WHAT HAPPEN TO MARY+ 2: Weird!
Andito na ako ngayon sa tapat ng lumang building, siguro sa katagalan nito kaya rin may mga gatak na ang bawat semento, ang mga bintana rin ay kahoy pa hindi gaya no'ng bintana ng classroom namin. Nang makapunta ako sa second floor ng building isang malamig na hangin ang yumakap sa akin bahagya tuloy akong kinalibutan, pero nag patuloy pa rin ako sa pag lalakad at sa gilid ng isang room merong bulletin board. Mga lumang papel, 'yung iba nga ay kupas na gawa rin ng pag kabasa nito.
"Student of the Year 2023-2024.." mahinang basa ko, binuklat ko naman ito paisa-isa at napahinto lang ng mabasa ang pangalan na Mary Solene Bolañios, kupas na ang larawan nito at kagaya ko meron rin itong mahabang buhok.
"Putangina kamukha ko nga! Malayong kamag-anak naman namin ang Bolañios!" muling sabi ko habang titig na titig sa larawan ni Mary Solene Bolañios at talagang ka second name ko pa?!
"Ay pusang gala!" napahawak ako sa dibdib ko ng may marinig akong kalabog, hindi ko alam kung saan nang galing ang tunog na 'yun, muli kong sinilip ang larawan ni Mary at pinicturan ito para itanong ang magulang kung kilala ba nila ang babaeng ito, lalakad na sana ako papunta sa kabilang classroom pero napahinto ako dahil sa nag salita sa likod ko.
"Nag aano ka rito?" tanong sa akin ni Sir Donald, tinitigan ko siya at kitang-kita ang pag ka seryoso ng mukha niya.
"Ang sabi-sabi ginahasa raw ito ng teacher o kaya raw 'yung mga manliligaw nito,"
"Napadaan lang Sir, curios po kasi halos lahat ng teacher sinasabi na kamukha ko itong si Mary Solene Bolañios," muli akong napatingin sa larawan ni Mary at napa atras dahil wala itong larawan pero kitang-kita ko kanina na may nakadikit sa taas ng pangalan nito na litrato niya! Posibleng namalik mata ako!
"Bumaba ka na, delikado sa Lugar na ito." seryosong sabi niya pero nakatitig pa rin ako sa pangalan ni Mary napapaisip kung paano nangyari 'yun!
"Ms, Canderie.." tawag ni Sir at dali-dali ko namang kinuha ang ipit ko na nakaipit sa mga papel at mabilis na umalis sa building, mabilis ko ring kinuha ang cellphone ko para tingnan ang gallery pero wala! Walang picture pero andon ang pangalan niya paano nangyari?! Imposible!
"Tangina minamaligno na siguro ako!" nagugulohan na sabi ko habang nag lalakad.
"Oh? Hi Theresa? Bakit ganyan naman ang mukha mo?" tanong ni Juliet, pero inilingan ko na lang siya at nilagpasan silang dalawa ni Elaiza. Ayaw na ayaw ko sa lahat nagugulohan, hindi ko alam kung paano nangyari 'yun dahil kitang kita ng dalawang mata ko na may litrato na naka dikit doon! Pero baka nahulog? Saka anong ginagawa ni Sir Donald sa building na 'yun?
"Theresa okay ka lang ba?" tanong ni Elaiza sa akin ng makarating sa room, tumango ako sa kaniya habang nakatingin sa lumang building.
"Oo nga pala may ipapakilala kami, si Darlene, kaibigan rin namin," tumingin ako sa kanila at nginitian ang bagong babaeng kasama nila.
"Sigurado ka bang ayos ka lang? Anong nangyari sa pag punta mo sa lumang building?" dahil sa tanong ni Elai napakagat labi ako.
"Nakapunta na ba kayo doon?" balik na tanong ko na hindi sinagot at mga tanong nila.
"Oo bakit?" sagot nilang tatlo, muli akong sumilip sa building bago sila tingnan.
"No'ng nakita niyo 'yung Mary Bolañios sa mga papel may picture ba 'yun?"kunot noong tanong ko.
"Wala,hindi na rin daw kasi ito na picturan no'ng pictorial nila bakit?" umiling ako sa sinagot ni Juliet at pumikit ng mariin kingina! rito sa lugar na ito ata ako mababaliw ng tuluyan!
"Bakit ba anong nangyari no'ng andon ka?" takang tanong ni Elai mukhang napapansin ang ikinikilos ko.
"Hindi ko alam mga boi! Nakita ko e may picture doon tapos dumating si Donald tapos pag tingin ko ulit doon sa paper wala na 'yung picture ni Mary I also took a picture of it pero wala! Imposibleng namalik mata ako dahil nakita ko talaga!" may halong kaba akong nararamdaman ngayon, siguro natatakot? maski nga mga balahibo ko nag sitayoan dahil sa nangyari.
"Nakausap mo si Sir Donald? Nag punta sa lumang building si Donald?" tanong ni Darlene at tumango naman ako at mas naging weird pa dahil nag katinginan silang tatlo na para bang ang sinabi ko ay imposible ring mangyari!
"Never naming nakita si Sir na umakyat doon, ni wala siyang pakialam sa amin sa tuwing aakyat kami sa building, hindi namin alam kung totoo pero no'ng araw daw na namatay si Mary wala daw noon si Sir Donald pero before that accident hiniram daw ni Sir ang susi sa cctv room sa lady guard, pero alam mo ba ang pinaka magulo pa doon, hindi siya naging suspect hindi tiningnan kung may finger print ba doon si Sir, may ilan na nag sasabi baka raw binayadan kaya never naging suspect kasi marming nag tataka kung bakit niya hiniram ang susi ng cctv room before that accident and then when the accident happened nakapatay daw ang cctv kaya walang record na nakuha." mahabang sabi ni Darlene, bumuntong hininga ako, ayaw kong maging curios, she's dead but somethings weird, aaminin ko i want to be a detective or a lawyer ayaw kong may foul na nangyayari, they can investigate that old teacher because of that action, bakit niya hiniram ang susi ng cctv room? somethings off! I want to know kung ano ang tunay na nangyari with that poor girl pero ayaw ko namang mangialam!
"Okay ka lang ba? anong sabi sayo ni sir?" tanong naman ni Juliet sa akin, ginulo ko ang buhok ko at ngumiti sa kanila.
"I'm fine, nagugulohan lang ako lalo na doon sa picture dahil I really saw her picture hindi ako nag bibiro, and argh nothing much he just said lang na delikado sa building na 'yun." bumuntong hininga ako, kita rin kasi sa mga mukha nila na hindi sila naniniwala sa sinasabi ko, sino ba naman kasing maniniwala napaka imposible rin kasi ng sinabi ko lalo na't bago pa lang ako rito tss bahala na!
BINABASA MO ANG
WHAT HAPPEN TO MARY?
HorrorIsang kwento ang narinig ng Transferee student na si Theresa, hindi niya ito pinaniwalaan dahil baka ito'y isang haka haka lamang. Ngunit isang araw bigla siyang nakaramdam ng kakaiba, bigla siyang nakakita ng hindi nakikita ng iba, pilit niya itong...