White, Black and Red

0 0 0
                                    

Ng imulat ko ang aking mga mata
Namulatan ko ang paligid
Paligid kung saan purong kasiyahan lamang ang aking nakikita
Paligid na napakaganda

Paligid na napakaaliwalas at puno lamang ng kainosentihan kung saan ang paligid ang syang aking naging takbuhan

Ipinikit ko ang aking mga mata na may mga ngiti sa labi
Ngiting hindi kailanman maglalaho
Mga tawa ng bawat tao
Mga taong kikitaan ng pag asa

Pag asang makamit ang inaasam
Kasiyahang walang katumbas na salapi
Kasihayang unti unting nabibiyak
Ang kaninang inaakala kong hindi
mawawala unti unting nabubura

Mga tawa ng tao ay unti unting
naglalaho
Napatigil ako, ang tangi ko lamang naririnig ay ang mga sigaw at hinagpis

Nararamdaman ko, nararamdaman ko
Ang iyak ng bawat isa
Ang paghihirap ng bawat isa
Umaasang matapos na ang lahat

Naramdaman ko ang aking mga mata
Unti unting nababahiran ng luha
Napakasakit, na tila ba'y walang
katapusan

Damdaming unti unting naglalaho
Mahal kong mga kapatid
Ano ang nangyari at naging ganito?
Inimulat kong muli ang aking mga mata
Umaasang mawawala ang lahat
Nagbabakasakaling maibsan ang sugat

Sugat kung saan tiyak na sobrang lalim
Sugat na matagal ng itinatago ngunit hindi mailabas, Umaasang mapakinggan ng lahat ang bawat iyak at pagsuko

Pero ng imulat ko ang aking mata
Ang akalang maiibsan mas lumala
Ang paligid ng aking iniingatan
Unti unting nababahiran ng dugo

Dugo kung saan aking pinagsisihan ng husto, natanong ko ang aking sarili
Nasaan na ang magagandang tanawin?
Nasaan na ang paligid na syang aking minahal.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: 6 days ago ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My PoemsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon