WHAT HAPPEN TO MARY+ 01

1 1 0
                                    

WHAT HAPPEN TO MARY+ 01: Theresa Solene Canderie


"Parale National High School... Hayst new school, new bullies, new friend argh! hope it's worth it," ngumiti ako sa guard na nakabantay, may katandaan na ito ngunit mukhang malakas pa naman.

"Good morning po, saan po ang room ni sir Donald Ogad?" nakangiting sabi ko sa babaeng guard na ikinataka ko rin dahil titig na titig ito sa akin.

"T-transferee ka ba?" muli akong ngumiti at tumango sa kaniya.

"Anong apelyedo mo?" kinunotan ko siya ng noo pero ngumiti pa rin.

"Candrie po, ako po si Theresa Solene Candrie." nakangiting sabi ko at nakitaan ko naman siya ng takot sa kaniyang mukha.

"Kamukhang kamukha mo siya,"

"Po? Sino po?" takang tanong ko, umiling ito sa akin at bahagyang ngumiti.

"Tara, samahan kita kay Sir Donald," nauna itong mag lakad na sinundan ko naman, bakit kaya mukhang natakot siya ng makita ako at sino kaya 'yung sinasabi niya na kamukha ko?

"Diyan ang office nila, pumasok ka na lang," seryoso na sabi niya.

"Maraming salamat po," nakangiting sabi ko at pinagmasdan itong umalis sa harap ko, nag kabit balikat na lang rin ako bago kumatok sa office raw ng mga teacher.

"Good morning po, uhm sino po si Sir Donald Ogad?"  nakangiting tanong ko sa mga teacher nang makapasok ako. Nakatitig sila sa akin, tila ba nakakita ng isang multo.

"A-ah hi po?" muling sabi ko sa kanila, mga matatandang teacher na rin ang naandito napaisip tuloy ako kung normal ba sa matatanda rito ang maging weird?

"A-ako si Donald Ogad, bakit 'yun iha?" ngumiti ako rito at lumapit sa lamesa niya, muling tumingin sa mga teacher na titig na titig sa akin.

"Grabe naman po, para kayong nakakita ng multo.." tumawa pa ako ng bahagya at muling ngumiti sa mga teacher.

"Ako po si Theresa Solene Canderie po, 'yung transferee student? Ikaw po 'yung tumawag sa akin kagabi 'di ba sabi mo po ay hanapin kita bago pumasok?"

"Ah oo, may papapermahan kasi ako sa 'yo.. kamukha mo ang dati naming studyante na si Mary," sabi nito at may nilapag na ballpen at isang A4 na bond paper na may sulat tungkol sa pagiging transferee ko.

"Hala sabi rin po ni Ms, Lady Guard may kamukha ako, seryoso po ba? Kaya siguro titig na titig kayo sa akin." bahagya akong tumawa pero seryoso pa rin ang teacher na nasa harap ko.

"Alam niyo po bang totoo po 'yung mga taong may pitong kamukha?" nakangiting sabi ko at muling tumingin sa mga teacher. Binitawan ko na ang ballpen at binalik ang mga ito sa lalaking guro.

"Mauuna na rin po ako," nag bow ako sa guro at ngumiti sa mga teacher na nakatingin pa rin sa akin. Damn they are weird! Ano bang meron doon sa kamukha ko na sinasabi nila bakit parang takot sila e dapat nga masaya sila dahil kamukha ko 'yung dati nilang studyante.

Patago akong umerap ng mapansin na bawat dadaanan ko ay may titingin sa akin, maybe because I am a transferee student o baka kamukha ko 'yung dating studyante rito? Nang mahanap ang classroom agad akong pumasok dito at tulad ng inaasahan ko pinag titingnan nila ako.

"Hi, transferee student ka?" tanong ng isang babae, tumango ako sa kaniya at ngumiti.

"Ang ganda mo naman," puri ng isa pang babae.

"Hindi naman, pero salamat, uhm may bakante pa bang upuan?" nahihiyang tanong ko at tinuro naman nila 'yung dulong upuan.

"Alam mo familiar ka, parang nakita na kita," napakabit balikat ako dahil sa sinabi no'ng babaeng studyante.

"Uhm I don't think so, lumaki ako sa manila, first time ko rito sa province," nakangiting sabi ko.

"Alam ko na! Kamukha mo 'yung dating studyante rito, 'yung namatay!" natahimik naman ako dahil sa sinabi sa akin ng isa pang studyante.

"'Wag mo namang takotin, Hi ako si Juliet," ngumiti ako sa kaniya may halong pag tataka so 'yung guard, 'yung mga old teachers sa tingin nila kamukha ko 'yung dating studyante na namatay? 'Yung patay?!

"Hi pretty ako si Elaiza you can call me Elai," nakipag shake hands ito sa akin at pareho na nila akong tinabihan, marami rin ang nag pakilala pero silang dalawa lang ang kumukulit sa akin.

"Paano namatay 'yung sinasabi niyo na kamukha ko?" tanong ko na may pag ka kuryoso.

"Walang nakakaalam ng totoong nangyari, ni hustisya wala raw itong nakuha, ang sabi-sabi ginahasa raw ito ng teacher o kaya raw 'yung mga manliligaw nito," sagot ni Juliet sa akin.

"Kailan ba nangyari?" muling tanong ko.

"Naku ilang taon  na ang nakalipas, around 2023 daw e ngayon 2040 na panigurado halo-halong kwento na ang mga 'yun pero ang nag kwento noon sa akin ang Lola ko kasi dito siya nag aral," hindi na ako nag tanong pang muli, matagal na panahon na pala nang mangyari 'yun tama si Elai panigurado nadugtongan na ang kwento.

"Kanina ko pa napapansin 'yung lumang building na 'yun, ano ang meron doon?" tanong ko ng wala na sa aming mag salita.

"Diyan nangyari ang krimen na 'yun, andiyan rin 'yung mga picture nila, gusto mo samahan ka namin? Oh sina Reymark ba 'yun andon sila o," kumaway ang mga ito at kumaway rin naman ang tatlong lalaki na nasa lumang building. Na cu-curios ako pero mahirap maniwala lalo na kung haka-haka lamang ito.

      Natapos ang pang umagang klase, halos sa akin napunta ang atensyon kakaiba raw kasi ang ganda ko, lalo na't naalala raw nila ang dating studyante rito na kamukha ko. Ano bang meron sa babae na 'yun ba't sa dinami-rami isang patay na studyante pa ang naging kamukha ko, and I hate the attention that I have right now!

"Saan ang CR dito? Kanina pa sasabog ang pantog ko," tanong ko kina Juliet.

"Doon o, hintayin ka na ba namin?" tanong ni Juliet.

"No, nag babalak akong pumunta doon sa lumang building super akong na cu-curios saka hindi rin kasi ako gutom," sagot ko at ngumiti sa kanila.

"Ah ganon ba? Sige sige mauna na kami ah gutom na ako e, saka mag iingat ka do'n, ang sabi-sabi kasi nag paparamdam pa rin daw hanggang ngayon si Mary kasi wala siyang nakuhang hustisya," tumawa na lang ako sa sinabi ni Elaiza, pwede akong maniwala pero hindi kapanipaniwala.

But what if it's real? Paano kung sa pag punta ko doon makasalubong ko? Hay! Ano ba 'yan bakit ba kasi ako na cu-curios sa babaeng 'yun?!



WHAT HAPPEN TO MARY?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon