurice ang call!!
Me: Euriceee, pasundo pleasee >.< !
Eurice: Na saan ka ba?
Me: Ewan ko rin pero walang tao sa paligid eh, tapos parang nakakatanaw ako ng pagkain dito p..p
Eurice: Okay, hintayin mo na lang ako.
Me: Yeheyy!! ^_^
After nung call, umupo Ako sa isang bench at medjo na bored na.. ano ba yan!! Ang tagal naman ni Eurice... >.<"
Inilibot ko ang aking tingin, sakto at may nakita akong lalaki na nakabandana na kulay dilaw. Mukhang may ka-text ata siya. Medjo nilapitan ko siya at nakitang tinawagan niya yung ka-text niya. Pero huli na ang lahat, bago pa man niya makausap ang ka-tawag niya.. my personality got the best of me..
Napindot ko yung end call, ha.. haha..
Pero mukhang hindi ata haha ang lagay ko o_o" . . .
© March2nine 2024
YOU ARE READING
Cliché Series #1: 'Hey, Pretend Lover!'
Teen FictionA cliche might be overused, but most of the time it's loved by many. "As a payment, be my pretend lover!" Cliché Series #1: 'Hey, Pretend Lover!' Who doesn't love the cliche romance trope; Fake dating? Kyosuke Motola, the campus' heartthrob & Harmon...