Kabanata 3
Nagsitakbuhan na ang lahat papunta ng gate dahil male-late na sila. Para bang nagkaroon ng fun run. Ako naman ay naglalakad lang, yung guard naman ay abalang padaliin ang mga estudyante.
"Aba ikaw na naman." Napahinto ako ng nagsalita ang guard. Tumaas naman ang kaliwang kilay ko. "Dalian mo na don! Naglalakad ka pa."
"I know that I am late that's why I'm walking coz I know that I am late. Kahit na tumakbo pa ako late pa rin ako. Destiny can't be change unless I go back." Ani ko na siyang nagpakunot ng noo niya. "Ano po? Balik ako doon?" Tinuro ko yung daan sa labas. "Tapos tatakbo na ako?"
"Umalis ka nga!" Tinataboy niya na nga ako.
Wala naman sa 'kin yun at umalis na lang. Nakakainis talaga, parang naiinis na ako sa lahat. Why all people are like that! Like them! The bruha who's staying home. Hindi ko na talaga maintindihan ang buhay dito sa mundong ibabaw.
My eyes glittered with amusement.
Ngumiti ako at dali-daling lumapit sa kanya.
"Hey! London Boy!" Nakangiting usal ko.
Napatingin naman siya sa 'kin nang walang emosyon. Naaninaw ko siyang naglalakad. Dahil sa porma ng katawan saka tangkad niya ay nakilala ko siya.
"Whoa! Di ko akalain magkita talaga tayo ah."
"Yeah, but right now I need to go to dean's office." Kumunot naman ang noo ko.
"Huh? Bakit?"
Ang ending ay sinamahan ko siya sa opisina. Kaming dalawa ay nakaupo roon sa tapat ng Dean.
"I am sorry about the conflict schedule yesterday Mr. Turner." The dean paused a for a second. Your section is 2D" Sabi nung Dean.
Siguro ayaw niya sa section niya, umuwi siya kahapon eh.
"Your section will be 2D." Lumaki ang aking mga mata.
"Ano?! Makaklase na kami?!" Napalakas pa ang boses ko sa gulat.
Nagulat rin yung dean sa naging reaksyon.
"Lower down your voice." Aniya at napatakip na lang ako sa aking bibig. Nahiya rin ako.
"We're not classmates. I'm a medical student." Napaawang naman ang bibig ko.
Oo ng pala! My bad.
Ayun na nga at nakalabas na kami sa office ng Dean. Nakalapat na lamang ang aking palad sa mukha dahil sa hiya.
Bakit ba kasi sinabi ko yun! Nasobrahan lang guro sa excitement.
"Don't you have any class?" Napatigil naman ako nang tanungin niya.
"Uhm.. meron?"
"Not sure?" Hindi pa muna ako sumagot. "Or not attending class?"
"Huy! I'm attending class ah! Baka sabihin mong hindi ako mabuting estudyante."
Hindi talaga ako mabuti. Cutting ba naman ako lagi.
"Okay, good. Don't ever cut classes. It will ruined your performance."
Ay naku! Matagal na ngang sira. Iyong buhay kong sira, sinira ko pa lalo. How nice.
"I'll get going now."
"Okay.." Iyon na lang ang tanging nasabi ko at pinanood siyang lumakad palayo sa 'kin.
Wala ako sa aking isipan habang nakatingin at nakikinig sa guro. Ayos lang naman kay sir na ganito kami. Minsan nga kapag hindi pa ubos yung oras niya ay hinahayaan niya lang ang mga kaklase kong sumayaw-sayaw diyan sa likoran. Wala talaga ako sa isip ko lagi.
Kinuha na ni London Boy. HAHAHA chariz! Biro lang baka seryusohin niyo naman, gawan niyo naman kami ng issue.
I sighed. Pagod na talaga ako, nakakaramdam na ako ng katamaran at kawalan ng interes.
"Okay, let's have our oral recitation." Nagulat ako sa sinabi ng guro namin.
"What? Magpapa-oral siya?"
"It's his first time." Sabi pa ni Lovely na siyang nasa tabi ko na nakaupo gilid ng table.
I'm in the middle part.
Hindi pa rin magising ng utak ko. I looked chill but I'm actually nervous. Feels like I have a problem developing my reactions.
"Okay, Let's start with Ms. Acosta." Kinuha na ni sir yung ballpen niya saka index card. Tumayo naman ako. Wala akong maisagot rito. Blanko pa naman isipan ko ngayon. May naintindihan ako sa sinasabi niya kanina pero nawala rin naman.
"What kind of tax found in petroleum jelly?"
"Po?" Tumaas ang kilay ko upang malinawan sa kanyang tanong.
Inulit pa ni sir ang tanong kaso hindi ko talaga alam ang sagot. Sira na talaga tung braincells ko. Wala akong maisip hindi ko alam. Wala pa akong mahanap na paraan dahil ipinagbabawal niya gumamit ng cellphone. Nasanay kami na hindi siya mag o-oral.
Nagtataka nga kami kung ano ang purpose ng index na pinasa nami kung wala naman oral. Ngayon ay nakapag isip-isip na yata siya kung ano ang magandang gawin sa mga estudyante kung may natutunan ba o wala. Hindi pa talaga ako makasearch.
"Ms. Acosta, are you still with us?" I blink twice.
"Yes sir."
"What's the answer?" He asked again.
Ah! He asked many time ang tanging nasagot ko lang ay "po", "yes sir." Buti na lang talaga medical student si London Boy na 2D dahil pag nagkataon tas may oral naku! Nakakahiya!
I cleared my throat.
Nakatingin na sa 'kin lahat kung ano ang maisagot ko.
"I don't know the answer Sir." Iyan na lang talaga ang masabi ko.
Ayoko ng pigain yung utak ko na alam ko naman na walang laman.
Bumuntong hininga na lamang ang guro.