Enzo's POV
~5 Months ago~
*COUGH* *COUGH*
"Inumin mo muna ito, Nay," sabi ko kay Nanay sabay abot sa kaniya ng baso na may lamang pinakuluang dahon ng lagundi na ngayon ay hindi na masyadong mainit.
May sakit na tuberculosis si Nanay at na-diagnose lang siya nung nakaraang buwan.
Ligwak kami sa pera kaya naubos ang ipon namin dahil sa check-up na ipinangbayad namin sa doktor. Mabuti na lamang at libre ang gamot sa tuberculosis kaya mayroon akong napupuntahan kada buwan.
Dalawampu't apat na taong gulang na ako. Lumaki akong hirap sa buhay kaya bata pa lamang ako ay natuto na kong mag-hanap ng trabaho. Mula sa paglalako hanggang sa pagiging snatcher ay nagawa ko na para lang may maipakain kay Nanay.
Matagal na rin kaming iniwan ng tatay ko. Buhay pa siya pero sabi ni Nanay na mayroon na daw itong ibang pamilya kaya wala na kaming kontak sa kaniya.
"P-pasensya na, 'Zo. Kung kaya ko l-lang makapag-trabaho kahit bumalik ako sa pagla-labandera, gagawin ko," nanghihinang sabi ni Nanay.
Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay at binigyan siya ng masiglang ngiti.
"Ako nang bahala sa ating dalawa, Nay. Focus ka lang sa pag-papagaling."
Ngumiti naman si Nanay ngunit mayroong lumandas na luha sa kaniyang mata.
"Huwag mong k-kalimutang mag-pahinga, ha?"
"Oo naman po, Nay."
Simula nang atakihen sa puso si nanay ilang taon na ang nakararaan, naging maselan na ang kaniyang katawan sa mga bagay-bagay at nag-simula na siyang maging sakitin.
Buong buhay ni Nanay ay trabaho na ang kaniyang ginagawa at inatupag. Ngayon na tumatanda na siya, sinisingil na siya ng kaniyang katawan sa lahat ng pagod at hirap na kaniyang pinag-daanan at tiniis.
Ngayon, ako naman ang gagawa ng paraan para maibsan ang sakit na nararamdaman niya kahit papaano.
Nakayanan akong buhayin at pakainin ni Nanay mula noonh isinilang niya ako, oras na rin para isukli ang lahat na kaniyang isinakripisyo.
'Tsk, nasaan na kaya ang balde namin?'
Umuulan kasi ng malakas ngayon. Ang aming munting bahay na gawa sa kawayan at pinagtagpi-tagping yero at mga ninakaw na tarpaulin ay puno ng butas ang bubong na hindi ko pa naaayos kaya may mga pumapasok sa tubig.
Isa lamang ang kwarto namin at maliit lang. Si Nanay ay nasa kama na ako mismo ang may gawa at isang lunang kutson na pinag-lumaan na ng aming kapitbahay. Ako naman ay natutulog sa sala sa may mahabang upuan na gawa sa bamboo na inayos gamit ang alambre dahil kaonti na lang ay bibigay na ito.
"Toy?!"
Narinig kong sigaw ng isang pamilyar na boses sa labas.
"Tutoy?! Nasa loob ka ba?"
Binuksan ko naman ang pinto at sinalubobg ang lalake sa labas.
"Ano ho, Mang Kaloy?" Tanong ko.
Naka-kapote si Mang Kaloy habang may hawak na lubid.
"Lumikas na kayo dito, Toy. May malakas na bagyong paparating! Signal number three na sa lugar natin kaya umalis na kayo dahil lalakas pa ito mamaya."
Hindi na ako nag-abala pang sumagot at agad kong tinungo ang kwarto namin ni Nanay.
Kinuha ko ang nag-iisang bag na mayroon ako at binuksan ang aming lumang kabinet para kunin ang mga importanteng gamit na kakailanganin namin ni Nanay.
Nakita ko naman na napa-upo si Nanay mula sa pagkakahiga.
BINABASA MO ANG
Kuya Enzo, Ang Hardinero
RomanceThis story is about Hoven Roncesvalles' path towards becoming more accepting of his own true feelings and identity.