PROLOGUE - PAST PART I

0 0 0
                                    

Warning: Following content may contain sexual content.

-----

PROLOGUE
PAST PART I- You Belong To Me



Kamusta?

Napahinto ako sa pagtatype sa computer ng tumunog ang notifications ng cp ko sa messenger. Kinuha ko yun at agad na binasa.

Okay lang naman. Ikaw?

Tumunog ulit iyon tanda na may pumasok ulit na message.

Okay lang din. Tuloy ka ba mamaya?

Napaisip ako kong tutuloy ba ako o tatapusin na ang kaugnayan ko sa kaniya. Limang taon na tong ginagawa namin at nagpapalit palit na siya ng girlfriend simula nang mag break kami pero nanatili pa rin kaming may connection sa isa't isa.

Alam kong mali. Oo, mali kasi kahit ngayon na in a relationship siya ay palihim kaming nagkikita. Dalawang beses sa isang linggo, minsan tatlo pa nga. Sigurado akong mas marami pa ang oras na magkasama kami kesa sa girlfriend niya ngayon. Take note; bulacan to manila pa ang layo naming dalawa at nag hahalf meet lang kami sa gitna ng pagitan ng dalawang lugar kung saan kapwa kami nakatira. Walang nakakaalam. Hindi alam dito sa bahay and I'm one hundred percent sure na hindi rin alam sa bahay nila.

Bakit namin ito ginagawa?

Hindi ko alam kung bakit di namin mabitiwan ang isat isa. Dahil sa pagmamahal? No. Dahil sa pinagsamahan namin since he's my first boyfriend and I'm his first girlfriend na nagsimula noong first year highschool kami? Half. Sex? Probably..? Since ako ang una niya at siya ang una ko. Una sa lahat.

I remember when we we're in highschool ako yung estudyanteng pinanlalaban sa quiz bee, sa declamation, essay writing, lahat sinasalihan ko basta tungkol sa academics. Masyado akong focus noon sa pag aaral at sya naman isang estudyanteng puro barkada lang ang alam. Noon hindi ko naman siya pinapansin, I find him stupid sa totoo lang. Yung tipong pumapasok lang para sa baon tapos pagkatapos nun mag cucutting class na. But one day when our teacher pointed out the way he acted around me, nag simula na akong mapansin yung mga bagay na hindi ko naman napapansing ginagawa niya noon.

"Isiah, bumalik ka sa upuan mo hindi yung umuupo ka sa desk ni Olivia." Pagalit ni Ma'am Torres na Teacher namin sa Filipino.

Kumunot ang noo ko noon. And yes, nakaupo nga siya sa desk ko at hindi ko alam kung bakit di ko iyon napapansin noon kahit ilang beses niya ng ginagawa. Sanay na nga ako sa amoy niyang amoy baby powder.

"Ma'am naman e. Pinapaypayan ko lang si Olivia kasi nasira yung electricfan." Pangangatwiran niya. Nakangisi pa.

"Bakit mo siya pinapaypayan? May gusto ka ba kay Olivia?"

Nagtilian ang mga kaklase naming nakarinig.

And because of that inasar na kami ng mga kaklase namin kahit ng mga teacher sa iba't ibang subject. Di ko alam kung paano nalaman ng iba pero pag nakikita kami daig pa namin loveteam sa TV na sinusubaybayan nila.

Noong una wala lang sakin, naiinis pa nga ako, pero pag inaasar ka pala sa isang tao madadala ka rin no? Dahil isang buwan lang ang lumipas natagpuan namin ni Isiah ang sarili na kami na. Walang ligaw, walang salita, pero sa bawat kilos namin mahahalata na na gusto namin ang isat isa. Hinahatid at sinusundo niya na ako. Sabay na kaming kumain, may sarili na kaming mundo at nayayakap at nahahalikan niya na ako.

"Isiah.. Anong... Akala ko may project tayong gagawin? Asan na yung ibang group mates natin?" Tanong ko sa kaniya ng third year highschool na kami. Dahil sa pagtutor ko sa kaniya nanatili siyang section A kung saan lagi akong nakakapasok at dahil gusto niyang lagi akong kasama nagsumikap siyang mag aral.

Belong To MeWhere stories live. Discover now