Oras

1 0 0
                                    

May mga bagay na hindi natin namamalayan.
Sa pag ikot ng oras,
Sa pag ikot ng mundo,
Mapagtatanto mo na mahalaga ang bawat minuto, ang bawat oras at ang bawat panahon na kasama mo sila.

Sa pag ikot ng oras,
Sa pag ikot ng mundo,
Habang sila'y nawawala, habang ikaw ay naiiwang mag isa
Habang ang puso ay binibiyak,
Patuloy sa pag agos ng luha,
Mga ngiting hindi kailanman matutumbasan ng kahit na ano

Ngiting nagsisilbing sandigan!
Ngiti na para bang kay gandang tignan,
Ngunit! Ngunit, kaakibat ang sakit sa oras na nagdaan, sa mundong patuloy na umiikot, sa mundong ikaw ay binalewala.
Mundong puno ng pighati at kasakiman!

Sa pag ikot ng oras,
Sa pag ikot ng mundo,
Kaakibat ang walang kasiguraduhang kaligtasan.
Ngunit sa kabila ng lahat
Ikaw ay mananatiling matatatag
At masaya.

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon